CHAPTER 9: Their own POV's

19 0 0
                                    

Alison's POV

Journal..

May selective amnesia ako, may mga bagay o pangyayari sa buhay ko na nakalimutan ko. Tulad nang childhood days ko. Wala akong maalala kahit ano. Pwera dun sa lima na bata, isang lalaki at apat na babae. Lagi silang nasa panaginip ko. Yung tatlong babae tinatawag akong Ate Rierie tapos yung lalaki tawag niya sakin Abhie. Pero hindi ko sila mamukahaan. Blurd kasi eh. Pero umaasa pa rin ako na maalala ko yun. Isa yun sa mga pinakamahalagang memories ba buhay ko. Sabi ng doctor ko kung mangyayari o magagawa ko ulit yung mga bagay na ginagawa ko madalas nung bata pa ako may possibility na makaalala ako pero maliit lang yung chance. Kaya naisipan ni mommy na umuwi kami ulit dito sa Pinas. Gusto niya rin kasing maalala ko yung past ko.

Alyssa's POV

Journal..

Lagi kong naaalala si Ate Rierie. Namimiss ko na siya, kababata namin nina Jeanne, Angellie at ng kakambal ko. Ang sabi samin dati ni mommy naaksidente raw sila kaya kinailangan nilang umalis. Maraming nagbago sa buhay namin simula nung umalis si Ate Rierie. Hindi na masyadong nakikipaglaro yung kakambal ko samin. Lagi siyang nakakulong sa kwarto niya. Naaalala pa kaya kami ni Ate Rierie? Gusto ko na siyang makita ulit. Nung nakita ko si Alison sa school parang may iba eh. Yung feeling na naramdaman ko nung una kong nakita si Ate Rierie, ganun di nyung naramdaman ko sa kanya. Pero kung si Ate Rierie at si Alison ay iisa edi sana nakilala niya ako diba? Kaya imposible yun.

Angellie's POV

Journal..

Kababata ko si Alyssa at si Patrick pati na rin si Ate Rierie or should I say si Alison. Yeah, alam ko na si Alison at Ate Rierie ay iisa. Sinabi sakin ni mommy na umuwi na raw dito sila, ang problema eh may selective amnesia raw siya. Hindi ko naman masabi kina Alyssa at Patrick kase kapag sinabi ko siguradong mabubulabog ang buong campus. I mean sigurado akong gagawa sila ng paraan para makaalala si Ate Rierie which is masama para sa kanya. Hindi daw pwedeng biglahin si Ate Rierie baka lalo lang lumala. Pero siyempre gagawa ako ng paraan para makaalala siya.

Sam's POV

Journal..

Hindi naman talaga popularity ang dahilan kung bakit ako nakikipag-kaibigan kay Alyssa. Galit ako kay Alyssa kase inagaw niya ang kaisa-isa kong kababata, Si Ate Rierie. Kahit magka-edad lang kami ni Ate Rierie mas gusto ko pa rin siyang tawaging ate. Close na close kami noon, pero nagbago yun nung makilala niya si Alyssa. Mas naging close siya sakanila. Naiinis ako sa tuwing naaalala ko yun. Kaya ginagawa ko ang lahat para masira ang image niya sa iba or masira ang iamge ng iba kay Alyssa para hindi na siya magkaroon pa ng kaibigan. Naaksidente si Ate Rierie noon, ako lang ang dumalaw sa kanya noon ang kaso hindi niya ako natatandaan, may selective amnesia daw siya kaya minabuti ng pamilya niya na lumayo muna. Yun na ang huli kong balita sa kanya.

Mar Jean's POV

Journal..

Cousin ko si Clarissa, pero wala masyadong nakakaalam. Yun ang gusto naming mangyari kase kapag nalaman nilang magpinsan kami sigurado akong pagaawayin lang kami. Isa rin ako sa mga kababata nina Alyssa at Patrick. Kilala ko si Ate Rierie, masasabi kong mabait siya kase lagi niya kaming pinagtatanggol sa mga nang-aaway samin. Pero lahat ng yun nagbago dahil sa pag-alis niya. Naging malungkot yung buhay namin. Pero nung nabalitaan namin ng pinsan ko na uuwi siya dito naging masaya kami pwera dun sa balitang may selective amnesia siya. Siyempre, sino ba ang sasaya sa balitang hindi ka natatandaan ng taong hinintay niyo ng sampung taon? Wala diba?

Jeanne's POV

Journal..

Bestfriend ko si Alyssa, ewan ko lang kung ganun din yung turing niya sakin. Haha! Dejoke. Mahal ko yung babaeng yun! Kahit pa lagi niyang kasama yung mga so-called bff niya. Andito lang naman ako para suportahan siya eh. Nakakainis kasi yung mga so-called bff niya! Laging agaw eksena. Hmp. Hayaan ko na nga.

Pebbles' POV

Journal..

Hi there! Haha! Bestfriend ko rin si Alyssa! ^o^ Hindi lang halata kasi lagi niyang kasama yung mga so-called bff nyia. XD Hinahayaan ko na lang, bestfriend ko nga diba? Susuportahan ko siya kung saan siya masaya. *u* Pero, miss ko na rin yung mga bonding namin eh. =______= Agaw eksena kasi sina Sam eh.

Patrick's POV

Journal..

Kabaklaan naman 'to eh! Nyemas. Hindi ko alam kung paano uumpisahan. Wag kayong atat. Eto, may kababata kami ng kambal ko, si Abhie. Siya ang first and last love ko. Hindi ko magawang magmahal ng iba kase umaasa pa rin ako na babalik siya. Dafuqq. Haha. Kahit pa na kilala nila ako bilang PLAYBOY ng campus namin lahat ng yun flings lang. Wala akong minahal ni isa sa kanila. Pampalipas oras lang, dahil nga namimiss ko si Abhie. May nabuo akong gang, pero hindi alam ng kakambal ko ang tungkol dito. “Sons of Guns” ang name ng gang namen. Pinagbawal sa gang namin ang ma-fall in love sa isang babae. Dahil pwedeng gamitin yun laban samin. Pwedeng mapahamak ang babaeng mamahalin mo ng dahil sa'yo. Pero kung mahal mo talaga ipaglaban mo. Tama na nga. Potek.

Kurt's POV

Journal..

Ampotek! Kabaklaan naman to e author! Pero sige, pagbibigyan kita. Wag kasing atat. Cousin ko si Alison, pero hindi namin pwedeng sabihin sa iba. Nagtataka kayo kung bakit ganon ko siya tratuhin sa school? Yun kase ang gustong manyari ng kuya niya. Alam naman ni Ali ang tungkol dito. At ganito naman talaga kami kahit nasa bahay pa kami. Lagi ko siyang inaasar wala lang trip lang. Alam kong may selective amnesia siya, at alam ko rin na kababata niya yung kambal. Hindi ko pweding sabihin kase ayokong pangunahan ang pinsan ko at lalong ayokong biglahin ang pinsan ko dahil pwedeng makasama sa kalagayan niya yun. Kasali rin ako sa gang ni Patrick. Mahal ko yung kakambal ni Patrick, pero hindi pwede. Baka mapahamak si Vina eh. Bata pa lang kami may gusto na ako sa kanya. Tama nga. Nababakla na ko eh. Haha.

Kenric's POV

Journal..

Amfufu! Kasali ba talaga kami sa kabaklaan 'to? No choice naman ako eh. Kabarkada ko sina Patrick at Kurt. Kasali rin ako sa gang nila. Girlfriend ko si Angellie, kaya lagi akong nasa tabi niya kase binabantayan ko siya. Mahirap na baka magamit pa siya ng mga kalaban namin na gang eh. Mahal ko yan kahit lagi kaming nag-aaway. Tama na nga. Ayoko na. Kabaklaan na 'to eh. Powtek!

Ellory's POV

Journal..

Kahit GEEK ako ayoko pa rin sa mga kabaklaan na ganito! Ampotek! Pero no choice eh.. naging close ko si Alison nung grade 3 kami. Transferee siya at alam ko rin na may selective amnesia siya, pero hindi ko alam kung paano nangyari. Siya lagi ang kasama ko noon hanggang grade 6. nung naghigh school kami nabalitaan ko na lang na pumunta sila ng New York para magpagaling. Hindi ko alam kung ano eh. Kasali rin ako sa gang ni Patrick. Kabarkada ko sila. Yan lang. Tama na nyemas.

Syed's POV

Journal..

Authorrr! Kelan pa ako naging bakla?! Ano ba yan! Kailangan ba 'to? No choice na ako. Bestfriend ko si Alyssa. Kabarkada ko naman yung kakambal niya. Kasali rin ako sa gang nila. Laging kinukwento ni Vina si Rierie sakin kaya parang feeling ko matagal ko na rin siyang kilala. Ay potek! Tama na nga. Yan lang.

Gabriel's POV

Journal..

Nyeta! Kabaklaan nanaman oh! Psh. Kasali rin ako sa gang ni Patrick, napapansin ko lang na laging tinitingnan ni Patrick yung picture nung isang babae, Abhie yata ang pangalan. Basta yun! Hindi ako chismoso no! Hmp. Hinihintay ko pa si Ms. The one! :D Kelan kaya siya dadating? Ayt! Tama na nga. Potek.

When Their World's CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon