Alyas Pogi Part 5

9.4K 318 26
                                    

Lakas maka selfie ni Papa BogsFull credits to Ryan Shandi*********

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lakas maka selfie ni Papa Bogs
Full credits to Ryan Shandi
*********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Alyas Pogi

AiTenshi

May 23, 2017

Hindi ko alam kung ilang sandali kami sa ganoong halikan basta't parang nadala ako na hindi ko mawari dahil biglang lumakas ang tibok ng aking puso na para bang lalabas ito sa aking dibdib. At noong mga sandali din iyon ay inamin ko sa aking sarili na ang halik ni Bogs ang pinaka masarap na halik na natikman ko sa aking buhay.

Part 5

Nag patuloy kami ni Bogs sa pag hahalikan, damang dama ko ang malambot niyang labi na dumadampi sa aking labi at ang mainit niyang hininga na dumadampi naman sa aking ilong. Pakiwari ko ba ay nag slow motion ang lahat at panandaliang huminto ang oras para sa aming dalawa. Wala akong ingay na marinig at tila nawala rin ang tao sa aking paligid. Lumaban ako ng halikan hanggang sa maramdamang ko ang dila niya na nag lalaro sa aking bibig, mabilis lamang iyon ngunit talagang nakakadala.

Noong mga sandaling iyon ay para bang gusto kong maniwala sa kasinungalingang aming ginagawa, gusto kong mag padala sa mga bagay na hindi totoo at hindi maaaring maging totoo. Sana ay siya nalang talaga, ngunit hindi naman maaaring mangyari iyon dahil ang lahat ng ito ay pawang isang malaking panlilinlang lamang kina Andy at Vince at ganoon rin  sa  aming mga sarili.

Makalipas ang ilang minutong halikan, nag bitaw ang aming mga labi at doon ay kapwa kami napatingin sa mata ng isa. Yung tipong nag kahiyaan ngunit nag uusap kami sa tingin, pati sya napatitig rin ng seryoso sa aking mata kaya't nakaramdam ako ng pag hiya.

"Wow ha, nag halikan na at nag titigan pa.. The Nerv!" ang maaarte wika ni Andy.

"Ayos, happy na tayong lahat! Cheers tayo dyan!" sabad naman ni Vince sabay taas sa kanyang baso.

Natawa rin si Bogs at muli niyang kinabig ang aking pisngi. Nagulat nalang ako ng muli nya akong halikan, mabilis lamang ito ngunit punong puno pa rin ng emosyon.  "I love you." ang bulong niya ngunit sapat lang ito para marinig nina Vince.

Ngumiti ako at hinimas ang kanyang bilugang braso "I love you too." sagot ko naman.

Noong mga sandaling iyon ay mas lalo pang nagging sweet si Bogs dahil nag simula nang lumingkis ang kanyang kamay sa aking likuran na para bang sabik na sabik akong yakapin ng mahigpit. Kaya naman walang nagawa sina Vince kundi ang mapatingin na lamang na may kasamang inggit.

Tumagal ng halos isa at kalahating oras ang dinner date na iyon, kung ano anong pinag usapan namin. Payabangan sa pag dadate, sa pag giging sweet at kung ano ano, syempre ay hindi naman kami nag patalo ni Bogs, lahat ng sagad na kasinungalingan ay sinabi na naming upang makasabay sa kanilang kabayangan. Nandyan yung parati kaming nag dadate ni Bogs, parati kaming mag kasama, madalas siyang nag bibigay siya ng bulaklak sa akin at bilang kapalit ay ipinag luluto ko siya ang masarap na pag kain. Lahat naman ng ito ay hindi totoo at panloloko lang upang hindi ako lumabas na talunan.

Alyas PogiWhere stories live. Discover now