Chapter 4: Possessive much?

22.7K 309 73
                                    

Chapter 4: Possessive much?

*Nicko's UHHH-mazing POV*

103 Friend Requests

7 Private Messages

223 Notifications

I mean, WHAT THE HELL? Ganun na ba ako katagal hindi nag-OL at binaha na ako ng Notifications? Parang kagabi lang ako huling nag-FB ah!

Pag-click ko nung nga notifications, halos 50 photos na ang naka-tag sa akin. At galing pa sa iba't ibang tao. Pero ang weird. Lahat galing sa mga schoolmates ko. Inisa isa ko.

"WHAAAT THEEE HEEEL!"

"Nicko?! Okay ka lang ba?!" Sigaw ng Mommy ko. Ako? Okay? Oo. Okay lang ako.

"OPO MA! NALAGLAGAN LANG AKO NG BUTIKI!" palusot ko naman.

For the third time, WHAT THE HELL?! Yung kiss namin ni Miguel nasa FB na! Ni hindi ko man lang alam na may kumuha pala ng litrato!

Okay. I'll try to calm down. I will do my be-- "WHAT IN THE WORLD!" sigaw ko nanaman.

"Nicko!! Ano nanamang nangyari?! Natabunan ka na ng butiki?!" sigaw nanaman ng Mommy ko.

"No Mom. I'm okay. I'm watching a horror movie. Don't bother me." Sabay lakad sa may pinto at sinara.

May page na kami ni Miguel! At MICKO pa ang pangalan.

Lord, kung sino man po ang may pakana nito, kayo na po ang bahala sa kanila.

At dahil di ko na makayanan ang kahihiyang iyon, pinatay ko na yung laptop ko pagkatapos na pagkatapos kong isave yung mga pictures.

*evil laugh*

Gumawa ako ng list sa phone ko. Pag hindi ako nag-tagumpay sa checklist na ito, that confirms na bisexual nga ako.

Okay. I'm officially confused. First, I will forget Nicko's nice guy personality, magpapaka-harsh muna ako sa mga taong lalapit sa akin with the exception of my friends. Second, I'll be flirting with those who will flirt with me, especially si Joshua at Miguel. Last and probably not the least, I will not fall in love with a guy. Kahit gaano pa ako ka-open sa ganitong mga bagay. NEVER. Okay lang kung LIKE. Pero not LOVE. Ang time allotment ko ay TWO WEEKS.

<kinabukasan>

Inagahan kong pumasok para iwas exposure. Di ko pa talaga alam kung may mukha akong ihaharap sa mga schoolmates ko.

Pagpasok ko sa room, bukas na yung mga bintana at mga e-fan. May tao na. And for my little heart's sake, nag-iisa lang siya.

"Good Morning babe." Sabay akbay sa akin ni Joshua.

Haba Ng Hair! (boyxboy)Where stories live. Discover now