Terrible Things

2.6K 85 18
                                    


~ ~ 


By the time I was your age, I'd give anything
To fall in love truly, was all I could think
That's when I met your mother, the girl of my dreams
The most beautiful woman, that I'd ever seen


~ ~ 


"Heads up!!" sigaw ko nang napalakas ang pag-pasa ng bola sa akin ng teammate ko at lumipad ito diretso sa dalawang magkaibigan na babae.


Tumingin ang isa sa kanila sa akin at napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Sunod naman siyang tumingin sa itaas at doon lang niya napansin ang bola na papalapit sa ulo niya. 


Kahit alam kong hindi ako aabot sa pag-bagsak ng bola sa kanya, tumakbo pa rin ako pero agad akong napatigil nang bigla siyang hilahin palayo ng kaibigan niya at walang hassle niyang sinalo ang bola.


Nang nakalapit na ako sa kanila, doon ko lang nakita ng maayos kung sino siya. Tinaasan niya ako ng isang kilay at inihagis sa akin ang bola, "Brian Cuerva, when will you stop sucking at playing basketball?"


Sinalo ko ang bola at tumawa sa sinabi niya. Humakbang ako papalapit sa kanya at napansin kong umatras ang kaibigan niya na pulang-pula na ang mukha, pero nanatiling nakatayo sa pwesto niya at nakapamewang ang babaeng kausap ko, "Alayziah Santos, when will you stop denying your sexual attraction for me?"


Bumuka at sumara ang manipis niyang labi at namula ng kaunti ang kanyang tenga at pisngi. Lalo lang nag-alab dahil sa galit ang kanyang mga mata at sapat na ang reaksyon na ito para mabuo ang araw ko.


Hindi ko napigilang kumawala ang isang smirk sa labi ko at bago pa siya lalong ma-badtrip, tumalikod na ako at naglakad palayo.


"You suck!!" huminto ako saglit sa paglalakad at lalong lumaki ang ngiti ko. Nilingon ko siya at kinindatan na ginantihan naman niya ng isang irap.


Alayziah Santos, I'll make you mine this time.


~ ~ 


She said, "Boy can I tell you a wonderful thing?

I can't help but notice, you're staring at me.
I know I shouldn't say this, but I really believe,
I can tell by your eyes that you're in love with me."


~ ~


[3RD P.O.V]


[Back in high school]


"Heads up!!" sigaw ni Brian nang napataas ang pag-pasa ng teammate niya sa kanya ng bola at nakita niyang tatama ito sa isang babae.


Tumingin sa kanya ang babae at napahinto si Brian nang makita niyang mapula ang kanyang mga mata na para bang kakagaling lang sa iyak. Tumingin ang babae sa direksyon ng bola at sa halip na umiwas, tumingin lang siya ng diretso at hinayaang matamaan siya ng bola sa ulo.

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon