[Chapter 19]Open up :D

20.1K 504 11
                                    

AARON'S POV

Bakit kaya ang mga babae kahit may nararamdaman, ayaw nilang sabihin. Kahit na masakit o nasasaktan na sila, sasabihin nila na ok lang sila. Ang gulo noh. Parang wala silang lakas ng loob na sabihin kung ano talaga nararamdaman nila.

Parang si Cassey kanina. Sumasakit na nga yung ulo pero ayaw pang sabihin. Ok lang daw siya. Nung una hindi ko lang pinansin eh. Pero nahalata kong nahihirapan na siya. At namumutla pa. Kaya ako na lang nag sabi kay sir para maescuse at madala siya sa clinic.

Habang nag lalakad papuntang clinic. Bigla siyang huminto sa pag lalakad. Tinanong ko siya kung bakit pero tinignan niya lang ako at bigla siyang natumba.She fainted infront of me. Sa sobrang taranta ko, hindi ko pa alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung pano ko siya bubuhatin.Medyo mabigat siya pero hindi ko na ininda yun. Basta binuhat ko siya then tinakbo sa clinic.

Sa sobrang pagod ko na din. Hindi ko masabi sa nurse kung anong nangyari. Sobrang hinihingal pa ako eh. Inihiga ko siya then pinaupo muna ako sa sofa. At inasikaso na nung nursa si Cassey.Medyo matagal tagal din bago matapos yung nurse sa pag eexamine niya kay Cassey.

" Ano na po? Ok na ba siya? Kamusta na po siya? Bakit siya nag faint ?"-AKO

" She's fine. Naover fatuige lang siya. She just need to rest. But she's fine"-NURSE

 

Wooooh! Salamat naman. Sibrang kinabahan ako dun ah. Hindi ko din alam kung bakit ako kinabahan ng ganun katindi. Nagyon ko lang naramdaman yung ganung kaba. At kay Cassey ko pa naramdaman. Parang nalaglag yung puso ko kanina.

Mag-iisang oras na pero hindi pa rin nagigising si Cassey. Hindi na nga ako mapakali eh. Kaming dalawa lang ang nandito sa clinic. Lumabas kasi saglit yung nurse. Kaya ako muna pinag bantay. Habang tinititigan siya, bigla na lang ako napapasmile. Tch! Mukha na akong baliw dito.

Sawakas! Gumising din. Nilapitan ko agad siya at nag tanong kung ano na nararamdaman niya. Pinipilit niyang bumangon pero pinahiga ko ulit siya. Ang kulit eh. Sabing kailangan magpahinga.

Nagugutom na ako. Tinanong ko si Cassey kung may gusto ba siyang ipabili pero wala daw. Pumunta na ako ng canteen. Habang nag lalakad, may biglang tumawag ng pangalan ko. Si coach lang pala. Coach namin ng basketball.

" Aaron!"- COACH

They Collide (Clash vs Love) [ ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon