Chapter Five: Bloody Miggy

20.1K 306 70
                                    

Chapter 5: Bloody Miggy

*Nicko's POV*

Let's sort out things. Timbangin natin si Joshua at si Miguel. Inner and outer beauty.

Si Joshua ay isang bad boy. He loves guitar and he is good at music. May talent siya sa drawing. Maganda ang shape ng panga niya, matangos ang ilong, endearing na mga mata, curled eyelashes, matangkad, maputi at medyo slim.

Si Miguel naman ay isang mabait na tao. He was born a gentleman. May smile siyang unique. Nakakahawa. Kasi pati ang mga bilog niyang mata, ngumingiti. Kasama siya sa banda nila Joshua. Siya ang pinakamagaling na drummer sa school. Matangkad, moreno, may magandang tikas ng katawan at athletic.

One thing, pareho silang God-fearing.

Actually, mas close ako kay Miguel kasi nga hindi naman siya bad boy and we are both trying to stay away from trouble.

Siguro nabagok sila at biglang nagkagusto sa akin. Buti na lang at pareho silang single kasi baka pag may GF tong mga to, nasa impyerno na ako.

"NICKO! NAG-AAWAY SI JOSHUA AT MIGUEL! NASA MAY CORRIDOR SILA!"

Tama ba yung narinig ko? O pinagtritripan lang nila ako? Kasi hindi talaga ako lumalabas ng classroom.

"NICKO DALIAN MO. DUMUDUGO NA YUNG ULO NI MIGUEL!"

Sh*t. Napabalikwas na ako sa upuan ko. At dali-dali akong lumabas ng classroom.

*Miguel's POV*

Hinablot ni Joshua ang kwelyo ko. At sinigawan ako sa mukha.

"Pag ikaw lumapit pa ulit kay Nicko, babasagin ko yang mukha mo!"

Ayoko na sanang mag-salita pero hinding-hindi ko kayang layuan si Nicko.

"Ano bang masama kung lalapit ako sa kanya?" pagkatapos kong sabihin yun, yumuko na lang ako. Ayokong makipag-away. Hindi ako nananakit ng tao.

Sa aktong iaangat ko na ang mukha ko, naramdaman kong tumama ang kamao niya sa pisngi ko.

Hindi ako lalaban. Hindi na ako babalik sa pagiging bully ko. Kahit nahilo ako sa suntok niya, umupo na lang ako.

"Joshua ano ba?!" sigaw ni Jasmine.

"Bakit ka ba nangingialam?! Binibigyan ko lang ng pangaral tong gagong to." sigaw niya.

Bago pa man ako makatayo at umalis, sinipa niya ako sa ulo at naitama sa ako sa dingding.

Dun ko naramdaman ang mainit na likidong umagos sa likuran ko. At kahit nagdidilim na ang paningin ko, pinilit kong tumingin sa paligid.

Nicko.. Nicko..

"JOSHUA!!" Sigaw ni Nicko.

Sinipa ni Nicko si Joshua sa tagiliran at napa-upo siya sa paanan ko. Brown belter nga pala si Nicko sa Karate.

"Miguel, Miguel wag kang matutulog. Stay awake!" Sigaw ni Nicko sa akin habang pilit niya akong binubuhat.

"Jasmine! Pakitawagan nga si Daddy, kailangan ko ng sasakyan!" Sigaw ulit ni Nicko.

Gising pa ang utak ko pero pumikit ako. Sinandal ko lang ang ulo ko sa dibdib ni Nicko. Lumuluha na siya. Anong ibig sabihin ng mga luhang iyon? Mahal ba niya ako?

*Nicko's POV*

Hindi ko mapapatawad si Joshua sa ginawa niya. Humanda siya, I will torture him. Emotionally.

I'm currently seated here outside the operating room. I have total faith with the skills of my father. Surgeon siya. At kung ano mang meron kay Miguel, sa kanya ko na pinapaubaya.

I'm praying hard, with the appearance of his damaged head, it's like he's not gonna make it.

As for Joshua, balita ko muntik na siyang ma-kick out. Pero binabaan lang ng 1 week suspension at 100 hours na Community Service ang sanction niya. Now he has no time for his evil schemes.

"Anak, okay na si Miguel. Halika na." Nginitian ako ni Papa at nilapitan ko siya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Pa, salamat ha? Ibawas niyo na lang po sa ipon ko yung hospital fee." He looked at me.

"No. Ako na ang bahala sa expenses, Anak. I'm going home okay?" He replied.

"Pa, I'll stay for the night. Please?" Then I flashed my puppy eyes.

Tumawa lang siya ng tumawa. At tumatango lang din. Okay, that means yes. Sabado naman bukas so, okay lang.

"I'm so blessed to have a son like you. By the way, I KNOW EVERYTHING!" He winked at me then he started to walk away.

Alam niya? O---kay? -.-

Sinundan ko yung mga nurses na nagdala kay Miguel sa private room ng hospital. Binilin lang ako ng mga nurse dun sa mga bibilhin kong gamot at gamitin ko daw yung pangalan ni Daddy. Tapos umalis na sila.

Nilapitan ko si Miguel pero natutulog na siya. Ang peaceful ng mukha niya, despite the bruise on his cheekbone.

I ran my hands through his face at huminga ako ng malalim.

"MIGUEL, I THINK I LIKE YOU."

-----

Lulululululu! :D

Ano masasabi niyo?

Comment na yan!

Sana nagustuhan niyo yung first five chapters. Hehehe!

~Walter

Haba Ng Hair! (boyxboy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang