HABHGB 9

1K 33 8
                                    


Chapter 9: Mogu-mogu

Ella's POV


Nandito ako ngayon sa university. Monday nanaman. Ako lang mag-isa ang naglalakad ngayon papunta sa Dean's office. Si Sarah kasi, busy pag monday. Like her schedules are loaded with schoolworks.

Habang naglalakad papunta sa Dean's Office to drop my paperworks ay napansin ko na nagkakagulo sa Room 2-C. Room nila Dale.


"Ella!" nagulat ako dahil may gumagapang papalabas sa mga nagkakagulo na babae.


Hindi ko alam pero natawa ako. It was Liam. 

"Oh? Can't handle your girls?" 

He sighed. Pero he still managed to smile.

"Fangirls ni Kuya Dale 'yun. Ewan ko ba kung bakit nanaman siya pinagkakaguluhan. Mas matindi ngayon eh." napakamot siya ng ulo kaya kumunot ang noo ko. 


Ano kaya ang reason kung bakit pinagkaguluhan si Dale? Hala, ba ka nakalmot ang future boyfriend ko. 


"Ella!" nagulat ako dahil may tumawag sa akin. Napatingin ako. Speaking of. 


"Dale! Bakit ka pinagkakaguluhan doon?" I asked him. Mabuti at nakaalis na ang mga fangirls niya. 

"Hindi ko rin alam. Pupuntahan nga dapat kita kaso bigla naman akong pinagkaguluhan. Weird." 

Pupuntahan niya dapat ako? Alright, kilig mode on.


"Bakit mo ako pupuntahan? You need anything?" 


"Wala naman." he smiled. Ewan ko pero napangiti ako.


"Yeah, sige. I'll talk to you later. Right now, ang bigat ng mga dala ko. Dadalhin ko pa ito sa Dean's Office." 

"Tulungan na kita." nagulat ako dahil sabay sila ni Liam at Dale. Nagkatinginan sila sabay umiwas ng tingin. Eh? 

"No need guys. I can handle myself." sa pagkasabi ko 'nun ay biglang nahulog ang mga hawak kong folder. Great.

Dadamputin ko sana kaso fast hands, sina Dale at Liam na ang kumuha.


"Sabi na kasi sa iyo eh." sabi ni Dale kaya hindi na ako nag-react. Binuhat na nila ang mga dala kong folder.

While walking, napansin ko na ang daming nakatingin sa amin. 


"Diba 'yan si Ella na naghahabol kay Dale?"


"Wow, naging tagabitbit na ang Trinidad brothers ah?"


"Baliw. Magkapatid kasi ang turingan niyang mga 'yan. Sadyang si Ella lang ang inlove na inlove diyan kay Dale." 


Hindi ko nalang pinansin. I know na wala silang maduduming iniisip. Maaayos ang mga utak ng mga tao dito. Except for the ones that who go kroo kroo on Dale. Pero hey, matino ako. I mean, sila Lianne and company ang tinutukoy ko.

Dumating na kami sa Dean's office. Binaba ko na ang mga paperworks at nagpaalam na doon sa secretary nila. 


"You guys have class?" tanong ko sa mga kasama ko. Mamaya pa kasi ang klase ko. I think mga 2 hours pa. 


"Wala. Mga 1 hour pa." sagot ni Dale. 

"Date tayo?" I teasingly asked him.

KathNiel: How A Broken Heart Gets BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon