Ako nga pala si Mikaella

22 0 0
                                    

"Kuya! Mag iingat ka dun ha.

Lagi kang kumain ng gulay!

Kayang kaya mo yung trabaho dun!

Mana ka sakin diba?" Si Andrea, ang nag iisa kong kapatid na sobrang yabang.

" Oo nalang bunso. Ang yabang yabang mo talaga.

Wag ka munang mag boyfriend!  Lagot ka sakin pag sinuway mo ko. Mag iingat ka lagi at magpakabait ka kay tita. Wag kang maging pasaway. Alam ko ugali mo." Nilakihan ko siya ng mata. Wag lang siya maging pasaway kay tita kundi lagot talaga siya sakin.

"Hihihi, kuya naman. I swear, magpapakabait ako" Lumungkot bigla ang itsura niya at yumakap sakin.

"Mami-miss kita kuya *sniff*. Wag mong papabayaan ang sarili mo dun ha. Uuwi ka samin pagtapos niyo dun. Makikita mo pa akong ikasal diba? Ikaw ang kasama kong maglalakad papunta sa magiging asawa ko." Kahit pasaway tong kapatid ko na to, iyakin padin naman.

"Kasal agad?! Bawal ka pa nga mag boyfriend.

At mamamatay ba ako sa pagta trabaho dun? Ang Oa mag-isip ah." pagbibiro ko sa kanya.

"Kuya naman eh." hampasin ba naman ako.

"Hehe. Oo na. Babalik ako. Ako ang superman mo diba?

Hindi kita iiwan. Basta ang promise mo ha. Be a goodgirl.

Ge na Andrea. Wag ka na umiyak! Tutulo na sipon mo oh.

Pasok na ko sa loob. Baka mahuli ako sa flight ko."

Napangiti ko siya sa sinabi ko at hinarap ko na si tita at nagpaalam na din.

"Mag ingat ka dun Adrian.

Ako nang bahala dito kay Andrea." Si Tita Thelma. Siya na ang nag alaga samin simula ng mamatay ang magulang namin.

"Salamat tita. Mag iingat po kayo. Bye po." Niyakap at hinalikan ko siya sa pisngi.

Nung narating ko na ang pintuan ng airport, humarap ulit ako sa kanila at kumaway tapos ay umalis na.


----------------------------------------------------------------

One Year Later

'Hello andrea?'

'Kuya! Kamusta ka na? Thank you pala sa padala mo! Ang gaganda lalo na tong watch ko. Hahaha. Lagi ngang tinatanong ng mga classmate ko kung san ko daw nabilli. Sabi ko, padala ng napaka gwapo kong kuya!

'Nambola pa ha?'

'Hahaha. Maganda kasi ako! Birthday mo bukas diba? Ilang taon ka na nga ba? Hmmmmmm, 22 diba?!

'Oo. Bakit?'

'Nyay! Gurang ka na kuya! Maghanap ka na ng girlfriend mo!'

'Gurang ka dyan? Wala ka ng padala sa susunod.'

'Kuya naman, di na mabiro! Hehe.
Pero kuya, seryoso ako. Maghanap ka na ng girlfriend.
Para naman may ate na ako.'

'Ako na bahala dun. Isipin mo na lang yang pag aaral mo. At andrea, wag ka munang mag boyfriend.'

'Oo naman kuya! Takot ko lang sayo.'

'O sige deng, may work pa ko.

Sabihin mo na lang kay tita na, next week ulit ako magpapadala.'

'Okay kuya. Bye! Ingat. Mwah mwah mwah. Hahaha'

Napahiga ako sa kama.

22 na ako bukas at wala pa nga akong nagiging girlfriend.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ako nga pala si MikaellaWhere stories live. Discover now