CHAPTER 47 CROWD OF ZOMBIES

215 14 2
                                    


This pa po. Sana may nag aabang at nagbabasa pa.  

_______________________________________________________________________________


"Maaga pa tayo bukas. Matulog ka na muna ako na bahalang magbantay. Gigisingin nalang kita pag nakaramdam na ko ng antok" Biglaang sabi ni Gon. Iniiwasan na naman niya ang mga tanong ko.

"Hindi mo na naman sinagot yung tanong ko" Sabi ko sabay tayo sa pwesto ko. Iniisip ko ding kung makikipagtalo sa kanya ay wala din naman akong mapapala. Kaya naglakad ako palayo sa kanya. Papunta sa isang kwarto sa kubo na iyon.

"Gin?" Biglang tawag niya sa akin. Napalingon ako.

"Sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko, kung makikita natin si Kristine at madadala kay Tatay Alex. Lahat lahat. Pangako" Biglaang sabi niya sa akin.

"Okay" Matipid kong sagot. At tuluyan na siyang tinalikuran. Hindi ko alam na may kondisyon pa para malaman ko ang totoo. Pero mas interesado ako sa sarili ko kumpara sa kung ano ang alam ni Gon. Habang patagal ng patagal naiisip kong parang hindi na ko ang nakilala kong si Ginalyn. Nag iiba na ko. Nagbabago.

Sino nga ba ako? Wala ng taong sasagot nito sa akin. Bakit nawalan ako ng alalala? Bakit ? At bakit ngayon pa lalong nalito kung sino ako kung kalian ako nalang ang makakasagot. Kung ano ano ang pumapasok sa isip kong teorya kung sino ako habang naglilinis na naman ng sarili ko. Nakapagpalit na din ako ng Tshirt. At mabuti nalang at may suklay din ditto sa kubo. Sinuklayan ko ang buhok kong madaming tuyong dugo. Halos hirap na hirap ako sa pagsusuklay nito. Sobrang haba na din ng buhok ko. At ang ginawa ko lang ay tinali ito at naghanda na. Alam kong kailangan kong maging handa. Tumingin din ako sa closet na nakita ko at naglagay ng mga damit na kaya kong dalhin. Madudumi at pinapalitan ko na kasi ang mga dala ko. Tinapon ko na iyon sa gilid ng kama at humiga ako.

Punong puno ang utak ko ngayon, Mula sa trahedyang kung sino ako at mula sa pag iisip kung nasaan na ang mga kaibigan ko. Pati si Gon ay dinadagdagan ang ininiisip ko kung saan nga ba nagsimula ang lahat ng ito.

Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog. Nagising nalang ako ng naramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

"Gin umaga na" Sabi sa akin ni Gon. Napabalikwas ako.

"Bakit hindi mo ko ginising? Nakatulog ka ba?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. "Bakit?" Itinuro niya ang gilid ng labi ko at napahawak ako doon. May laway. Nakatulog ba ako ng mahimbing? Nakakahiya.

"Sorry" Sabi ko sabay punas sa gilid ng bibig ko. Hindi nakalampas sa aking Makita siyang napangiti. "Pinagtatawanan mo pa ko" Inis kong saad. Na ikinawala ng ngiti niya.

"Sorry. Hindi kita ginising kasi nakita kong ang sarap ng tulog mo. Kaya naman pumuwesto nalang ako sa gilid ng kama. nakatulog din naman ako saglit" Mahaba niyang sinabi sa akin.

"Nakakahiya pa din" sabi ko.

"its okay Gin alam ko namang napagod ka kahapon. Lets go. Kailangan na nating makalayo dito. Hindi magtatagal ay baka makarating na dito ang grupo ng mga humahanap kay Red" Humahanap kay Red.

"So kilala mo yung Red na hinahanap nila?" Tumango lang siya.

"Kapatid ko si Red. Ang alam ko nasa harbor siya. Kung saan nandun ung mga doctor na nagsimula nito. Hindi ko alam kung anong eksperimento ang sinasabi nila. Pero isa lang ang alam ko. Maaring nahanap na niya ang CEL at itinakas iyon" Mahaba pa niyang sabi. Kung minsan ay may mga sinasambit si Gon tungkol sa alam niya pero palaging pahapyaw lang.

"Nagsimula ka naman magbanggit ng mga bagay na di mo naman ipapaliwanag" Sabi ko para matigil na siya. "Saka mo na yan sabihin sa akin kapag nahanap na natin si Krane" Kagabi ay naisipan ko ding pigilan na si Gon pati ang sariling kung malaman muna ang mga bagay bagay tungkol sa apocalypse. Saka na. Saka na kapag nahanap naming ang mga kaibigan ko at kapag bumalik ang alaala ko.

"Okay" he said defeated. Oh nakita ko sa storage" Biscuit na naman ang kakainin naming. Sky Flakes sa umagang iyon. Uminom na din kami ng tubig. Pagkatapos noon ay naghanda na kaming lumabas ng bahay na iyon. Katulad pa din ng dati ay may mga nakasalamuha kaming mga Eaters sa daan. Wala pa ding bakas ng buhay.

Ilang araw na din kaming naglalakad sa kakahuyan. Hindi ko na alam kung nasaan kami. At nakakaramdam na din ako ng matinding pagod at gutom. Halos puro skyflakes lang ang laman ng tiyan ko sa nakaraang araw na naglalakad kami ni Gon. Kaso kelangan kong tiisin. Hindi pwedeng sumuko.

Nagulat ako ng biglaang tumigil si Gon sa kakahuyan. Sa pagtigil niyang iyon ay saka ko din naramdaman ang mga pang nagtatakbuhan papunta sa pwesto naming at amoy na nakakasulasok.

"Gin takbo" Sabi ni Gon sabay hatak sa akin sa gilid ng daanan. "Huwag na huwag kang lilingon at magsasalita. Tatakbo lang tayo" Takot ang naramdaman ko ng hawak kamay kaming tumakbo ni Gon. At mula sa pwesto naming ay nakita ko ang mga Eaters na iyon. Mahahaba ang kanilang mga paa at kamay. At napakabilis nilang tumakbo. Hindi naman nila dadaanan ang tinatahak naming pero mula sa alalala ko ay nakita ko na sila sa gilid ng building kasama si Erick ng huli akong nakakita ng ganoong Eaters. Takbo lang kami ng takbo ni Gon. Hindi ko alam kung nasaan na kami pero natigil lang kami ng may marating kaming kalsada.

"Ayos na ito" Sabi niya at hingal na hingal na sumandal sa puno habang ako naman ay napaupo sa sobrang pagod na naramdaman. Napahawak din ako sa puso kong sobrang bilis ng pintig marahil sa pagtakbo ng sobrang layo. First time ko ata iyon sa halos tagal na din naming nakaka encounter ng Eaters. "Matagl tagal na din ng huli kong na-encounter ang mga zombies na iyon. Hindi ko inaasang sa ganoong pagkakataon pa" Mahinang usal ni Gon pero narinig ko naman. "Ayos ka lang?"

Tumango lang ako. Pero dali dali kong kinuha ang tubig sa loob ng bagpack ko. Napagod ako sa pagtakbong iyon. "Ano sila Gon?"

"Grupo ng mga Eaters, sila yung mga taong pinag ekspirimentuhang tulad ng iba ay pumalpak. Sila ay isa sa mga zombies na dapat mong iwasan. Mabibilis sila. Malakas din ang pang amoy nila sa mga dugo. Mabuti nalang at wala tayong mga sugat ng kanina ng tumakbo tayo. Sariwang dugo lang ang naamoy nila hindi dugo ng kapwa Eaters nila" Mahaba habang sabi ni Gon.

"Anong tawag sa kanila? Sigurado akong meron. Meron kayong Slow Eaters, Fast Eaters, Emotional Zombies, Tracker Zombie??? Ano naman sila?" Sarkastikong tanong ko kay Gon. Ilang Eaters o Zombie ba ang ginawa ng organisasyong ito na ikinalat nila sa daanan.

"Throng.. Throng Zombies" Sabi niya. Hindi ko mapigilang matawa. Hindi ko alam kung yung tawa ko totoo o dahil sa punong puno na ko ng kapaguran.


_______________________________________________________________________________


Yung utak ko baliw. 


Kaye :) 

STAY ALIVEWhere stories live. Discover now