Unwanted: Part Two (Last Part)

4.5K 94 16
                                    

"JOANA tulungan mo ako..." narinig niyang sabi ni Aree.

 

Patawad, Aree. Anang isip niya. Hindi ko gustong iwan ka pero kailangan makahingi ako ng tulong.

 

Inihit siya ng ubo. Kinakapos na siya ng hininga. Bakit ngayon pa umatake ang hika niya? Napatid siya sa humps dahilan para madapa siya. Hinawakan siya ng isang lalaki sa buhok niya at ubod lakas na hinila.

 

"Bi..ti..w-wan ninyo ako." sabi niya sa pagitan ng pag-ubo.

 

"Tumahimik ka! Pwe!" at binigyan siya ng isang suntok sa sikmura. Napaigik siya sa sakit at nawalan ng malay.

 

 

 

NAGISING si Joana nang makarinig siya ng sigaw. Boses iyon ng kaibigan. Hinanap niya iyon. Sa may di kalayuan ay hawak ng dalawang lalaki si Aree. Ginagawan ito ng kahalayan dahil bahagyang nakalilis ang palda nito. Tumayo siya para saklolohan ito pero may humampas ng kung anong matigas na bagay sa likuran niya. Bumagsak siya. Nilingon niya ang humampas sa kanya. Isa sa mga lalaki.

 

"At saan ka naman pupunta? Kahit tulungan mo pa ang kaibigan mo ay wala ka nang magagawa. Hinalay na siya at ikaw naman ang susunod. Hahahaha"  nagmistula itong demonyo sa paningin niya.

 

"Mga hayop kayo! Masunog sana sa impiyerno ang mga kaluluwa ninyo!" sigaw niya. Tumawa lang ang lalaking lulong sa droga.

 

Narinig niyang nagsisigaw ang kaibigan kaya nilingon niya ito. Kitang kita ng dumampot ng malaking bato ang isang lalaki. Ubod lakas na hinataw nito si Aree  sa mukha. Isa.. dalawa.. tatlong hampas sa mukha. Duguang bumagsak ito. Sa wari ay hindi na ito humihinga.

 

"Aree...!!! Hindi! Mga hayop kayo!Wala kayong awa!" umiiyak na sigaw niya. Hindi pa nakuntento ang isa at nilaslas ang leeg ng kaibigan. Kitang kita niya na umagos ang dugo nito. "No!!!"

 

Lumapit ang dalawang lalaki sa kinaroroonan nila. "Pagsawaan mo na iyan at nang makaalis na tayo."

 

 

"Areglado!"

 

Nanlaban siya. Kalmot, sipa ang ginawa niya subalit di hamak na mas malakas ang lalaki kaysa sa kanya. At binigyan siya ng malakas na suntok. Nanghina siya. Wala na siyang nagawa. Wala na rin ang kaibigan niya. Wala nang tutulong pa sa kanya. Unti unti na rin siyang inaatake ng asthma niya. Hindi siya makahinga. Hanggang sa nilamon ng kadiliman ang lahat. Isang napakasakit at nakakatakot na katapusan.

Tigmak ng luha ang kanyang mga mata matapos maalala ang nangyari ng gabing iyon. Hindi siya makapaniwala na patay na siya. Parang isang panaginip pero iyon ang katotohanan.

"Oras na..." napatingin siya sa nagsalita. Ang kaibigan niya iyon.

My Horror Stories : One Shot (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon