6. Roommate

40K 520 18
                                    

"Sandali lang!!" Naglilinis si Sydney ng marinig nya na may kumakatok, pagdating nya sa pintuan, nakita nya si JC na basang basa. "Oh, anong nangyari sa iyo?"

"Nasunog yung condo namin."

"Okay ka lang ba? at bakit basang basa ka, pasok ka muna, ako na ang bahala sa gamit mo." Tinanggal ni Sydney ang backpack sa likod ni JC at nilagay sa gilid, pinaupo nya si JC at tinimplahan ng isang hot chocolate. "Ano ba ang nangyari?"

"Uh... Pagpasok ko pa lang sa condo ko ng biglang nag-alarm yung fire Alarm, buti na lang, nakaalis kaagad ako pero, ang problema, yung mga gamit ko lang sa school ang nakuha ko lang."

"You can live here if you want."

"Pero... Yung mga-"

"Don't worry, nagta-trabaho ang mga magulang ko sa Hongkong, they visit me in October up to December."

"Sino kasama mo dito?"

"Wala... Only me and my dog Lili, dahil nandito ka na, ikaw yung kasama ko!!!"

Ngumiti si JC at ininom yung hot chocolate... Iniisip nya parin kung bakit sinunog ni Jack the Reaper at ni Becky the Doll yung condo, dahil tumanggi ba sya sa invitation sa kanya o.... Sinet-up lang sya... Ayaw nya muna pagisipan yun, isipin nya na lang kung paano sya mabubuhay ng kasama nya si Sydney, mas lalo pa tuloy syang nahiya, dinala sya ni Sydney sa magiging kwarto ni JC at yun na nga...

Malaki, maganda at full set na, may higaan, may computer at may t.v pa, may reading corner din. "Ang sobrang yaman nyo."

"Di natin masisi kung hardworking talaga si mama at papa ehh, oh, ito na ang magiging kwarto mo ahh, ito dapat kasi ang kwarto ng mga guestroom pero... naging 2nd room ko ito dahil... Kapag may bisita, yung kwarto ko ang ibibigay ko sa kanila pero... I think magugustuhan mo dito... Ano, baba lang ako ahh!" At bumaba na kaagad si Sydney, chineck ni JC ang kanyang magiging kwarto at nagustuhan nya nga.... Di nya maintindihan if he likes Sydney or not, they just 3 days ago at magkakagusto na sya kaagad sa kanya??? It's very ridiculous. Bumaba na sya at kumain kasabay si Sydney.

"Ayaw mo kumain ng gulay? Masarap yan!!"

"Sorry... I don't like greens."

"Ehh?? Puro karne at meat yung kinakain mo?"

"Yeah.."

"But... Do you eat some greens?"

"Only one.... Ang pait kasi ng lasa ng bawat gulay na natitikman ko." Kumuha ng isang scoop si Sydney ng gulay at nakatingin sya kay JC ng parang may binabalak. "Bakit ganyan ka makatitig sa akin?"

"Di ka kasi natututong kumain ng gulay... Ito, subukan mo to, luto ko to ehh, wala kasing tagatikman... Pwede mo bang tikman JC?

"No."

"Sige na JC, gusto ko lang malaman kung masarap ba o hindi ehh."

"Ayoko nga sabi ehh."

Nagulat si Sydney sa sinabi ni JC kaya, binaba nya na lang yung kutsara sa bowl at nakatingin sa baba si Sydney, napatingin sa kanya si JC at nakaramdam sya ng guilt. "Uyy.. Okay ka lang?" Pero hindi sumasagot si Sydney. "Sorry kung.... May nasabi akong masakit sa iyo." Maya maya, napansin nya na may tumutulong tubig sa mukha ni Sydney kahit nakatingin ito sa baba. "U-uy, sorry na, aish, ano ba naman yan Sydney, sige, titikman ko na yung gulay mo." Maya maya, ngumiti si Sydney at dinilaan sya, biniro lang pala sya, at ngumiti din si JC, kinuha nya yung kutsara na may greens, parang, nasisira yung kanyang sikmura kapag tinitignan nya yung greens, well, it's all or nothing, tinikman nya yung gulay at, nagustuhan nya.

"Ano? Masarap ba yung luto ko?"

"Super!! Parang, ito na yung pinakamasarap na gulay na natikman ko!!" Napangiti si Sydney at patuloy sa pagkain si JC at si Sydney, first time na maramdaman ni Sydney na may kasama sya sa bahay.

--------- School ------------

Nagkaroon ng meeting ang mga teachers at yung staff sa school nina JC at Sydney.

"Okay my friends... Next week na magsisimula ang 2 Week Examination para sa ating mga estudyante.. Ms. Amy, have you informed your top 25 students about this?" Sabi ng principal.

"Yes Ma'am, I already informed my students pero.... Parang masyadong napapagod yung mga estudyante ko sa ganitong sitwasyon."

"We have to do this, Ma'am Amy para, pagdating ng kanilang college sa entrance exam, magiging madali na lang iyon sa kanila."

"I know ma'am pero... Yung mga estudyante ko ay nagsisikap na magaral, can't you give them a break?"

"Bibigyan ko lang sila ng break if they finished the 2 Week Examination."

-------- Sydney's House --------

Naglilinis si JC at si Sydney sa loob ng bahay, nakikinig si Sydney ng kanta habang naglilinis, si JC naman, pinaliliguan nya ang aso ni Sydney na si Lili, dahil makulit yung aso, it's going to be a bloodbath, after 7 Minutes ng pagliligo sa aso, at last, tapos na rin, kaso ang problema, basa sya.

"Oh, basang-basa ka? Anong nangyari?"

"Ang kulit ng aso mo."

"Hayy, it only takes practice para hindi ka mabasa ng aking aso, maligo ka muna, nandoon na yung twalya."

"Salamat." After nyan, pumasok sya sa banyo, hinubad nya na ang kanyang basang damit at naligo habang kinakanta ang titanium. Narinig ni Sydney yung boses ni JC and... It's hot, maganda yung tono at perfect yung kanyang pagkanta, paglabas ni JC sa banyo, nanlaki ang mga mata ni Sydney dahil.... Ang hot nya, he is perfect... Way too perfect. "You okay?"

"What? Yeah no I'm... Fine.... Y-you can go to your room... Pwede mo rin hiramin yung mga damit doon ni papa."

"Thanks." At saka umakyat ito papunta sa kwarto nya, JC wored a sleeveless t-shirt at simple shorts lang. Pagbaba nya, nakita nya si Sydney na nanonood ng Night Variety Show na Gandang Gabi Vice, umupo sya na katabi nya si Sydney, nakipagtawanan sila sa bawat jokes ni Vice, nang matapos na yung show, pumunta na sila sa kanilang kwarto pero, before they go to sleep, they said 'good night' to each other at natulog sa kanilang higaan.

------ School -------

"Jack.... What if he founds out our identity?"

"Hindi nya malalaman ang Identity natin Becky, and if he founds out... We have no other choice but to do that."

"Do you think... Magiging successful ito?"

"Don't worry, it will work just fine.... For Vanessa?"

"For Vanessa.."

------ JC's Room ------

Habang natutulog si JC, his cellphone rang at may isang message mula sa unknown number... at ang nakasulat doon.

Death Awaits for everyone.... Good Luck next week, magsisimula na at any moment ang aming test...

Or Should we say...

My Death Test?

To Be Continued...

Death Test : 2013 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon