"Hindi naman siguro? Bat mo naman nasabi yan?"

"Eh kasi laging busy sa work ung mommy ko ganun na din si daddy."

"Teka ano bang work nang parents mo?"

"hmmm simple lang.. Ang magpalago ng mga beaches, resorts at resto sa buong pilipinas."

"wag mong sabihing? inyo din tong resort na ito?"

"Hahaha, Syempre oo. Di ko itatanggi un, sa lahat ng naging resort namin ito ang pinakagusto ko eh."

*speechless*

HUWAAW. Ang kaibigan ko anak ng may-ari ng resort. Di na ako nagtataka at natawagan niya ako kanina.

"Hahaha, Chesire alam ko shock ka, pero wag mong pakadibdibin un huh. Teka bakit mo nga palang naisipang magbakasyon dito sa cummins?"

"Uhm. mahabang storya pero i shortcut ko na lang. Gusto kasi ni mama na dito ko ubusin ang summer vacation ko eh."

"Ahh ganun ba? Bakit hindi mo ikwento ung mahabang story na un? Para may malaman naman ako about sayo."

"Naku wag na Lindsay at tara na munang kumain habang mainit pa tong luto ko." Singit ni Kyle sa amin habang nagpapatong ng Tempura sa mesa namin.

WHAT? Tempura? Japanese dish to ahh? pano niya nagtutunang gumawa ng ganito?

"Ikaw ba nagluto nito?" gulat na pagtatanong ko sa kanya.

"Yup, saglit kuhanin ko lang ung sushi at rice balls dun." Tapos umalis siya saglit at bumalik na dala ung ginawa niya.

"WOW. Really? ikaw ang nagluto nito?"

"Oo. pasensya na yan lang nailuto ko kasi kulang nang foods dun sa ref di na ako nakabili ng ibang maluluto eh." sagot niya sa akin habang inilalagay ung kanin sa gitna.

"Grabe ang galing mo naman. Simple filipino dish lang ung kaya ko, tapos ikaw ganito."

"Hay naku Chesire. Masanay ka na. Specialty kasi nian ang mga forein dish." singit ni Lindsay habang dumadampot ng ilang pagkain para ilagay sa plato niya.

"Ay naku, maya na ung  mga papuri sa akin tara na muna kumain at gutom na ako. Paka busog ka Chesire huh? wag kang mahiyang dumampot." Sabay upo niya dun sa tapat ko.

Ako? mahihiyang dumampot? Naku hinde noh! Lalo na't ganito ang pagkain na nakahain sa mesa! First time kong makakatikim ng japanese dish na sa anime at tV ko lang nakikita! Hay naku, Tara na kumain!

*******

“Grabe nabusog ako dun ah.” Imik ni Linsay habang umuupo dun sa sofa nila kyle.

"Oo nga, ang sarap kasi ng luto mo kyle." Imik ko kay kyle habang tinutulungan siyang maglipat ng pinagkainan namin sa kusina at tutubigan na lang daw muna niya.

"Ui chesire kwento mo naman sa akin ung mahabang kwento na sinasabi mo kanina."  sabay dikit sa akin ni Lindsay nang umupo ako sa tabi niya.

"Uhm, Believe me hindi magandang storya." Pagtanggi ko sa kanya habang nakatingin kay kyle na papalapit sa amin.

"But I wan't to hear your story. Di ba friends na tayo.?" -Lindsay

"Oo nga naman Chesire, Pagbigyan mo na yang batang yan" Imik naman ni Kyle na umupo sa tabi ni Lindsay.

Binaling ni Lyndsay ung tingin niya kay kyle."Tss. Sinong bata?"

"Hahaha sige na nga ikukwento ko na." Tapos kinuha ko ung sofa pillow sa tabi ko at niyapos.

"Yehey!" Sigaw ni Lindsay tapos umupo ng maayos dun sa sofa. Si kyle naman kumuha ng tissue at nilagay dun sa mesa.

"Uhm ganito kasi un.." Tapos un sinimulan ko na ung kwento ko. Habang nagkukwento ako tinitingnan ko lang si Lindsay at natutuwa akong interesado siyang makinig, at makikita mong nasasaktan din siya sa kwento ko. So far kasi si mama pa lang ung napagkukwetuhan ko ng nangyari sa akin. Wala naman akong bestfriend kasi kasama na siya ni Michael ngayon. Tsss.

Strangers In Paradise(on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon