Chapter 2

54 3 1
                                    

Chapter 2

12 years later

*KRIIIIIIIIIIIIIIING*

Sa wakas! Tapos na rin ang Final exams namin.

Ibigsabihin...school's over but not my life. Haha! Chosera.

*Sketching*

Simula pa nung bata pa ako, wala akong ibang naging hilig kundi ang magdisenyo at magdiesenyo ng bahay.

Araw-araw kasi, may bagong lumalabas sa isip ko na mga ideya.

"Ayun sya oh."

"Gabby!"

Lumingon ako sa tumawag sa'kin.

Sina William at Aya, ang mga matalik kong kaibigan sa kolehiyo.

Kumaway ako sa kanila at naglakad na sila papunta sa'kin.

"Sabi ko na nga ba eh, dito ka lang namin makikita." William.

Dito sa school garden. Sariwa ang hangin dito, tsaka masarap mag sketch dito.

"Bakit ba kayo hinihingal?"

"Tinanong mo pa? Eh kasi itong si William parang hinahabol ng aso. Whoo! Pinagpawisan tuloy ako." Aya.

"Sayo na lang tong Coke ko."

"Ay salamat! Hmmm sarap ang lamig."

"Painom naman--" William.

"Che! Bumili ka ng sayo!" Aya.

LQ nanaman sila hahaha!

"Bakit ka ba kasi tumatakbo, William?" tanong ko.

Umupo sya sa harap ko.

"Wala lang, gusto ko lang ma-exercise tong si Aya...kasi kailangan na nya eh." Sabay tingin sa katawan ni Aya. "Aray!"

"Walang hiya ka! Pinagod mo ako ng sobra tapos gusto mo lang pala ako paglaruan?!"

"Haha! Guys, alam nyo nakaabala ata ako sa inyong LQ ngayon. Alis na lang ako ha?"

"Huy Gab sandali! To naman...umayos ka nga Will! Uhmm, Gab...may part time job ka pa diba?" Tanong ni Aya.

"Oo, bakit?"

"Pupunta ka ba ngayon?"

"Mamaya pa 5 o'clock. Bakit?"

"Uhmm...Gab pwede mo ba tanungin kung pwede pa ng isang waitress?"

"Haha! Sige ba. Pero bakit di ka na lang pumunta doon para--"

"Wag na! Ikaw na lang. Please??"

"Sige na nga." Tapos nagpatuloy lang ako sa pagguhit ko.

Summer na...ano kayang maganda gawin maliban sa part time job?

"Gab."

Gusto ko pumasok ng isang trabaho na mas malaki ang kita para naman mas maparami ang savings ko.

"Diba Gab?"

Tapos kapag malaki na yung savings ko...pwede ko ng ipaggawa ng bahay namin.

AHHHH!

Sobra na akong na eexcite!--

"GAB!" Sigaw nilang dalawa.

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon