UG 15:

28.6K 379 54
                                    

Chapter 15.

Continuation.

Spike.

Ilang hakbang lang ang layo ko mula sa kinalalagyan nila inday. Tahimik ko lang silang pinapanuod habang nag papakalasing silang dalawa noong kaibigan niyang nag ngangalang Carina.

Halatang hindi marunong uminom 'yong carina dahil nakakailang shot pa lang halatang tinamaan na kaagad hindi kagaya ni inday na nakailang bote muna bago ito tinamaan.

Napakaganda naman nga talaga noong Carina lalo na kapag ngumingiti na siya hindi mo maiiwasan na mapatulala sa taglay niyang kagandahan kaso nga lang para sa akin si inday ko pa rin ang pinaka maganda sa aking paningin. yes I'm in love with my best friend. pero takot akong mag tapat ng nararandaman ko sa kaniya kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. ayaw kong umabot sa punto na iiwasan at lalayuan niya ako kaya sinasarili ko nalang.

Nakita kong tumayo si inday at hinila niya si Carina patungo sa dance floor. halatang lasing na ang mga ito dahil halos mabuway na sa paglalakad.

Tahimik ko lang silang sinusundan ng tingin tsaka nalang ako lalapit kapag may mag tangkang lumapit na kahit sinong lalake sa kanila.

Napa ngiti nalang ako nang makita kong para silang nakawala sa hawla sa paraan ng pag sasayaw nila.

"Hey! spike right? Are you alone?" Nabaling ang aking tingin nang biglang may nagsalita sa aking tabi at doon ko nakita ang isang hipon.

Kung hindi ako nagkakamali isa siyang model sa isang women's magazine iwan ko ba kung ba't naging model ito, she's not beautiful for a model.

"May nakita ka bang kasama ko?" Tumatawa kong sabi sa kaniya. na lalong ikinatuwa naman niya.

"OMG! you smiled at me, do you want to have fun babe? Your place or mine?" Malandi niyang sinabi.

Muntik ko na siyang masapak sa retokado niyang ilong dahil sa mga pinagsasabi niya kung hindi lang ako nakapag pigil.

"Sorry miss but i don't eat shrimp allergy ako sa hipon eh" naka ngiti kong sabi na ikinalaglag ng kaniyang panga.

Pero kaagad din siyang naka bawi at biglang nag dilim ang kaniyang mukha pinukol niya ako ng matalim na tingin.

"How dare you! I'm not a shrimp! Are you blind? I'm beautiful and sexy!" Hysterical niyang sabi.

Napakamot nalang ako sa batok.

"Weh? saan banda? Nakikita mo ba ang dalawang babaeng 'yon?" Sabi ko sabay turo ko kila inday na nag wawala na ngayon sa dance floor.

"Iyon ang tunay na maganda at sexy and you? Never mind, Alam mo ba 'yong tapon ulo kain katawan? ikaw 'yon miss" Naka ngisi kong sabi na lalong niyang ikinagalit.

"Fuck you!" Pagmumura niya sabay walk out niya.

"No thanks" Pahabol ko pa sa kaniya pero tanging dirty finger lang ang isinagot niya sa akin.

Napikon ko nga yata. pang ilang babae na ba yun na lumapit sa akin mula pa kanina? pare-pareho lang naman ng mga sinasabi wala na bang ibang alam ang mga babae ngayon kundi kalandian na lang? tsk tsk.

"OMG! JK is here!" Natauhan ako ng biglang may nag hiyawan na mga babae at ang mas naka agaw ng aking atensyon ay ang pangalan na isinigaw nila.

Tumayo ako at doon ko nakita si JK na madilim ang mukha habang nag lalakad palapit sa akin. hindi niya alintana ang mga tingin na ibinibigay sa kaniya ng mga babae sa paligid.

"Napadalaw ka dude?" Salubong ko sa kaniya noong makalapit na siya sa akin.

Iginala muna niya sa paligid ang kaniyang tingin bago ulit siya tumingin sa akin.

UNDERGROUND [COMPLETED]Where stories live. Discover now