6

57 11 1
                                    


Cara

Problema na naman sa bahay.

Hindi na natigil sa kaaaway ang mga magulang ko. Si Papa, simula nang nawalan sya ng trabaho, wala nang ginawa kundi tumunganga. Minsan umiinom and that's much worse.

Si Mama, nababaliw na dahil pilit nyang pinagkakasya ang natitirang pera naman sa bangko.

Rinig na rinig ko ang sigawan nila sa baba.

Nakarinig ako ng katok at bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ate Cara, paturo naman ng number four," pumasok sa kwarto ko ang nakababata kong kapatid na si Noah, grade 5.

"Anong subject ba yan?" tanong ko.

Lumapit sya sakin at naupo sa kama ko, "Science, ate."

"Asus, science lang pala e."

Ngumiti sya. Buong-buo ang kasiyahan sa kanyang mukha. "Tutulungan mo kong sagutan, ate?"

"Sure. No problem!"

Kahit ang totoo ay marami kaming problema.

I Fell In Love With A ProstituteWhere stories live. Discover now