47. Red Thorn

14.8K 242 39
                                    

Tommy's POV

After that incident, hindi na natanggal sa utak ko ang mga pangyayari, sir JC texted me two days ago na huwag daw muna akong pumasok dahil sa nangyaring trahedya sa Ministore, yung experience... Habang iniisip ko iyon, mas lalong lumalakas yung takot ko, kaya, heto ako, nakahiga sa sofa habang nanonood ng t.v, still, pinaguusapan pa rin ang nangyari sa Ministore..

JC's POV

Hindi ko muna pinapasok si Tommy dahil sa nangyaring insidente pero... Ang pinagtataka ko... Why are they talking about Tom?

"Grabeh yung na experience ni Tommy no? dapat namatay na lang sya doon."

"Wahh Mary Rose, ang bad bad mo naman!!"

"Sorry ka Snow, pero kumukulo yung dugo ko sa kanya." I clenched my fist, bakit ganito kayo kay Tommy? Wala namang ginawang masama ang tao sa inyo tapos, gagaguhin nyo sya? Fuck this class.... Pero, napagisipan ko muna na kausapin sila one by one.

"Okay class... Makinig kayo sa akin." Sabi ko with a cold tone at nakita ko sa kanilang mga mata ang takot, nalaman ko na ang weakness nila, Fear... "Magkakaroon tayo ng interview.... Dito sa aking kaliwa will be Group A at ang kanan ko will be Group B."

"Sir, ano pong gagawin natin?"

"Find the Culprit." Nagkunot naman ang mga noo nila. "Huh? Ano pong ibig ninyong sabihin?" Tanong sa akin ni JM.

"It's simple... Sa loob ng klaseng ito, gagawa kayo ng 7 bulaklak na may kulay at dapat, pag nakuha mo ang bulaklak na iyon, dapat itong magtugma. Kapag hindi nagtugma ang dalawang bulaklak na hawak nyo, tatanungin ko kayo, nagets nyo ba?"

"Sir... Pakiexplain po ulit." Sabi ni Annabelle, dapat pala, dalawang beses kong inulit. "Okay.. Gagawa kayo ng 7 bulaklak, ang mga kulay ay yellow, blue green at violet, your goal is to find the perfect match sa hawak ninyong bulaklak, dapat lahat kayo nakatalikod, kapag tinapik ko yung balikat nyo, mamimili kayo ng tao na gusto nyong kunin ang bulaklak, gets po ba?"

"Opo." Sabay nilang pagkasabi, at dahil dyan, gumawa na sila ng bulaklak pagkatapos nun, tumalikod na sila, hawak hawak ang tag iisang bulaklak. "All right, mamimili na ako ng tao." Una kong tinapik si JM, he is holding a yellow flower, nagkunot ang noo nito at hindi nya alam kung sino pipiliin nya, nararamdaman ko na ayaw na ayaw nya ng ganitong laro, pumunta sya sa Group at tinapik nya ang balikat ni Annabelle which is yellow. At natuwa naman sya. "Okay, JM at Annabelle, labas na kayo sa room na ito." At lumabas na sila.

Sumunod naman ang group B, tinapik ko ang balikat ni David, he is holding a blue flower at tinapik nya si Daniel na kulay blue din ang hawak na bulaklak at out na sila, sinunod ko naman si Clarisse, she is holding a violet flower, nanginginig sya sa takot, seriously, abkit ayaw na ayaw nilang tinatanong sila? Dahil dyan, napili nya si Sarah na may blue flower at nanlaki ang mga mata nito, this is the end of the game.

"Okay, tapos na, Sarah at Clarisse, dito na muna kayo, yung mga natira, lumabas muna kayo." At lumabas naman sila. Kumuha sila ng upuan at nakaharap sila sa akin. "A-ano po yung i-itatanong nyo sa amin?" Tanong ni Sarah.

"Don't worry, di maa-affect yung grades nyo." They let out a sigh of relief. "May itatanong ako sa inyo, tungkol kay Tommy."

"Bakit naman po sir?"

"Napanood natin sya sa balita, I am interested to know his past, may alam ba kayo sa kanya?"

"Well, naalala ko nung first day nya dito sa ArrowSmith High, palagi syang tahimik at nakatingin palagi sa bintana, he doesn't like to talk to other peoples at gusto nya lang na magisa. Everyone at Persona thinks he is a weird guy and nobody wants to be with him, pero.... May napapansin ako, everytime he encounter something dangerous kagaya ng nangyari sa Ministore.... His face turned dark, walang expression ang makikita mo sa kanya pero, may iilang reaksyon ang nakikita mo sa mukha nya."

"May.... Kinakausap ba syang tao?"

"I think meron pero... Isa lang, mostly, pag magisa sya, may kinakausap sya pero, naririnig ko naman yung reply ng kanyang kausap. bakit nyo po natanong?" Sabi sa akin ni Clarisse.

"Wala." Napatingin ako sa oras at time na pala nila. "Clarisse, tawagin mo na yung mga kaklase mo at dismiss na kayo."

"Salamat po." At tinawag nila ang mga kaklase nya at umalis na silang lahat. Nag stay muna ako sa kinauupuan ko at napatingin sa lumulubog na araw.... Tommy, anong meron sa iyo? Nag flashback yung nangyari sa C.R at yung nangyari sa Ministore... All of them died in a brutal way, kinuha ko yung laptop case ko at binuksan ang laptop, tinype ko ang wikipedia at sinearch ang Double Personality, pansin ko kasi kay Tommy, he always like to be alone kaya naisipan kong tingnan ang double personality.

Dissociative Identity Disorder o Double Personality sa pagkakaalam ko, isang uri ng mental disorder na nagti-trigger ng second personality sa taong nabiktima ng DID.

Mostly, nag cause nito ay kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kakaibang pangyayari sa kanilang nakaraan kaya nagkakaroon sila ng DID. Baka si Tommy may DID pero, for me, I think he's fine, pero... Ang pinagtataka ko, bakit ayaw nyang kumausap sa mga tao, he always like to be alone, kahit yung mga alok ko sa kanya, tinatanggihan nya... Tommy, anong meron sa iyo?

BOOOOOGGGGSSHHH

Napatingin ako sa pintuan, it's already 7:30 PM, inayos ko na yung aking laptop at lumabas sa kwarto, the hallway is dark, siguro nakaalis na ang mga tao dito, naalala ko yung nangyari sa FrayVille, ganito rin yung sitwasyon pero, nasanay na ako kaya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Hahahaha..

May narinig akong tawa mula sa likod ko, napatingin ako pero, wala naman kaya nagpatuloy ako sa paglalakad, nararamdaman ko parang may tumitingin sa akin, bumaba ako sa hagdanan ng biglang narinig ko ang kantang Fur Elise sa speaker. Napatigil ako, he's here.... Ang leader ng clan. He is watching me, napatingin ako sa isang CCTV, he's there...

Author's POV

Sa isang kwarto, nandoon ang lalaking naka leather jackets with shades on his eyes at spiky ang buhok nito, he is eating a red lollipop at pinaglalaruan nya ito sa bunganga nya habang tinitignan si JC na nakatingin sa camera. "Well well.... You look quite handsome JC." Sinabi nya sa isang microphone.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Evan." At ngumiti lang sya. "Wow, I never knew that you would change big enough ahh, well, I guess you didn't accept my invitation however... May favor ako sana sa iyo."

"Ano iyon?"

"I want you to look Tommy's background at kapag nalaman mo iyon, baka malaman mo ang katotohanan ko."

"Tanong ko lang Evan, anong koneksyon nyo sa isa't isa ni Tommy?"

"You see JC, sa past lang yan ni Tommy ang katotohanan, that boy is very special you know that."

"Alam ko yun."

"That's why you have to see the past... The past holds the key."

"Pero Evan, saan ako magsisimula?"

"That JC.... Is the correct question, alam ko na isa kang bright student dati at alam kong na enhance mo yang 'investigative thoughts' mo, I suggest you need a friend to help you investigate this matter, wag mong hahayaang mawala si Tommy, baka magkakagulo kami nyan." Ngumiti lang si JC at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan hanggang sa makalabas na ito sa eskuwelahan.

To Be Continued...

Death Test : 2013 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon