Chapter 3

11 0 0
                                    

Chapter 3

"Goodmorning ma!"

"Goodmorning nak. O kumain kana, pakitawag na rin sa kuya mo, sigurado ako gising na yun." Sabay hain ni mama ng niluto nya sa mesa.

Agad mo namang pinuntahan si Kuya sa kwarto nya.

*knock*

"Kuya kakain n--"

Biglang bumukas ang pinto kaya naman nanigas ako sa gulat.

Tuloy-tuloy lang yung paglakad nya palabas ng kwarto.

Wow. Invisible ba ako? -__-

Sumunod na rin ako papuntang dining.

"O Paolo bakit busangot yang mukha mo? Nasa harap ka ng pagkain." Tanong ni mama.

"Pagod lang." Maikling sagot nya.

"Anong oras ka ba nakauwi kagabi ha?"

Di na sumagot si kuya.
Sa isang malaking computer company nagtatrabaho si kuya. TESDA graduate sya, at dahil sa galing nya about computers parati syang na popromote ng boss nya. Pero hindi ko alam anong posisyon nya ngayon, pero malaki-laki na rin sweldo nya kumpara dati eh.

"Baka masyado ka namang nagpapagod anak."

"Uhmm Mama, may mga ipapagawa po ba kayo sa'kin?" Bigla kong tanong.

"Marami. Pakilaba ng mga labahin, paki lipat nung mga gamit na iyon sa bodega, at...pwede ka na gumala pagkanagawa mo na lahat ng iyon."
Sabay ngiti ni mama.

Napangiti rin ako agad sa kanya.

"Ikaw Paolo di ka ba aalis? Di ba kayo magde-date?"

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni kuya.

Hmm! Alam naaaa.

"Marami akong gagawin." Sabay tayo at pumunta ng kusina para hugasan ang pinagkainan nya.

"Mama, badtrip si kuya. Sigurado may kinalaman si ate Cathy dito."

"Tsk yun nga eh. Ganyan talaga kapag may lovelife."

"Hahaha! Nakakasira pala yan ng araw. Kaya ako, ayoko talaga muna magkaroon--"

"Hoy! Bata ka pa ha! Kahit 20 ka na pero bunso ka pa rin namin!"

"MA! Hindi naman talaga."

"Pero wag kang sumagot ng patapos...sa buhay, di natin alam kailan tumatama ang mga bagay-bagay, tulad ng kapag umuulan, di natin alam kailan tumatama ang kidlat at kung saan at kanino. Kaya magingat ka."

"Si mama talaga, ayan nananaman yang words of wisdom nya hahaha"

"Aba nagpapaalala lang ako."

---

Pagkatapos ko nagawa lang ng ipinapagawa ni mama sa'kin ay agad naman akong nagbihis para umalis.

Hulaan nyo saan ako pupunta...

Sa library ng school namin. Hahaha!

Paboritong tambayan ko kasi itong library, hindi naman ako mahilig magbasa pero may isang hilig akong basahin...yung tungkol sa mga myths. Nag eenjoy kasi ako eh. Hahaha!

Andito ako sa pinakasulok ng library kung saan tahimik at malamig.

This is my spot!

Last WishWhere stories live. Discover now