Chapter 1

85 0 0
                                    


Chapter 1

Mirandel PoV

"MIRA!!! Asan na yung 3 libong utang ng ama mo?!"

Napabalikwas ako sa kama sa sigaw na nanggagaling sa labas. Naman oh, sarap kaya ng tulog ko.
Tinakpan ko ang aking mga tenga gamit ang unan ko. Saka humiga ulit.

"Mira! Asan na! Akala ku ba magbabayad ka ngayon! Kailangan ko nang pera para sa pamilya ko!"

Hindi ko na matiis ang ingay, napatingin ako sa orasan. 5:02 palang. Kay aga-aga naniningil ng mga to!. Kinusot ko ang aking mga mata at dumungaw sa bintana.

"WALA PO AKONG PERA!!! mahiya naman po kayo sa mga kapit-bahay, kay aga-aga nambubulabog kayo?!",sigaw ko, Oo na makapal na kung makapal pero, sinuba namang hindi maiinis kay aga-aga may sigawan mode. At ang tagal na ng utang na yon, hindi nila makalimutan! Nyemas naman!.

"Ikaw ang mahiya!, sabi mo babayaran mo kami, ngayon hindi naman pala"

Napahilamos ako sa mukha. Ilang beses ko bang isisigaw na WALA AKONG PERA. Lagi nalang ganito, ginagawa ko naman lahat ah?... Joke lang nasasanay na akong ganito lagi.

"Sige pagbibigyan kita sangayon? Pag hindi ka makakabayad next month, ipapa barangay kita! ", bigla naman nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya.

"Talaga po? ", sabi ko.

"Oo, kawawa ka naman kase, mangungutang ang tatay mo, tapos hindi naman pala babayaran."

"Salamat po, sisiguraduhin kong makakabayad ako sa darating na buwan"sabi ko.

"Dapat lang, sige aalis na ako kailangan ko pang asikasuhin ang mga anak ko." saka sya naglakad pauwi.

"Mag-ingat po kayo! Kung pwede pasagasa kayo sa Truck para mabawasan ang mga pinagkakautangan ko."pahabol kong sabi. Humarap naman sya sa akin. Oops!

"May sinabi ka ba?" tanong nya.

"Wala po, Maingat po kayo!", pagkatapos kong sinabi yon ay tumango tango naman sya at naglakad paalis. Argh muntik na ako don.

Pumunta na ako sa banyo at naligo. Sige habang naliligo ako magpapakilala na ako. Im Mirandel Maxine Harrison. 16 years old, kasalukuyang nag-aaral sa Roosevelt University. Eto ako di kagandahan, Pango, makapal ang kilay, hanggang leeg ang buhok, maputi, pandak, pero isa lang ang pinagmamalaki ko ang maganda kong ugali.

Nang matapos akong maligo, sinuot ko na ang luma kong uniform na naninilaw na sa kalumaan. Napatingin ako sa sapatos ko, lagot!malapit nang masira, mula sa nababakbak na ang mga ito ay malapit narin itong bumukaka. Nako naman, sana hindi pa ito masira mamaya, siguradong pagtatawanan ako ng mga classmates ko doon. Wala na akong nagawa, sinuot ko nalang ito. Sinabit ko na ang bulok kong bag at naglakad patungong kusina.

Siguro nagtataka kayo kung bakit wala akong magulang. Ganito yan, dati akong RK, Papa ko ay businessman at ang mama ko ay teacher. Maunlad noon ang business ng papa ko, kaso nagkaproblema, nabaon kami sa utang, kaya napag desisyon ng papa ko na ibenta yung kumpanya. Di kalaunan naging problemado ang papa ko, sinsaktan nya si mama at pinagiinita nya ito.

Isang araw nakita ko si papa na may bitbit na maleta, habang ang mama ko naman ay nakayakap sa tuhod nya at nagmamakaawang wag kaming iwan. Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko, nagmaka-awa din ako non, pero umalis parin ang tatay ko na naiwan sa amin ni mama ang mga utang nya. Dahil sa naging malungkot ang buhay namin ni mama, ay nagpursige akong mag-aral. Noong sumapit ang graduation ko sa Elementary ay naganap ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Nagsuka ng dugo si mama noon, nabahiran ng dugo ang aking toga. Agad namin syang dinala sa hospital, sabi ng doktor may brain cancer si mama. Napilitan akong ibenta ang mansyon para sa pagpapagamot nya pero kinalaunan namatay si mama. Eto ako iniwan nilang nakatunganga, lahat ng utang sa akin napasa. Hayop kasi yan si papa, iiwan nalang kami ng ganoon, simula nung umalis sya hindi na sya nagparamdam. Doon ko na realize na may hangganan ang kasiyahan. Ayun noong nagraduate ako ng highschool walang naghatid sa akin, mag isa akong umakyat sa stage, wala kase akong malapit na mga kamag-anak dito eh. Lahat sila nasa Cebu at Palawan, oh diba ang layo, kaya kahit malungkot ako non, hindi ko nalang pinakita para hindi sila maawa. Ayokong kinaaawan ako.

Binuksan ko ang maliit at bulok na ref at naghanap ng pagkain,*take note hindi po gumagana ang ref* ehhh wala na?. Nahagip ng mata ko ang isang bagay. Lumiwanag bigla ang mukha ko.

"Whooo, Yesss! " saka ko kinuha ito at winagayway. Isang pirasong tuyo ang sagot sa gutom ko! Whooo yess! Maswerte na nga ako may pagkain ako ngayon. Dali-dali akong nagsaing ng bigas. Pagkatapos noon ay pinirito ko ang tuyo. Nga pala nakatira ako ngayon sa pinagtagpi tagping bahay, skwater kung sabihin ng mga tao. So what? Buti nga may tinitulugan pa ako.

Nang naihanda ko na ay saka ako kumain. Namimis ko tuloy ang luto ni mama. Paano kung dumating si papa sa buhay ko? Mapapatawad ko kaya sya? Hmmm bahala na.

Nang matapos na akong kumain. Ay niligpit ko na ang pinagkainan at saka umalis ng bahay. Ang unibersidad na pinapasukan ko ay private, kaya lang ako nandito dahil sa scholar ako. Syempre diko sasayangin ang pagkakataon no, kaya dapat kong galingan sa pag-aaral dito.

Habang naglalakad ako, napansin kong titig na titig sa akin ang mga estudyante.

"Look at her, she look so very poor" S1

"Yeah you're right, look at her shoes, grabe malapit nang bumuka oh" S2

"Idagdag mo pa yung bulok nyang bag at uniform. Ewww" S3

Hindi ko nalang sila pinansin dahil wala din naman akong magagawa kung papatulan ko pa sila diba? Mayayaman sila at isa lamang akong hamak na dukha. Pwede nila akong ipasalvage kung gusto nila.

Naglakad ako patungong classroom. Habang naglalakad ako sa hallway may nakabungo sa akin.

"What the Hell?!",sigaw nito sa akin.

"Sorry." yun lang ang sabi ko at naglakad paalis, ngunit hinila nya ang bag ko. Dahil don, nasira ang strap nito.

"Hey you, how there you to turn away on me--oh..."sabi nung lalaki.

Wala na, nasira na ang pinakaiingat-ingatan kong bag. Nakahiya grabe sira na ang bag ko. Tumakbo ako paalis.

"Look at her, she look so stupid "G1

"I pity her"G2

Eto na eto na nagbabadya nanaman ang mga luha sa mata . Tumakbo ako ng tumakbo hangang sa makarating ako sa garden. Porket mayaman Sila aapihin ako dito?. Umupo ako sa bench at pinagmasdan ang nasira kong bag. Sigurado may paraan pa, matatahi ko pa kaya to? Mukhang wala nang pag-asa. Dito na muna ako, ayaw ko nang umatend ng class, sigurado pagtatawanan nila ako.

Tumayo ako sa bench at dinala ang bag ko. Umupo ako sa tabi ng puno at natulog.



*kringggggggggg*



Napamulat ang mga mata ko dahil sa tumunog ang bell. Ilang oras kaya akong natulog siguro mahaba haba din. Kukunin ko sana ang bag ko ng wala na ito. Huh? Saan napunta yon. Nahagip ng mata ko ang kulay Pink at violet na bag sa tabi ko. Kanino naman to? May nakaipit na sulat ito sa may bandang zipper.

I'm very sorry about what happened lately. I hope you like the bag I bought to you.

-Maru

Kinalkal ko ang bag. Luh? Nandito ang mga gamit ko? Ang tanga ko naman di man lang ako nakapag-thank you, pero salamat sa kanya kung sino man sya.


"thank you... " bulong ko saka ko niyakap ang bag.

'Till the end, there is a hope...'


Till the EndWhere stories live. Discover now