UG 16:

32.7K 368 17
                                    

Chapter 16.

Carina..

Kanina pa ako gising pero hindi ko lang magawang bumangon dahil parang binibiyak ang aking ulo sa subrang sakit nito. ito na ba 'yong tinatawag nilang hangover?

"Aw!" Napa daing ako sa subrang sakit ng ulo noong sinubukan kong imulat ang aking mga mata.

Parang minamartilyo ang aking ulo sa subrang sakit.

"Hangover?" Napa mulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses na iyon at bumungad sa akin ang nakangising si JK habang nakasandal sa hamba ng pintuan.

Kanina pa ba siya diyan?

Naipikit ko ulit ang aking mga mata nang sumalakay nanaman ang sakit ng aking ulo.

Shit! isinusumpa ko talaga ang lahat ng alak!

Nakarinig ako ng papalapit na yabag pero hindi ko nagawang mag mulat ulit ng mga mata.

"Drink this" Bahagya kong binukas  ang aking kaliwang mata at nakita kong may hawak siyang gamot habang isang baso ng tubig naman ang nasa isang kamay niya.

Humakbang siya patungo sa bedside table at ipinatong niya ang mga iyon dito bago siya sumampa sa kama at marahan niya akong hinawakan sa mga balikat ko at buong ingat niya akong inalalayan na umupo sa may kama.

"Say aah!" utos niya.

Ngumanga naman ako at isinubo niya ang gamot sa akin pagkatapos dahan dahan niya akong pinainom ng tubig.

Inayos niya ang magulo kong buhok habang inipit naman niya sa likod ng aking tenga ang mga ilang hibla na nala-laglag na sa aking mukha.

"From now on you're not allowed to drink of any alcohol again" may pinalidad niyang sabi.

Napa nguso naman ako.

"Katuwaan lang naman iyon namin ni inday. nakakainip kaya dito sa mansion mo" Nakasimangot kong sabi.

Inayos ko ang pagkakasandal ko sa headboard ng kama habang nakaupo naman siya sa aking tabi.

Narinig ko ang pag hugot niya ng malalim na hininga.

"Just try to remember if what you did and what you said last night. let's just see if you want to drink alcohol again" natigilan naman ako sa kaniyang sinabi.

"Bakit? ano ba ang mga ginawa at sinabi ko kagabi? Wala akong matandaan!"

Totoo iyon wala talaga akong maalala sa mga nangyari kagabi at kung paano ako nakauwi dito ang huli kong natandaan ay yung uminom kami sa bar na pag mamay-ari noong spike at nakaka-ilang shot pa lang ako tinamaan na agad ako at wala na akong natandaan sa mga sumunod na nangyari.

Hindi siya umimik bagkus ay bumaba na siya sa kama at matiim akong tinitigan.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa uri ng pagkakatitig niya sa akin na para bang inaarok niya ang aking kaloob-looban lalo pa at kay bilis na naman ng kabog ng aking dibdib at hindi ako mangmang para hindi malaman kung para saan iyon.

Sa bawat araw na lumilipas na kasama ko siya unti-unti ng na huhulog ang loob ko sa kaniya pilit ko mang pinigilan iyon pero hindi ako nag tagumpay hanggang sa nagising nalang ako isang araw na mahal ko na pala siya.

Alam kong hindi sapat ang ilang linggo para mahulog sa kaniya lalo pa at masama ang naging simula namin pero ano pa nga bang magagawa ko? Tuluyan na nga akong nahulog sa halimaw na nasa aking harapan.

Alam kong mali na ma-in love ako sa kaniya dahil alam kong kahit kailan hindi niya magagawang magustuhan ang isang tulad ko at sa huli ako lang din ang masasaktan.

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon