Chapter 4

2.8K 79 29
                                    

A/N: Grabe ah? Nahirapan akong tapusin tong Chapter na to. Pakiusap naman mag-comment kayo... Hahaha... Yun na lang ang kapalit ng pagpilit kong ma-ipost to ngayon.

- Sarrah ♥


>>>♥<<<

4

"REGGIE!!!" biglang bangon ako. Agad namang pumasok si Daddy sa kwarto ko. Nakalimutan ko palang i-lock yung pinto.

"O nak, bakit? Ano nangyari?" tanong nya pagkatapos ay lumapit din naman agad sa'kin.

Agad rin akong yumakap sa kanya saka umiyak, habang hinaplos naman ni Daddy yung likod ko.

"D-Daddy... S-si R-Reggie... Napanaginipan ko, m-meron na daw syang i-iba..." sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

"Ok lang yan nak... Minahal mo sya eh..." pagkatapos ay kumalas sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan yung chin ko... "Pero... hahayaan mo ba naman na masira uli yung sarili mo na binuo mo nung nawala sya, dahil lang sa nakita mo uli sya?" Sabi ko nga, nai-chismis na ng magaling kong bestfriend yung nangyari.

Hindi ako sumagot kaya niyakap na lang nya uli ako.

"Tahan na baby ah? Wag ka na umiyak... Andito naman si Daddy at hindi kita iiwan kahit ano mangyari..."

Hayy... Si Daddy talaga. Para pa ring baby ang turing sa'kin. Nasabi ko na ba sainyo? He has been a single Dad since the day I was born. Namatay kasi si Mommy sa panganganak sa'kin and since then, sya na rin ang tumayong mother ko. Kaya nga mahal na mahal ko to eh.

"I love you Dad..." sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"I love you too baby... Sige na, at male-late na si Daddy sa work..." hinalikan nya muna ako sa forehead bago nya tinungo yung pintuan ng room ko.

Nung malapit na sya sa pintuan, lumingon uli sya sa'kin.

"Nga pala, baka hanapin mo si Luis, maaga syang umalis kasama yung friend nyang interior designer. Pupunta raw sila ng Cavite. Aasikasuhin yung nabili nyong bar doon. Baka daw gabihin sya ng uwi."


"Ahh... Dala po ba nya kotse ko?"


"Hindi. Ang alam ko, kotse nung friend nya yung gamit nila. Yung susi ng kotse mo naka'y Manang. Kunin mo na lang sa kanya."


I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon