Twenty Four- Sorry na.

1.7K 27 1
                                    

Sandra's POV

"Sunog!!!!" Napabalikwas ako ng bangon nung may sumigaw ng sunog.

"Waah! Sunog! Nasan yung sunog? Mommy!! May sunog!!" Sabi ko habang natatarantang bumangon sa higaan. Wala na akong pakielam kung may muta pa ako. Aba! Ayokong matupok at maging abo ano!

Palabas na ako ng pintuan ng makarinig ako ng dalawang boses na tumatawa kaya dahan dahan akong napalingon at halos maningkit ang mga mata ko sakanilang dalawa na halos lumabas na ang kanilang tonsil.

"Arghhhh! Ano ba sa tingin nyo ang ginagawa nyo?!" Sigaw ko sakanila.

Sila naman patuloy lang sa pagtawa, "Nababaliw na ba kayo? Ha?!" Sigaw ko sakanila. Ugh! Umagang umaga naman!

"So- sorry! Ha-haha-ha! Y- you should've seen y-your face. It's epic! Hahaha" Sabi ni Kc at tumatango tango naman si Ash!

"Ano ba kasing ginagawa nyo dito? Ng ganitong kaaga?" Sabi ko pero tawa lang sila ng tawa. Arghh!

"Ge. Pakiubos muna yang tawa nyo. Matutulog muna ako. Gisingin nyo na lang ako kapag tapos na kayong tumawa." I said at pabalik na ako sa kama ko nung pinigilan ako ni Ash.

"Sorry about what happened, Cassie. But I think you need to take a bath first." Sabi ni Ash.

Napatingin ako sa kanya ng naguguluhan but she just smiled at me, "May biglaang gala tayo. Kaya dalian mo na." Sabi nya kaya napatango na lang ako at pumasok na sa loob ng comfort room.

Ginawa ko lang ang mga rituals ko at viola! I'm done. Nagulat ako nung lalagyan nila ako ng make up, "Bakit meron nyan?" I asked.

They just shrugged, "Masyado kang maputla kaya lalagyan ka namin ng konting kulay man lang." Sabi ni Kc.

Napakunot ang noo ko, "Hindi kaya. Mas simple mas maganda." Sabi ko. Well. Haha.

"Ikr! Pero minsan lang to. Hayaan mo na. Light lang naman e." Sabi ni Ash. Tsk! Hindi naman ako mananalo sa kanila e, kaya hinayaan ko na lang. Tsk!

After nun ay nagdiretso kami sa bahay nila Beb kaya napatingin ako sa kanila, "Dito lang tayo pupunta ginanito nyo pa yung mukha ko?"

Ngumiti naman sila sakin at nagulat ako nung bigla nila akong nilagyan ng blind fold, "Anong kalokohan 'to?" I asked pero wala akong nakuhang sagot.

"Pag ako nadapa, sasamain talaga kayo sakin." Sabi ko.

"Relax lang kasi Cassandra Mendoza! Hindi naman namin hahayaang mangyari yun e. Takot lang namin sayo." Sabi ni Ash kaya napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko talaga magets kung anong trip nila sakin ngayon. At ako pa talaga ang napagtripan nila ha?

Dapat nga natutulog pa ako hanggang ngayon pero dahil sa pangbubulabog nila gising na ako. Nakakaloka talaga sila. Sheez.

Alam kong 11am na at tanghali na yun pero para sakin maaga pa yun dahil ang tunay na maganda mga passed 12nn na o mga 1pm, basta ganon! Tsk!

Maya maya lang ay tumigil na kami, "You'll count one to three, okay?" Kc said.

I just nodded my head on him, "Game." he said.

Para namang timang yung gagawin ko e. I sighed, "One... Two.. Three.." I said and tinanggal ko na yung blind fold. Dahan dahan kong binuksan yung mga mata ko at halos mapanganga ako nung makita ko ang lugar na pinagtigilan ko.

Nasa may pool ako at may nakalagay sa pool na 'Sorry Baby' kaya lumingon lingon ako pero hindi ko nakita sila Ash dahil ang nakita ko dito ay si Adam na nakangiti sakin.

Inaamin ko na namissed ko talaga sya dahil kahit lagi kaming nagkikita hindi naman kami nagpapansinan.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Anong kalokohan 'to?" Sabi ko ng pataray. Well, ang sweet nya at kinikilig talaga ako sa ginawa nya kasi effort talaga 'to pero ayoko ngang ipakita sakanya 'yun. Duh?! Aawayin ko muna sya dahil natiis nya ako ng dalawang linggo.

Seryoso syang lumapit sakin at iniabot yung isang bouquet ng bulaklak pero tinaasan ko lang sya ng kilay. He sighed, "C'mon, Sandra. Get it. It's for you." He said in a pleading voice kaya kinuha ko na sya.

Hinila nya ako palapit sa mga upuan. Seryoso lang syang nakatingin sakin kaya ganon din ako, "Anong meron, Adam Lee?" I asked with annoyance.

"Look, I'm sorry okay? Hindi ko naman ginusto yung ginawa ko sayo nung last week I mean yung bago magflag ceremony. Sorry kasi naman 'Aids' para namang 'Aids' na sakit kaya ko sinabi yun." I gave him a bored look, "My fault, baby. It's fine with me kahit anong itawag mo sakin. Sorry kung pinatagal ko pa ng ganito katagal yung away natin, baby. Forgive me, baby. Please?"

"Give me one valid reason para patawarin kita." I said. Hindi naman sa nagmamatigas ako pero wala lang trip ko lang. Haha! Magdusa sya! Haha.

"What?" He said.

I smiled, "Alright. Walang dahilan? Edi wala ring patawad. Ge. Bye!" I said at tumayo na.

Nagulat ako nung bigla nya akong hinila at hinalikan. Halos manlaki nga ang mga mata ko e. Sheez. Pero unti unti akong napapapikit. Ayokong halikan sya pabalik kaso bwisit naman! May sarili yatang utak yung labi ko dahil I am now kissing him back.

Naramdaman ko ang pagngiti nya nung hinalikan ko sya pabalik. He put his arms in my waist dahil nakakapanglambot ng tuhod yung mga halik nya. Yung kamay ko nasa dibdib nya lang nakahawak.

Tumigil sya sa paghalik pero ganon pa rin yung pwesto namin. Nakatingin lang sya ng diretso sa mga mata ko habang nakangiti, "Sapat na sigurong dahilan yon, baby?"

Marahan akong tumango sakanya kaya mas lalo pa syang napangiti. He kissed my forehead, tip of my nose, my cheeks and he gave me a smack on my lips.

"I love you so much, baby." He whispered.

"So am I." I whispered.

I'm so lucky to have a boyfriend like him. Sana lagi na lang kaming masaya. Sana ganito na lang kami palagi. Walang pinoproblema. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala pa sakin ang isang Adam Lee.

Mahal na mahal ko sya at kung kinakailangan ko syang ipaglaban habang buhay. Gagawin ko. 'Wag lang syang mawawala sakin. Mahal na mahal ko sya e.

Adam's POV

Okay na kami. Bati na kami. Ayokong mawala sya sakin. Hindi naman ako papayag na yung simpleng away lang na yun ang sisira sa relasyon namin dalawa.

Akala ko hindi nya tatanggapin yung sorry ko e. Buti na lang at tinggap nya. Halik lang pala ang katapat. Haha! Dejklang.

Pero seryoso nataranta talaga ako kanina nung tumalikod na sya e. Wala na akong maisip dahil natataranta na ako kay hinalikan ko na lang sya. Hindi nga nya ako hinalikan agad. Akala ko katapusan na namin. Grabe naman kasi e. Sheez.

Mahal na mahal ko si Cassandra at gagawin ko ang lahat 'wag lang syang mawala sakin.

Sya ang buhay ko, ang lakas ko. Sya yung kasiyahan ko at sya ang puso ko.

Subukin man kami ng panahon, wala akong pakielam. Lalaban ako, lalaban kami.

Siguro nga mahirap lang kami pero ano naman? Pareparehas lang naman tayong tao. Iisang mundo lang ang ginagalawan natin. Iisang hangin lang hinahingahan natin.

Hindi ko maintindihan ang mga mayayaman kung bakit lagi nilang inaalipusta ang mga mahihirap na kagaya namin. Hindi ko naman sinabing walang wala kami. Sapat lang, yan yung tamang term para sakin dahil nakakakain pa naman kami ng tatlong beses sa isang araw dahil may trabaho naman si papa at ate.

Napatingin ako sa babaeng nakikipggtawanan sa mga kaibigan nya at saktong napatingin sya sakin kaya nginitian ko sya pero binelatan nya lang ako.

I mouthed her 'I love you' and she mouthed 'I love you too'.

I smiled on the thought na akin lang si Cassandra. Akin lang sya. Hindi sya pwede sa iba dahil sakin lang sya.

ILY Baby [COMPLETE]Where stories live. Discover now