Just Another Perfect Girl: Chapter 4

199 16 13
                                    

 Dedicated to @hyorin_dey! Ni-rate niya yung story last time at natuwa naman ako. Hello! Sana supportahan mo to. ;) Love love! <3 Nakaka-inspire ka naman po!

Hello to my readers! Sana basahin nyo to. ;) Here's another chapter!

-----------------------------------------------------

 Chapter Four: Miss Anti-Social?

(Sa multimedia po, si serene.. nagtataka! Ang cute! Hahaha. Sa side po. ->)

Two weeks have gone by. Ang boring sa 'mansion' na to. All I can do is to eat, rest and sleep. Araw-araw na lang na ganyan. Ano kayang magandang gawin ngayon?

Shopping? Na ah. Di magandang idea. Baka Makita ko pa si Ethan.

Biking? Duh. Di ako sanay mag-bike.

Hmmm. What about a sleepover? What a good idea, Serene! Ang talino mo talaga.

Agad kong tinawagan si Steph kung pwede sa kanila. "Hello."

("Oh?") tamad na sagot niya naman sakin.

"Ay? 'Oh' na agad hindi ba pwedeng mag 'GoodMorning' manlang!?"

("Tss. Wag mo sabihing aayain mo ako ng mall. Tinatamad ako. Period. Perioooood.") As if naming tinatamad sya. I wonder if, totoo yun. Alam ko namang nanunuod siya ng Korean dahil rinig na rinig ko sa background niya. Hayyy. Poor, Steph. Where is your social life?

"Wag ka mag-alala! Pupunta ako dyan sainyo ah! Sleepover. Bye."

("Ehh? An----") In-end ko na ang call. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot sakin dahil alam ko naman na hindi siya papayag. What's new about her? Kilalang kilala ko na yang bakulaw na yan eh.

Lumabas na ako ng 'mansion' at nagpa-drive nalang sa bahay nila. Well, what's the use of driver, kung ako ang magdridrive di ba? Tsaka, masyado akong bored para magdrive.

====You have a message! You have a message!===

Aba? Message? Kinuha ko ang phone ko sa mamahaling bag ko, at binasa ang message mula kay..?

-------------

From: Anti-Social Girl

Huwag kang pumunta dito! May.. May ginagawa ako!

Received: 9:07 AM

-------------

Si Steph pala. Hindi ko nireplayan. Sorry, on the way na ako, Steph. As if namang importante yang ginagawa mo. Tinago ko na ang phone ko at bumaba ng sasakyan. Andito na pala kami?

*ding-dong~* Para maasar siya, pinindot ko nang pindot yung doorbell. Ang ingay pa naman nun sa loob. Hahahahaha! Bad ko naman. *ding-dong~* patuloy parin ako sa pagpindot. Kasalanan mo yan, nilagyan mo ng doorbell tong bahay mo eh. *evil laugh*

"Aish. Sabi ko wag ka nang pumunta eh! Naku!" sabi niya habang yung maids pinagbubuksan ako ng gate. Hindi ko parin tinitigilan ang doorbell, kahit kitang kita ko ang mga maids na nagtatakip ng tenga nila. Feeling ko, favorite spot ko na yung doorbell kina steph. "Ang ingay ingay, Tigilan mo na yan. May tao sa loob. Tss." Nagtakip na rin si Steph ng tenga niya.

Tinigil ko na ang pagpindot ng doorbell. At kitang kita ko naman sa mga kilos ng mga maids na ang sakit ng tenga nila, at yung mga mata na nagsasabing 'ay jusko po salamat at tinigil na niya' Gusto ko sanang matawa pero bigla naman akong naawa.

Just Another Perfect Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon