UL ~ 3

25 1 1
                                    

(Lindsay's POV)

Simula nung araw na'yun hindi na'ko masyadong kumakain.

Pero naisip ko na baka kaylangan ko munang may mapatunayan sa sarili ko bago ako makakahanap ng taong para sa'kin kaya nabuhayan ako ng loob at naisip kong pagbubutihin ko na ang pag-aarala ko.

Hindi naman sa Bopols ako or what. Pero syempre gusto ko rin magkaroon ng mataas na grades and para din matuwa sila Mommy.

Kainis nga lang kasi nasa Paris si Megan kasi gusto daw ng mommy niya na mapanood niya yung fashion show ng mommy niya. Ang swerte nga eh, Fashion Designer kasi mommy niya. Pero lakas din ng topak ni Megan, umalis daw ba ng bansa kahit na parang kakaumpisa palang ng klase -____- pero 1 week lang sya dun.

I'm walking alone sa corridor ng may lalaking nilagpasan ako, ... si Lander.

"Lander!"

ayaw akong pansinin, bingi-bingihan?

"Uy, wait lang!"

aba! ayaw talaga lumingon Tsk. hinabol ko nalang sya tapos hinatak sa braso.

nakita ko naman siyang parang nagulat at naiiritang tinanggal yung earphones niya.

"Uy, bakit ayaw mo akong pansinin?? Kanina  pa kita tinatawag!"

"Kakatanggal lang ng earphone ko, bulag lang?" -Lander

Asar din to eh! "SORRY NAMAN.. tsaka hindi mo manlang ba nakita na nilagpasan mo ko, may mata ka naman diba?"

"Nasa likuran mo ako paano kita makikita?" sabi nya.

"Invalid reason. siyempre friends tayo kaya kahit saang angulo, makikilala mo'ko"

"Hindi naman kasi kita tinititigan or tinitignan kaya paano ko malalaman kung ikaw ba yon kahit na nakatalikod ka and marami ka kayang kamuka ng likod. tss." -Lander

Aruuy~! ang sakit niya magsalita! wait, pero totoo naman na marami akong kamuka ng likod pero mas sexy naman likod ko. :P

"K." then, uunahan ko na dapat siya maglakad papuntang room ng hawakan niya yung kamay ko. "Sabay na tayo. Tampo ka naman kagad eh." sabi niya tapos hinatak ako papuntang room, may topak din to eh. dumaan daw ba sa stairs instead na sa elevator, ang HAGGARD ko tuloy :3

Magkasabay kaming pumasok ng room at nung nakita kong gulat na gulat ang expression ng mga kaklase namin at yung ibang lalake naka-smirk. Weird. pati si Gerard nakatingin sa.... kamay namin.

Bigla ko namang hinatak yung kamay ko, Haist, magkahawak nga pala kami ng kamay. Ay mali, hawak niya kamay ko. Yun.

Pumunta na kagad ako sa upuan ko at nakita ko namang nakatingin lang sakin si Gerard na parang may lungkot sa mata. Ok, ang Weird talaga.

Natapos yung buong araw at nakapag-recite ako sa lahat ng subjects :) sabi ko sa inyo eh, mag-aaral na akong mabuti. ^_^

Palabas na ako ng room ng tawagin ako ni Gerard.

lumingon ako at nagsalita, "Bakit?"

"saan ka ba nakatira?" -Gerard

"sa South Ville lang."

"Ay, dun din ako. sabay na tayo?" -Gerard

"Sige."

Sabay kaming naglalakad pauwi ni Gerard since medyo malapit lang naman sa school at ayokong magsalita, hinahayaan ko lang syang magkwento. Isa din pala siyang anak mayaman, mas mayaman pa siya sakin. 

"Saan ka nga pala dito sa South Ville?" sabi niya ng makapask kami sa gate ng subd.

"Block 8 Lt. 1,2 "

"Malapit na pala. Konti nalang." -Gerard

"Eh ikaw?"

hindi niya ako sinagot pero nginitian niya ako.

Nagkukwento siya ng bigla nalang siyang huminto sa paglalakad.

"Bakit ka huminto?"

"Diba, Block 8 Lt. 1,2 ka?" -Gerard

"Oo"

"Nandito na tayo, eto na yung bahay niyo" -Gerard

Napatigin naman ako sa gilid at nandito na nga kami sa'min, hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Nalibang kasi ako sa boses niya. :">

"ay oo nga. Hindi ko napansin, sorry."

"ok lang yun. pasok ka na" -Gerard

"sige. ingat ka ah. teka, saan ka nga pala?"

"Hindi ka ba nakikinig sakin kanina? Hehe. dyan ako sa tapat niyo." -Gerard

tinignan ko naman yung bahay sa tapat namin. I mean, mansion *0*

"Do-doon ka nakatira?" gulat na tanong ko sa kaniya.

"Haha, ang cute mo." sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. "Doon nga."

tapos naglakad na siya papunta sa mansion nila. Grabe, ang yaman niya talaga. Sayang magpapari siya :( Charot! XD

Hanga talaga ako sa kaniya, *0* kahit na ganun siya kayaman  eh ang humble pa din niya tapos ang bait pa. Naku, wag kayong maniniwala na yung mga anak mayaman e, masusungit or spoiled kasi meron ding mababait. :)

Sana kasi siya na..

*-*-

Hi Guys! :) 

Sorry ngayon lang nag-update tapos maikli pa. :( Busy na kasi sa school tapos may practice pa ng sayaw sa club ko sa school. Patong-patong po gawain ko :3 Hahaha. pero salamat sa mga nagbabasa, kung meron XD 

CuriousJill29 <3

Unexpected Love ~Where stories live. Discover now