Alyas Pogi Part 3

10.5K 337 55
                                    

       

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Alyas Pogi

AiTenshi

May 20, 2017

Part 3

"Good morning frend, anong nangyari sayo? Hindi ka ba natutulog? Parang pinag sukluban ka ng langit at lupa ah." ang bati ni Yani noong pumasok ako sa classroom.

"Lunes na ngayon, sa Biyernes na yung double date. Anong gagawin ko?" ang tanong ko.

"Kaya nga pag iisipan nating mabuti ang plans diba?"

"Pinag isipan ko na iyan noon pang Sabado at Linggo. Imposible iyang nais mo na ayain sa date iyang si Bogart dahil unang una ay hindi tayo nag eexist sa mundo niya. Di niya tayo kilala at lalong hindi iyon makikipag date sa kapwa niya lalaki. Tingnan mo nga ang itsura, ang angas ng dating at parang di gagawa ng mabuti. Ang mata ay parating nanlilisik kapag naka tahimik." tugon ko.

"Dont judge the book by its cover lalo't hindi naman siya book. Maayos din ang problema mo at sa Biyernes ay taas noo kang rarampa sa restaurant na kasabay si Bogart Linsangan. By hook or by crook!" pag pupumilit si Yani.

"Eh paano naman natin siya makaka usap? At nakakahiya iyang gagawin natin. Pati sa Bogart idadamay natin sa kalokohang ito. Ikaw kasi eh, sana ibang tao nalang yung pinakita mo." paninisi ko.

"Wala na kong ibang naisip frend. Emergency na kasi iyon, kumbaga ay sukulan na yung tipong desperado na akong maiangat ang moral mong sumadsad sa bangin. Saka papayag nalang ba ikaw na yurakan at salahulain ng Andy na iyon? Pwes ako? Hindi!! Lalaban ako! Mag kamatayan na!" sigaw ni Yani.

"Oh edi sige lumaban ka, labas na ko diyan." tugon ko sabay layo sa kanya.

"Ano ka ba friend, ibinu-boost ko lang ang self confidence mo. Wala naman akong sinabing umatras ka noh. Maayos rin ang lahat, chillax lang." sabay hatak sa akin pabalik sa silya.

"Paano akong makakapag relax e nalalapit na ang araw ng pag huhukom sa kalokohan natin, saka akala ko ba ay may naisip ka nang paraan?" tanong ko.

"Oo nga, halika gawin natin habang vacant ang oras natin." excited na tugon nito sabay tayo at mabilis akong hinatak sa labas ng classroom.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.

"Doon sa canteen. Alas 10 na ng umaga siguradong nandoon na iyon." sagot niya.

"Sino?"

"Basta.."

Edi ayun nga ang set up, agad kaming nag tungo sa canteen upang sundin ang kawirduhang paraan na naisip ni Yani. Pag dating dito ay agad siyang luminga linga na wari'y may hinahanap. "Sino bang hinahanap mo?" pang uusisa ko.

Alyas PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon