Just Another Perfect Girl: Chapter 3

189 14 13
                                    

Readers, Eto na poooo! Here's another short chapter. Bawi ako sa susunod ha? Chapter Four po ang mahaba. :) 

----------------------------------------------------------------

               --Chapter Three: Second Encounter--

SERENE KRISEL LIN WU's Point of View:

Nakahiga ngayon ako sa kama ni Rem. Palagay ko kasi hindi ako makakatulog ng hindi naiikwento sakanya ang nangyari.

"Waaaaa! Reeeeem! Nakakahiya." sabi ko sakanya habang nagwawala sa kama nya. Gumulong pa talaga ako.

Siya lang kasi ang may alam na crush ko si Ethan. Nagsimula iyon noong 1st year highschool ako. Transferee siya at magkaklase kami. Hindi siya bad boy type. Silent type lang siya na ngingiti at yun ang nagpapagwapo lalo sa kanya. Ang tali-talino niya kahit ganoon siya. Muntikan na nya nga akong matalo noong mag-fourth year kami, dahil nga nawawala ang focus ko sa studies.

Bihira siya magsalita kaya naman nagulat ako nang napakadaming words ang sinabi niya sakin!!!! "WAAAAAAAAA!"

"Sayang wala ako dun friend!" Sabi ni Rem out of the blue. Kitang-kita mo nga talagang naghihinayang siya. "Sana.. nasaksihan ko ang moment... na pagkatagal tagal mong hinintay!"

Tinakpan ko ang bibig niya dahil napalakas ang boses niya. Kailangan ba niyang pinaglandakan na kinikilig ako? Binatukan ko siya at sinabing.. "Si Dustin kasi ang kasama mo."

"Sorry na. Well, you know, we talk about 'us' kasi." Rem

 So, Ayun... Nagkwento siya ng mga nangyari kahapon sa kanila ni Dustin. Masaya daw pala siya kasama. Magaling daw magluto. Hayyy! Pagkatapos nun, napagdesisyunan naming matulog.

---------------------------

SERENE KRISEL LIN WU's Point of View:

(KINABUKASAN...)

*tik ti la ooookkkk!~*

*tik ti la okkkkk!~*

Ahhhhh! Napakaingay naman. 5 minutes extend pa, please! *tik ti la okkkkk!~* Ahhhhhhhhh!!!!!! Napabangon ako dahil sa bwisit na manok na yun! "Ang ingay!"

Kinusot ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang Rem na nag-fafacebook. "Kay aga namang facebook yan Rem!" sabi ko sa kanya.

"Inuupload ko ang pictures natin nung graduation." Sabi niya habang tutok na tutok sa screen ng laptop niya.

Bumaba ako at nag-almusal. Hinugasan ko rin ang pinagkainan ko. Oo, sana'y naman ako gumawa ng gawaing bahay. Kaso, kulang minsan sa application. Para saan pa ang maid sa bahay di ba?

Naligo narin ako at umalis na. Nagpaalam na rin ako kay Rem kasi, baka hanapin na ako ni Daddy. Nagpaalam naman ako kaso, kailangan ko umuwi ng maaga.

-----------------------------

SERENE KRISEL LIN WU's Point of View:

(SA MANSION...)

"Good Morning, Ma'am Serene" Bati sakin ng mga maids pagpasok ko pa lang ng mansion 'daw' namin.

"Good Morning. Nasaan si Daddy?"

"Nasa golf field po. Ipinatatawag niya daw po kayo. May importanteng sasabihin daw po si Sir sa inyo." Pagkasabing pagkasabi nun, yumuko ang maid sakin at ako naman diretso papuntang golf field.

Just Another Perfect Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon