Sixteenth Serving = The Family

84K 718 42
                                    

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Sixteenth Serving = The Family

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Hawak hawak na ni Alex ang kamay ko habang papasok na kami sa front door ng marangyang bahay ng mga Montefalco. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba na miski ulo ko pumipintig na. Have you felt it too?

"Relax," Sabi sa akin ni Alex. Tumingin lang ako sa kanya. Tumigil ako sa harap ng pintong nakasarado pa.

"Alex!" Niyakap ko siya at hinila ko ang ulo niya pababa at hinalikan siya sa labi. Smack lang. Binitiwan ko din siya.

"Woah. What was that for?" He unconsciously licked his lips. O, tukso.. layuan mo ako!

"Pampalakas ng loob." Then I smirked at him.

He cupped my face and lowered his head to me, "Don't panic. I'm here. I love you."

I nodded and held his hand. "Let's go."

Binuksan na ni Alex ang pinto at nangungunang pumasok habang hawak pa rin niya ang mga kamay ko.

Napakaganda ng bahay ng mga Montefalco. Inside and out. But the inside is more beautiful. It speaks of wealth and power. The chandeliers, vases, sofas... everything, would definitely cost a fortune.

Bahagya akong nalula sa pagtingin ko.

"OH MY! Sorry for not being a proper hostess! Hindi ko man lang kayo nasalubong! My bad!" Hinging paumanhin ng isang babae na napakaganda. Well, yan talaga ang description ko. NAPAKAGANDA. Then, speechless na ako. Hihihi :))))) Kamukha niya si Alex, mas yung mata niya at labi. Hindi siya mukhang bata pero hindi siya mukhang matanda! Gets? Parang pag sinabi mong 40 years old lang siya, eh, magsisisi ka kasi mas mukha pa siyang bata. May mga laugh lines na visible na sa mukha niya. Parang nakapowder lang nga siya at lipstick. She's wearing slacks and a leopard blouse na sleeveless at V-neck pero conservative enough not to show cleavage. Her hair is brushed up at nakasimpleng pearl earrings LANG -- na baka anim na buwan kong sweldo sa Sizzling 69 -- at bracelet at relo sa kaliwa at kanan niyang mga kamay.

"Okay lang, Ma, wag kang OA." Tatawa-tawa niyang sabi sa Mama niya.

Inismiran siya ng Mama niya at humarap sa akin. "So, you are Charity? Ikakasal na kayo ng anak ko?" Tudyo ng Mama ni Alex sa akin. Nakangiti siya at mukha talagang makakasundo ko siya!

"Hello po, Good evening. Ako nga po si Charity. Victoria Charity Legarda." At akmang aabutin ko ang kamay niya, makikipagkamay sana ako pero hinawakan niya lang ito at nakipagbeso-beso sa akin.

"Kelan ang kasal? My God! Buti natiis mo ang ugali nitong anak ko. He's rude, he's immature, napakaSnob!" Nanlalaking butas ng ilong na litanya nito sa akin. Naalala ko tuloy nang una kong makita si Alex sa bar, ang taray. Napagkamalan pa akong prosti. Gustung-gusto ko nang bumungisngis mawawala lang ang poise ko kaya sakto na sa aking mapangiti na lang.

<UNDER REVISIONS>Served On A Sizzling Plate [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon