UL ~5

22 1 3
                                    

Lander POV

Hays. Saan ba yung tahimik na lugar na wala yang Lindsay na yan. Ang ingay kasi, pinalabas tuloy kami.

Naglakad-lakad talaga ako para hanapin yun. tsk. parang ang tanga ko lang. Nagulat ako nung may kumalabit sa likod ko, pag lingon ko.

Nasa langit na ba ako??

"Anghel.."

"Ha?" ang sweet ng boses *0*

"Ah sorry miss. anong kailangan mo?"

"Uhm. Saan ba dito yung basketball court?"

"medyo malapit lang. Samahan na kita" ang ganda talaga nya..

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya habang naglalakad. muka syang anghel. parang too good to be true. *0*

"Ano bang pangalan mo?" di ko na maiwasang itanong.

"I'm.. Angelica. Angel for short"  Anghel nga talaga!

"Ako nga pala si Lander" nginitian nya ako! Anghel!!

Medyo malayo palang rinig ko na yung boses nung babaeng sumisigaw sa loob ng court at yung mga tawanan ng lalaki. May naglalaro siguro.

Pagkapasok namin, nagulat ako ng nakita kong tumatalon-talon si Lindsay tapos sumisigaw sigaw pa habang naghihiyawan naman yung mga lalaki na naka-jersey sa likod nya.

Tinignan ko kung sino yung naglalaro at nagulat ako kasi si Xander yun. Pero ang mas lalong ikinagulat ko eh yung pagtakbo ni Angel papunta kay Xander.

"Xander!!!"

"Ikaw nanaman?!" -Xander

teka, nagpasama si Angel papunta dito para lang puntahan si Xander?? at magkakilala na sila?

"Nagpasama pa ako kay Lander papunta dito kasi alam kong naglalaro ka nanaman"

Nakita ko namang napatingin sila sakin. Pumunta ako kay Lindsay tapos hinatak sya.

"W-wait! Dito lang ako!" -Lindsay

"Kakagalitan tayo mamaya pag nalaman ni Ma'am na wala tayo sa labas ng classroom"

"Sandali lang pre. Babae yan, wag mong ganyanin saka sabi ni Lindsay single sya kaya ibigsabihin di kayo kaya wag kang gumanyan" sabi nung isa sa mga lalaki sa likod ni Lindsay na Paul ata ang pangalan, at sumang ayon naman sa kanya yung iba pa.

Jeez. He's getting on my nerves. pero tama sila, di naman kami ni Lindsay.

"Pwede ba bitawan mo na si Lindsay. Dito nya gusto, hayaan mo nalang sya" natauhan naman ako ng si Xander na ang nagsalita

"Kakadating mo lang diba? Kaya wala kang alam sa kung anong gusto ni Lindsay" gusto ko syang sapakin. namiss ko syang sapakin.

Hinila ko na kagad si Lindsay papunta sa.. hindi ko alam. Ang huli ko nalang narinig bago kami makalabas ng court eh yung pangungulit ni Angel kay Xander. Ako nalang kasi Angel.

Bigla namang hinatak ni Lindsay yung kamay nya mula sakin pero di ko parin sya binitawan

"Ano ba! Oo, kakadating palang ni Xander pero ang gaan ng loob namin sa isa't isa pero ikaw!" dinuro nya ako gamit nung isa nyang kamay "hindi mo manlang ako tinanong kung anong gusto ko" nabitawan ko yung kamay nya

"B-bakit? Ano bang gusto mo?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, nakayingin lang sya sakin, I see pain in her eyes.. bigla nalang syang tumakbo.

Pain? di parin siguro nakaka-move on kay Gerard.

Lindsay's POV

Hindi ko na kinaya, ayaw kong may makakita saking umiiyak. Bago pa, tumulo ang luha ko tumakbo na ako palayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected Love ~Where stories live. Discover now