Chapter 4

3.2K 107 10
                                    

Chapter 4

Fiancee

Mabilis akong lumayo nang lumapit ang naturang babae. Hindi ko mapigilan ang agarang paghanga sa kaniyang eleganteng paglakad.

Tagilid ang naging ngiti ni Justice roon sa babae. Para akong natulos nang bigla niyang halikan ang babae!

"Sorry, I don't know that you will come here at my office, Elle," paos ang kaniyang boses.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Elle. "Looks really that you got really surprise." tinagilid nito ang ulo.

Napahaplos sa batok si Justice. "I'm really sorry," muli niyang pagpapaumanhin.

"What's with the commotion earlier?" tanong na nito na may pagtataka sa boses. Bigla akong napayuko nang maramdaman ko ang mga mata niya na nakatitg na sa akin.

Narinig ko ang paghalakhak ni Justice. Sa gilid ng paningin ko'y nakapulupot na ang matigas na braso ni Justice sa makurbang baywang noong babae.

"She's Donita, Elle, my secretary," aniya sa baritonong boses.

"Ah! Really?" natunugan ko ang pagkamangha sa boses noong babae.

Natigalgal ako nang ako'y kaniyang lapitan. Malawak na ang ngiti nito sa akin. Sinilip ko si Justice na sa kabila ng pagngiti niya'y nag-aamba naman ng panganib ang mga mata. Sumidhi ang galit sa aking dibdib. Paanong sa kabila ng lahat ay nagagawa niya pang ngumiti na tila'y walang nangyari kanina lamang?

"Hello!" bati noong Elle sa akin at winagayway ang kamay. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

Kabado akong napangiti sa kaniya.

"So, you're Donita? I'm Elle, Justice's fiancee." sabay lahad nito ng palad.

Para akong minulto sa aking narinig. Nakaawang lang ang aking labi't tulala lamang sa kanila. F-fiancee ni Elle si Justice? Kung ganoo'y sino ang babae na nakita ko rito sa una kong pagpasok sa kaniya?

Napansin ko na lamang na binalingan ni Elle si Justice at napuno ang mga mata niya ng pagtataka. Unti-unti nang lumapit si Justice sa amin.

"She's just shy, Elle. Ganiyan talaga ang bago kong secretary," pagdadahilan ni Justice.

Hindi pa rin ako nakakahuma. Parang may sumabog na bomba sa aking tainga.

Hinawakan niya ang aking braso at bumagsak ang paningin ko roon. "I think you will be as great as Glaiza. But I like you more, now. H'wag kang mahihiya sa 'kin, huh?" pang-aalo niya.

Hilaw akong ngumiti. Wala akong mabigkas na kahit na ano dahil pakiramdam ko'y may alam ako na hindi alam ng Elle na ito. Ni alam nga kaya niyang may nakaraan kami ni Justice noon?

Nasa labas na ako ng opisina ni Justice at nagpokus sa aking trabaho. Naririnig ko ang hagikhikan nila't mga boses ng pag-uusap. Hanggang ngayo'y iniisip ko pa rin kung bakit nagagawang lokohin ni Justice si Elle. Engage na sila ngunit bakit nag-e-entertain pa siya ng ibang babae?

Alam ko na simula noong naghiwalay kami ay naging sunud-sunod ang mga naging babae niya dahil na rin sa mga balitang naririnig ko noong mawala na siya sa Maestranza. Ngunit hindi ko akalain na kahit na tali na siya sa isang tao'y naiisip niya pa rin ang maghanap ng iba?

Sino ba ako upang mangialam?

Napatayo ako nang lumabas na iyong si Elle kasama si Justice. Muli akong namangha pagkakita kung gaano kabagay sa kaniya ang matingkad na asul niyang off-shoulder at puting fitted slacks. Sumasayaw sa hangin ang kulay olandes niyang maalon na buhok. Mukha siyang elegante.

Selfless - Less Series # 1 - DonitaWhere stories live. Discover now