Chapter 3

2.8K 64 19
                                    

>>>♥<<<

3

*Knock knock*

Ano ba yan?

Natutulog pa ang tao eh.      

Knock knock!   

"Sandali lang!" sigaw ko.      

Sino ba kasing istorbo na to?      

Inalis ko yung kumot na nakabalot sa katawan ko, pagkatapos ay bumangon at tinungo na ang pinto ng kwarto ko.      

"Ano ba naman yan Manong? Ang aga-aga eh..." sabi ko pagkabukas ng pinto at pagkatapos ay bumalik na sa kama ko at humiga ulit.

Sumunod naman si Luis at umupo sa gilid ng kama ko. Nakatalikod ako sa kanya.

"Manang, gumising ka na dyan... Samahan mo ako sa Cavite. Tignan natin yung bar na ipinagbibili dun..." pagkatapos ay niyugyog ako.  

"Eehh... Ikaw na lang. Inaantok pa ako."  

"Ano ba yan? Sunday na Sunday tinatamad ka... Bilis na kasi..." sabi nya habang hindi pa rin tumitigil sa pagyugyog sa'kin.      

Humarap ako sa kanya.      

"Alam mo, nakakainis ka talaga... Oo na sige na... Bumaba ka na, maliligo lang ako..." tumayo na ako at ipinagtulakan sya palabas ng kwarto ko.  

"Aray ko. Grabe ka naman Manang, ang brutal mo..." sabi nya habang tinutulak ko sya.      

Isinara ko agad yung pinto pagkalabas nya. Kainis talagang lalaki yun! Imbes na ang sarap pa ng tulog ko eh...!      

Argh! Makaligo na nga.    

***

Wala pa rin ako sa mood nung nasa byahe na kami kaya si Luis na yung nag-drive. Tutal sya rin naman ang nakakaalam ng lugar na pupuntahan namin. Natulog na lang ako habang si Luis naman ay nagpatugtog ng radyo.    

I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon