Is She Insane?

26 1 0
                                    

I turned off my TV. Yun lang ang ginawa ko mula nung nagising ako. Ang panoorin ang video nung last performance namin. Isang buwan na ang lumipas mula nang gabing yun pero sariwa parin ang sakit. Matagal din naming inalagaan ang banda, ah. Aish! Nagiging emo na naman ako. Makalabas na nga!

(_ _")

"Summmmeeeeeeeeeeeeerrrrr!" Ay namaaaannn. Nakasigaw na naman ang ate ko. For Pete'ssake! 9:00AM palang.

"Saaaaaaaaammmmmm!" ano ba problema nya? Binuksan ko nalang ang pinto ko at lumabas. Nasa 2nd floor ang room ko kaya lumapit nalang ako sa balcony.

"Anoooo?!" ito ang problema kapag malaki ang bahay ee. Nagsisigawan ang mga tao para magka-rinigan. Hindi ko makita si Ate Helena. By the way, pinsan ko lang sya. Wala akong kapatid ee. Nagtitipid yata sa sperm ang tatay ko. Hehe

" Halikaaa! Labas ka ritooo!" *tingin tingin* Asan ba sya? Nag-e-echo kasi ang boses nya sa boung sala kaya di ko masundan.

"Asan ka baaaa?!!"

"Gardeeeeen!!" Ah okay. Bumaba na ako ng hagdan. Naka gray paama lang ako at plain whit sleeveless. Naka-paa rin lang ako. Nasa bahay lang naman ako.

"G-go-good Morning p-po!" napalingon ako. Nakahinga naman ako ng malalim. Katulong pala. Akala ko inaatake ng Epilypsy ee. Nanginginig kasi yung boses. Nagdo-drool lang pala.

"New?" tipid kong tanong. Ngayun ko lang nakita ang isang toh.

"O-opo- ako nga po pala si-"

"Ikuha mo ko ng kape." Yun lang at nagpatuloy na ako sa paglabas.

"Here!" tawag ni Ate Helena. Nasa garden nga sya at nagbabasa ng NewsPaper.

"Oh? Asan ang sunog? Makasigaw ka ee." sabi ko sa kanya sabay upo sa harap nyang chair.

"Look at this, oh. Headline dito ang pagka panalo ng November Rush sa International Battle of the Bands, last week lang." bibigay nya sakin ang Newspaper. Kinuha ko at binasa. May picture pa dun sa gilid ng bandang November Rush.

'November Rush won the International Battle of the Bands last blah blah blah..'

'If Seventh Sanctum did not disbanded their own, would they make it to the top, instead of November Rush? Fanatics said they would. Would they?'

Ano ba yan? May pinaphiwatig ba sila?

"They want the band back, Sum." para namang sinagot ni Ate Helena ang tanong ko. Mind reader ba sya?

"We won't." Final kong sagot. Pero as expected, labas na naman sa ilong yung pagkakasagot ko.

"Sayang lang kasi, Sum. The group deserved any title the limelight world could offer. It's just that-"

"It's just that we are not complete anymore and no one can ever replace Chuck." She sighed.

"S-sir. Coff--"

"Lapag mo jan." I said. Hindi sa masama ang mood ko. Sadyang ganito lang ako. I give our housemaids (especially the young ones) cold treatments. Minsan kasi nung 18 ako, masyado akong naging mabait sa mga katulong, to the point na akala nila ay may something special ako for them. Aarrgh! Pinagkalat ba naman sa Facebook na In A Relationship kami?! Yuck, ah!

(=_=)7

"Syanga pala, Summer. May sulat na dumating kanina para sayo. Galing pang Post Office." she said with the 'Weird' look.

"Post Office? Ang Old School naman yata ng dating?" sabi ko nalang.

"Yeah, exactly what I'm thinking." Then nilingon nya ang maid na nagdala nung kape ko. Which is weird rin kasi hanggang ngayon ee nakatayo parin sa harap namin.

"Hey- you. Ano nga ulit name mo?"

"Aila po."

"Aww, yeah. Sorry. Kunin mo nga please yung sulat na dumating. Tanong mo kay Manang Lisa kung asan." pero nabingi na yata yung maid at tumunganga lang sakin habang nakatayo.

"Hey! Stop drooling on Summer and move your ass!" hala nagalit na si Insan. Hahahaha xD

"Weird, girl." Bulong pa ni Ate Helena.

"You mean, Creepy." Bulong ko rin at nagtawanan na kami. After ilang minuto lang, nakabalik naman agad yung maid. Pero agad2 ring pinaalis ni Ate. Hahaha xD

"Open it!" *O* Mukha ni Ate Helena oh! Sya pa ang excited ah..

*open* 

*read.. read..*

(o_O)7

Napakamot ako ng ulo. Seryoso ba nagpadala ng letter nato?!

"What does it say?" curious na tanong ni Ate.

"Wala, ate. Hindi naman umiimik yung letter ee." pamimilosopo ko sa kanya. Haha

"Naman, Summer ee! Ano nakasulat?!"

"Ah.. Yun ba? Haha.." She glared at me.

"Wla namang kwenta, ee. Isang anti-fan yata na parang ewan lang. Yan oh." Inabot ko sa kanya ang letter.

"Dear You,

I can't believe ika-career nyo talaga ang pagiging loser nyo. Mag chicken out daw ba? Haha! Nababakla na ba kayo? Pero well, masaya naman ako na umalis na kayo because you really don't deserve the Spotlight. Kaso lang, wala nang kaagaw ang Love kong November Rush. Wala na matatalo na katulad nyo. Hmm.. wala ng spice. Talaga bang loser na kayo forever? Nakakahiya kayo.

PS. M-"

"May PS pa?" pamumutol ko sa pagbabasa ni ate. She glared.

"PS. Sure ako, hindi proud si Chuck sa inyo. Walang proud sa mga taong LOSERS. Love, X."

Feeling ko tumaas ang presyon ko. Idamay ba si Chuck?!!

(>__________<)

"Sino ba sya sa akala nyaaa?! IS SHE INSANE?!!"

Gusto mo ng Coffee?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon