[Chapter 32]

19K 498 31
                                    

SOPHIA'S POV

Grabe na to! Mas kinikilig pa ata ako sa ginawa ni Aaron kesa kay Cassey eh. Sobrang kilig and sweet din kasi ng plan ni Aaron na to at super effort. Hindi ko inaakalang may mga gantong plano pala si Aaron para kay Cassey. And obviously, our Cassey was shocked. Akala ko kasi puro basketball lang laman ng utak ni Aaron. I'm so happy for the both of them. Halata naman kasing gusto bila isa't isa. ay mali, mahal nila isa't isa. Yun yon!

" Congrats te"-REIGN

" Thankyouuuuu!Thankyou sa ginawa niyo"-CASSEY

" NAh. No need to thank us Cassey. You should be thanking Aaron. This is all his plan"-TRISHA

" Yap! Oo nga. And we knw naman na deserving si Aaron mo sa "YES" mo so we are here to support him. Support you"-AKO

Hindi matapos tapos sa pag tethankyou sa Cassey samin. That time na humingi sa aaron samin ng help about sa plan niyang surprise kay Cassey, no doubt, seryoso nga talaga siya kay Cassey. Para san pa tong effort niya kung trip trip niya lang diba? Kaya may tiwala naman kami sakanya na hindi niya lolokohin tong si Cassey. One more thing, si Aaron naman din pinakamatino sa apat na mag kakaibigan eh.

" Oo na! Tama na to. Balik na kaya tayo sa gym. Start na yung game oh"-TRISHA

" Sabi ko nga Thankyou agin. Let's go!"-CASSEY

Bumalik na nga kami sa gym. Habang nag lalakad, hindi pa rin mawala sa mukha ni Cassey yung saya. How I wish lagi ko siyang makitang ganyan ang ngiti. Lagi din kasing seryoso tong babaeng to eh. Laging stress sa studies. Atleast now meron na si Aaron na aalaga sakanya and mag babawal sakanyang mastress. Nandito pa ri naman kami para sakanya. We'll always be.

Nakakaubos ng boses tong game na to. Sigaw kami ng sigaw.E pano ba naman kasi, ang galing lang din ng kalaban nilang team ngayon not like before. Hindi mo talaga mapipigilang sumigaw. Pero our team won pa rin naman so worth it lahat ng boses namin sa kasisigaw. As expected :D

We go out for a dinner as a team. I mean victory party para sa team. Syempre naman kasama kaming mga supporters. Hirap kayang sumigaw sigaw dun. At the same time kami din gumawa ng pagka dami daming banner and placards for them.Nakakapagod. After party, umuwi na din ako agad. Hindi ko lang alam kung may lakad pa sila or umuwi na din sila. Nag half bath ako agad then humiga na. Wala pa atang 5 minutes ng pag hinga ko e nakatulog na ako. Pagod na din siguro.

Pagmulat na pagmulat ng mata ko, phone ko agad ang hinanap ko. Habbit ko na yun eh, na pag gising ko phone na agad ang hahanapin ko. Pangalan agad ni Patrick ang nabasa ko screen ko. Himala! Ang aga naman ata neto mag text. Or text niya to kagabi na ngayon ko lang nakita? 7:10 AM yung nakalagay na time nung message so I guess ngayong araw lang tong message na to. Tinignan ko yung orasan ko. 8:13AM pa lang. Aga neto ah.

Babasahin ko pa lang sana yung mga message kaso bigla naman na siyang tumawag. Anong meron dito?

They Collide (Clash vs Love) [ ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon