Chapter 1

10 0 0
                                    

Nagising si Ella sa tunog ng kanyang cellphone, ng tignan niya iyon nakita niyang tumatawag ang kanyang Mommy. "Hello mom?" sagot niya sa inaantok na boses.

"Mickhaella ipapaala-ala ko lang sayo na Linggo ngayon" -tuwing linggo kasi ay Family Day nila. Doon sila nagkakasama-sama ng kanilang buong pamilya "agahan mo ang pagppunta mo dito ah" sabi ng Mommy niya sa kabilang linya.

"Opo Mommy, hindi ko po nakakalimutan"

"Mabuti naman. Sige ibaba ko na ito dahil magluluto pa ako" anang Moomy niya. "Mag-ingat ka sa biyahe mo Ella".

"Opo Mommy" sabay baba ng kanyang cellphone.

Pagkatapos ng pag-uusap nilang mag-ina bumangon na siya at naghanda para sa pagpunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagkatapos niyang maligo kumain muna siya ng almusal niya. Oatmeal at isang piraso ng saging. Pagkatapos kumain naghanda na siya para umalis.

Habang nasa biyahe siya tumunog ang kanyang cellphone. Ang bestfriend niyang si Nicka ang tumatwag.

"Hello girl" sagot niya.

"Girl, nasaan ka?" sagot ng kaibigan sa kabilang linya.

"Papunta na sa bahay nina Mommy" alam nito na tuwing linggo ay Family Day ng kanyang Pamilya.

"Kita tayong after lunch girl" yaya sa kanya ni Nicka.

"Try ko girl, baka kasi hindi ako paalisin ni Mommy mamaya e".

"O sige, tawagan mo nalang akong after lunch kung pwedi ka".

"Sige-sige girl". sabay baba sa earphone ng kanyang cellphone.

 Nakarating na siya sa bahay ng kanilang magulang. Sinalubong agad siya ng kanyang cute na pamangkin na si Kyra Mish. Anak ito ng kanyang nakakatatandang kapatid na lalaki. "Hello little girl" sabay buhat at halik sa umbok na pisngi nito.

"Hello Tita Pretty" sagot nito sabay yakap sa kanyang leeg.

"O nandito ka na pala Ella" anang Kuya niya at nag beso-beso sila.

"Kakarating ko lang Kuya. Si mommy?" tanong niya sa kapatid

"Nasa loob hinahanda ang mesa, sige na pumasok kana para makita kana ni Mommy"

Pumasok na nga siya sa loob ng bahay ng kanyang mga magulang. Nakita niya ang Daddy niya na pababa sa hagdan. Sinalubong niya ito at hinalikan sa pisngi "Hello Daddy" nakangiting bati niya rito.

"Kakarating mo lang Michaella?" tanong ng Daddy niya.

"Yes Daddy. Maaga na nga ako nito e" sabay hagikgik

"Maaga ka pa sa lagay na ito e malapit ng mag-lunch. Halina kayo sa mesa para makakain na tayo."

 Sumunod na sila ni Kyra sa kanyang ama.

You and I Collide (ONGOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt