Chapter 2

12 0 0
                                    

Nasa loob ng CoffeeBreak si Michaella at hinihintay si Nicka na lumabas sa opisina nito. Ang CoffeeBreak ay pag –aari nito. Mahilig kasi ito sa kape kaya naisipan nitong magtayo ng negosyo na akma sa kanyang mga hilig. Isa itong Business Minded na tao. Lahat nalang ginagawa nitong negosyo. Meron din itong Gym.Hilig din nito ‘yon. Nagsimula angkanilang pagkakaibigan ng ma-stranded silas a school nila noon. Silang dalawa lang ang nai-standed kaya ayun nagkapalagayan sila ng loob kahit magkaiba ang mga hilig nila nagkakasundo sila at hindi nagtagal ay naging mag bestfriend sila.

                Nakita na niya si Nicka na lumabas sa opisina nito. “O ‘bat ang tagal mo?” tanong agad niya dito.

                “Si Mommy kasi ang daming pinapabili mamayang pag-uwi ko.” Nakasimangot na sagot nito.

                “Pagbigyan mo na si Tita Stella” natatawang sagot niya

                “Oo nga pala, niyaya ka ni Mommy na kumain sa bahay bukas”

                “Bakit?” nagtatakang baling niya dito

                “Wala lang. Trip niya lang magluto” anito sabay tawa

                “Sige pupunta ako para naman matikman ko ulit ang luto ni Tita Stella” masarap kasing magluto ang Mommy ni Nicka. Kaya nga may pinagmanahan si Nicka sa galling nitong magluto. Isa itong Chef at mayroon silang Restaurant. Silang dalawa ang magkasosyo ‘non.

                “Sige sasabihin ko mamaya kay Mommy na pupunta ka mamayang pagka uwi ko. Siguradong matutuwa iyon” nakangiting sabi nito s kanya

                “Saan nga pala tayo pupunta ngayon girl? Bat bigla mo nalang akong binulabog sa opisina ko? Buti nalang wala akong appointment ngayon” aniya sa kaibigan

                “Wala lang. Gusto ko lang mag libot sa Mall” anito habang sumusubo ng cake “saka ang tagal na nating hindi nag bo-bonding”

                “Yeah, last 2 days lang tayo huling nagkita bruha” natatawang sabi niya

                “Kaya nga namiss na kita e” nakangising sagot nito “ang tagal na pala”

                “Tara na nga, alis na tayo para makarami tayo” aniya sabay tayo.

                Pare” ani Vince sabay tapik sa balikat ni Third –ang bestfriend niya.

                “Bro” ganting bati nito

                “Na miss mo ata ako at niyaya mo akong mag-bar” aniya sa kaibigan sabay upo at order ng alak sa bartender.

                “Sa totoo lang miss nga kita bro, pa-kiss nga” tumatawang baling nito sakanya

Tumawa lang siya “ang lalim ata ng problema mo”

                “Kilala mo talaga ako no. Alam mo agad na may problema ako”

                “Mula pagkabata Pare mag kasama na tayo, hindi pa ba kita kilala”

                “Si Mama Bro, gusto nila akong magpakasal sa anak ng amiga niya” anito na parang pasan ang mundo.

                “Ang laki nga ng problema mo Pare” nakikiramay sa kaibigan.

                “Anong gagawin ko Pare? E ni hindi ko pa nga nakikilala at nakikita ang babaeng gusto nilang ipakasal sa akin”

                Nag-isip siya ng paraan para matulungan ang kaibigan “e kung kayang kumuha ka ng pwedi mong upain para magpanggap na girlfriend mo?” sustento niya sa kaibigan.

                Nag-isip ito “Pwedi rin bro”

                “Ipaliwanag mo sa kanya na No string Attached basta pag papanggapin mo lang siya na maging girlfriend mo”

                “Saan naman kaya ako hahanap nun pare”

                “Makakakita ka din pare”

Nagkwentuhan pa sila at nag-inuman bago umalis at umuwi.

Pasara na ang elevator pero mayroon pang isang humabol. Kilala niya ito. Ito ang palangiting gwapong Boss niya. Si Anthony Third Villegas. Ito ang Big Boss niya sa pinapasukan niyang Architectural firm na ATFirm. At ang pamilya din nito ang may-ari ng pinakamalaking Supermarket sa buong Asya.

“Hi Boss” bati niya ditto

“Hello Ella, ginabi ka ata sa labas” nakangiting bati nito sa kanya.

“Eh nagkayayaan kasi kami ng kaibigan ko na maglibot sa labas boss”  nakangiting sagot niya

“Buti pa kayo nagkakasayahan”

“Bakit Boss, may problem ka?” d napigilang itanong dito

“Mabigat nga ang problema ko e” malungkot na wika nito “may kilala ka bang babaeng madaming racket?”

“Ay Boss meron” nakangiting sagot niya ng maalala si Nicka

“Talaga? Pwed mo ba akong samahan sa kanya?” may kasiglahan na sa boses nito

“Oo naman Boss. Anu bang ipapagawa mo?” tanong niya

“Pag naipakilala mo na ko sa kanya doon ko nalang sasabihin”

“O sige Boss. Dito nalang ako” aniya dito. Sa 9th floor kasi ang unit niya at si Third naman ay sa 12th Floor.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and I Collide (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon