Chapter 3

78 1 0
                                    

Chapter 3

Mirandel POV

Maaga ako nagising dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko. Humarap ako sa kaliwa at pinag masdan ang mga mala-anghel kong mga kapatid. Oo kapatid na nila ako at kapatid ko na sila. Ganito pala ang feeling ng may kapatid ka ang saya sobra. Atlis hindi na ako nag-iisa.

Tumayo na ako upang maghanda ng agahan. Dahil sabado ngayon at walang pasok, naisipan kong y enrol sila sa malapit na eskwelahan dyan. Kasi mahirap na ang buhay ngayon, pangarap kong makatapos sila. Siguro nagtataka kayo kung bakit naging ganito ako diba? Iba kase kapag may inspiration ka. Nag hilamos ako at nag mumog.

Nagsaing na ako ng bigas. Sunod naman nyan ay magluluto ako ng scrambled egg at tuyo. Habang nagluluto ako ay napansin kong nagising na sila.

"Ang bango! " sabi ni Laley.

"Oo nga! " dugtong ni Randy.

"Wait lang matatapos na to, maghilamos muna kayo dahil may natuyong laway dyan sa mukha nyo, mag-mumog din kayo ang baho eh... "natatawa kong sabi. Natawa naman sila.

"Opo" saka sila nag tungo sa poso sa likod ng bahay.

Inihanda ko na ang pagkain at hinintay silang matapos. Kagabi pinaligo ko sila dahil ang dudungis nila, pinahiram ko sila ng damit kahit ang lalaki ng mga ito, di bale mamaya bibili ako ng mga damit nila.

"Tapos na po"

" Sige maupo na kayo at kumain". Saka kami nagsimulang kumain. "Oo nga pala y eenrol ko na kayo sa paaralan dyan, mamaya bibili ako ng mga school supplies tutal pasukan palang noong nakaraang linggo, kaya di pa kayo mahuhuli sa mga lessons", sabi ko habang naglalagay ako ng pagkain sa aking plato. Napasin kong natuwa sila. "Salamat po ate, the best po talaga kayo! " masiglang sabi ni Randy. "Oo nga po, salamat po ate may makakalaro narin ako!", nagagalak na sabi ni Laley. "O sya na kain lang ng kain", saka namin pinagpatuloy ang aming pagkain.

                                 
                                <•>

"Ito kaya, bagay sayo? Teka kasya ba yan? Naku! Bakit ang luwag? Ahhh eto, yan kasya to, pati na rin to, ahhh bagay sayo to Laley, bagay din sayo to Randy, eto..., eto..., yan! ", sabi ko habang namimili ng mga damit sa ukay ukay.

"Ate bibilhin ko lahat yan. " sabay abot ko sa kanya ng mga damit, agad itong kinwenta ng nagtitinda. "Magkano? " tanong ko.

"350 pesos po"

"Oh eto" sabay abot ng bayad. "Salamat^_^"

"Ate, ano pa po ang bibilhin natin? " tanong ni Randy. Nasa bayan kami ngayon para mamili ng mga gamit, at school supplies para sa mga bata.

"Ahhh, Ehhhh" sabay check sa mga nabili namin. Meron ng bag, meron narin lapis, papel at mga ballpen etc. , meron ng sapatos, damit sa pang araw-araw, pati narin medyas at uniform. "Ano pa nga ba? Wala na siguro, tara uwi na tayo." saka ko sila hinawakan ng magkabilang kamay. "Ayyy wait!" bigla ko ng sabi.

"Ano po yon?"

"Teka bilangin ko muna yung mga pera, baka di makulangan tayo." Saka ko kinuha ang mga pera mula sa bag ko. 100+500+50+20+30= 700, aba yun naman pala ehhh, may sobra pa akong pera.

Ibabalik ko na sana ng may dumukot sa pera ko. Nabigla ako sa pangyayari, "Ate!!! " nagising ako sa katotohanan ng biglang sumigaw si Laley. "Dyan lang kayo hahabulin ko yon, wag kayong aalis dyan ha?" sabay takbo sa kinaroroonan nung magnanakaw, ayaw kong sayangin ang mga perang yon! Mahalaga yun sa akin ehhhh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till the EndWhere stories live. Discover now