Ako Na Lang Kasi

285 5 2
                                    

Prologue

I hate how he smile. I hate his guts to say sweet things to me tapos makikita ko siyang may kasamang iba. I hate his eyes, naliligaw ako sa mga titig niya. I hate his smell, namimiss ko siya tuwing naaamoy ko yung pamilyar na amoy sa iba. I hate how he looks so good just wearing a white tee and jeans. I hate how he's so smart. I hate how he thinks I like him... because I don't. I don't like him. I don't plainly like him.

I hate his serious gazes, masyado din akong napapatitig sakaniya. I hate his body, parang napaka effortless kahit hindi siya magwork out. I hate him. I hate how he push himself to me.

Nakakainis. 

Pero hindi ko maintindihan yung sarili ko.

Ayoko ba talaga siya?

O ayoko lang aminin sa sarili ko na gusto ko siya?

Nakakabaliw.

Bwisit kasi eh.

Ang yabang.

Paulit ulit na kala mo ba ang dali ng gusto niya.

Hay nako.

Tinamaan ng lintek.

Eto na naman ako.

Naaalala ko nanaman yung kagaguhang sinabi niya sakin.

Ang hirap naman kasi eh. Bakit nga ba ang ironic ng buhay?May taong may gusto sayo, pero di mo gusto. Tapos yung tao na gusto mo, ayaw din sayo kasi may iba din gusto? Good girls always fall for bad boys. Kung sino pa yung seryoso siya pa ‘tong naloloko. Lintek naman!

 Kung may UNLOVE button lang edi sige, magmahal ka lang ng magmahal.

Ayan na naman. Sinisira niya ang pagiisip ko eh. NAKU BATA KA. Ano bang pinag gagagawa mo sakin? 

Paulit ulit na nag eecho sa isip ko yung mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ako... Natatakot... Masaya... Ewan!

Pinikit ko yung mata ko habang nakalapat sa may puso ko yung kamay ko. Ang bilis ng tibok.

Pinikit niya maigi yung mga mata niya. Kinuha ang kamay ko at iniligay sa kanang dibdib niya. Pinunasan ang luha sa mga mata ko. "Hindi bagay sayo umiyak." Niyakap niya ko na siyang kinagulat ko. "Pakinggan mo yung puso ko. May hinihiyaw kasi." Huminga siya ng malalim at naramdaman kong hinalikan ang noo ko. "Ang sabi..." Huminto siya ng bahagya. Humiwalay siya sakin tapos tiningala nga yung mukha ko. Nagtama yung mga mata namin at sa napakaraming beses, ayan. Naligaw na naman ako sa mga mata niya. Yung tingin niya parang nangungusap maigi at punong puno ng random thoughts at saka tinuloy ang sasabihin niya...

"Ako na lang kasi, Jayce. Ako na lang ang mahalin mo."

Ako Na Lang KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon