Chapter 8

3.1K 103 44
                                    

Ara's POV

"Mika.." Bulong ko. "Babe." Tapik ko sa balikat niya, nakatulog na nga siya. Binuksan ko ang pinto sa kabilang side at dahan dahang lumabas habang ginigeya siyang ihiga sa upuan sa likod at nilagyan ng unan sa ulo.

"Wait lang ah." Bulong ko at hinalikan siya sa noo, hindi ko din alam kung bakit ko ginawa pero bigla na lang pumasok sa isip ko, medyo guilty siguro ako dahil nga sa pagiyak niya.

"Kim!" Sigaw ko sa kanya pagdating ko sa may bar counter agad naman siyang lumapit. "Una na muna ako, early out muna ako ngayon." Sabi ko.

"Sure?" Medyo may pagaalala sa boses niya.

"Oo. Pasensya na ah, busy pa naman." Kamot ko sa batok ko.

"Arte mo. Go na. Ayusin mo yang problema mo. Kausapin mo muna si Manager." Advice niya sa akin.

"Okay. Salamat. Ingat ka pauwi! Bye." Nagthumbs up lang siya sa akin dahil dumami na naman ang tao. Hay.

Dumaan ako sa table ni Thomas at nagpaalam lang at agad dumiretso kay Boss para magpaalam, medyo napagalitan ako dahil sa komosyon na nangyari kanina, pero naiintindihan naman daw niya kaya pinayagan ako bawi na lang daw ako sa isang araw. Buti na lang wala akong pasok bukas dahil Linggo. Paglabas ko sa office ni Boss

"Vic.."

"Ui?" hindi naman kasi talaga magkakilala.

"Sorry sa nangyari kanina. Hindi ko talaga sinasadya na magmake ng scene." Yumuko siya.

"Ay, wala ka namang kasalanan. Pasensya na din ah, pasabi na lang din sa mga kaibigan mo." Ngumiti ako sa kanya, maganda nga siya at mahinhin magsalita.

"Just want to formally introduce myself. Saskia pala." Abot ng kamay niya habang nakangiti.

"Vic or Ara na lang" at inabot ko naman ang kamay niya, malambot ang kamay, nakakahiya ata. Inalis ko na din agad bago ko pa mabigayan ng malisya. Ngumiti lang siya sa akin, hindi ko alam kung friendly lang ba o binibigyan ko na nga ng malisya at nakikipagflirt siya. Either way, isa lang ang sure ko, ang cute niya magsmile. "Sige. See you around ah. Nice meeting you. Sana makabalik ka pa dito." Nagpaalam na ako dahil bigla ko naisip yung mukha ni Mika na umiiyak. Tsk.

Agad ako bumalik sa sasakyan niya at nagdrive na pauwi sa bahay. Ayoko siya iuwi sa condo niya at baka isipin pa ng mga gwardya pinagsamantalahan ko siya. Mabuti ng nagiingat.

"Urghhh.." Grabe ah, wala pang dalawang linggo kami magkakilala mababali na likod ko ng dahil sa kanya, sobrang bigat. Hindi ko naman magising kaya imbis abutin ng siyam siyam, buhatin na lang. "Carol.." Katok ka sa pintuan. "Cars.." Pagminamalas nga naman, nakalimutan ko yung susi ko kaninang umaga at dahil akala ko uuwi kami ng sabay ni Ate Kim hindi ko naisip. Tsk. "Carol.." Katok ko.

Maya maya pa ay naririnig ko na ang yabag ng paa niya at dahandahang binuksan yung pinto.

"Carol, sorry. Naiwan ko kasi yung susi ko." Mukha siyang nagulat na may karga ako kaya dalidali niyang binuksan yung pinto at ng makapasok ako.

Dirediretso na ako sa kwarto at nilagay siya sa aking kama inayos ko lang ang pagkakahiga niya at kinumutan at tuluyang lumabas papunta sa hapag kainan.

"O. Kape ka muna. Anong nangyare? Saan si Kimmy?" Yes, buti kinakuasap na niya ako. Nakaupo lang siya habang umiinom ng tubig. Umupo na lang din ako sa tapat niya.

"Nalasing ata. Nasa bar pa. Nauna lang akong umuwi dahil nga dito." Tinuro ko yung pinto ng kwarto.

"Uhm, Vic.."

"Hmm?"

"Kayo na ba talaga?" Hindi siya nakatingin sa akin at pinaglalaruan lang yung baso niya.

When I Met You (Ara Galang - Mika Reyes FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon