Update 12//

102K 1.4K 106
                                    

A/N: Ayan ha? 2 updates na yan in a day. Ngayon ko lang ginawa yan. :)

INACTIVE po ako in 5 day. Kapag sinabi kong INACTIVE ibig sabihin hindi ko muna mao-open ang Watty account ko. NO UPDATES, NO REPLIES. May importante ang po talagang gagawin. Hindi po bakasyon ha? :(


Mag-vote din. Be a fan na rin po. :">

Sa mga SILENT READERS dyan... Magparamdam na kayo kahit minsan. BE FAIR. :)

-Xoxo, InnocentPen!

----

Update 12//

 

Kathryn's POV

 

*two weeks after*

 

 Katulad ng sabi ni mama… Hindi ko man nadalaw si DJ sa hospital. Ahhy… Ang balita ko ngayon na daw ang araw na papasok si Dj. Kaya nandito ako ngayon sa may bench malapit sa gate para makita ko siya kahagad kapag pumasok siya. Ang tagal nga eh…pero naiisip ko mas matagal siya naghintay sakin dito.

 

“hmmm…hmm..hmmm.” Nagha-hum ako para hindi ako mabored.

Nagsstart na siguro ang discussion sa first subject. Late na ako.

Ang tagal naman eh.

Ilang oras na akong naghihintay dito ha? Naka-lima na nga akong Mogu-Mogu. Tsss.

Pero wala pa rin.

Natapos na siguro ang second subject namin.

 

“Iha, bakit nasa labas ka? Kanina ka pa dyan diba? Wala ka na bang pasok?” Yung guard yun.

 

“Hmm. May hinihintay lang po ako baka hindi na papasok yun, sige po papasok na ko.” Yun lang ang sinabi ko at saka na ako papasok.

Syempre hindi na ako pumasok, hihintayin ko na lang ang next session. Afternoon na lang ako papasok. Dumaretso ako sa may garden. Dun lang ako… habang naghihintay ng oras.

CRAZY LOVE STORY (KathNiel) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon