Chapter 5 - Resort

616 161 42
                                    

CAR's POV

 Nakarating na kami dito sa resort. Maganda dito tsaka konti lang ang tao, kaya siguro ito ang pinili nila dad para makapagrelax sila. Bukas pa kami uuwi, gabi na rin kasi. Wala pa naman akong dalang damit, buti na lang may dress shop dito. Ang laki ng resort na to. Ang linaw ng tubig sa dagat at marami ding mga booths. I guess we will enjoy this weekend.

 " Goodevening Mr. and Mrs. Reign," bati sa kanila nung lalaking nakasuit and tie. Manager ata ng resort na 'to.

 " Goodevening din Mr. Natividad. This is our daughter Colline and her bestfriend Catherine." Natividad? Sounds familiar.

 " Goodevening po." sabay naming bati ni bebs.

 " Just call me tito Chris. I'm one of the business partners of your parents." nabanggit na ata siya dati nila dad kaya pamilyar. " Samahan ko na kayo sa room nyo."

Hiwalay ang room namin ni Cathy kila mom, kasama namin dito si yaya. Maganda yung kwarto namin, ang linis linis tsaka malaki. May comfort room din dito sa loob. Actually, parang bahay na rin tong kwarto namin. Katapat lang ng room namin yung kila dad.

 " Maiwan ko na kayo. Hope you enjoy your stay here."

Umalis na si Tito Chris. Inayos na muna namin yung mga gamit namin ay sila lang pala. Wala nga pala akong dalang gamit, di naman kasi nila ko sinabihan eh. Pagkatapos nilang mag-ayos, bumaba na muna kami para kumain. Gutom na rin ako eh. Maraming restaurants dito, but we decided to eat on the restaurant that serves Filipino dishes, miss na daw kasi nila mom yung mga pagkaing pinoy kasi lagi silang nakain sa Chinese or Italian restau. Umorder na sila mom, ang dami nilang inorder pero dahil hindi ako pwedeng tumaba, konti lang kakainin ko, pero syempre lahat titikman ko! Ang daming ulam, may menudo, kaldereta, hamonado, pinakbet, sinigang, grilled pork, at syempre ang pinakapaborito ko sa lahat, sisig. Mabubusog ako nito. Yieee.

Nagsimula na kaming kumain. Isa-isa kong tinikman yung mga ulam, lahat naman masarap pero sisig talaga yung gusto ko. Buti hindi masyadong naparami yung kain ko. Marami pa yung natira naming ulam kaya pinabalot nalang namin para bukas. Pagtapos namin kumain, may dessert pa. Tatlo yung klase ng dessert na inorder nila dad, may leche flan, ice cream, at ube. Puro matatamis, pero masasarap kaya hindi ko rin napigilang kumain. Mas marami yung nakain kong ice cream, favorite ko kasi yung flavor eh, cookies ‘n cream! Ang sarap ng kain namin. Busog kaming lahat lalo na si Cathy, may dragon ata sa tiyan to eh. Ang dami niyang nakain, nakadalawang kanin siya, ang dami pa niyang nakaing leche flan at ube tapos nag ice cream pa siya. Ang lakas niyang kumain pero hindi siya nataba, how lucky she is.

Nang matapos na kaming kumain, umakyat na ulit sila mom pati si yaya para magpahinga. Bukas na lang daw sila maglilibot kasi pagod na sila. Kaming dalawa naman ni bebs, naglakad-lakad muna kami dito sa tabing dagat. Ang lamig dito, ang lakas kasi ng hangin. Umupo kaming dalawa sa dalampasigan, ang liwanag pa rin kahit gabi na. Maraming stars sa langit. Tahimik lang kaming dalawa na nakatitig sa langit nang binasag ni bebs ang katahimikan.

 “ Isa na siguro si Alvin dyan sa mga stars sa langit.” Bat bigla niyang naalala yun? Kinalimutan ko na yun eh.

 " Siguro. Masaya na siya kung nasaan man siya."

 " Naaalala mo pa ba dati nung –"

 " Ayoko na siyang pag-usapan." Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

 " Sorry bebs."

Nanahimik na uli kaming dalawa. Papasok na sana kami sa loob pero may dalawang lalaking tumabi samin.

 " Goodevening sa inyo! Bakit kayo nandito hon?" sila Dwyne at Adrian pala to.

 " Sinama lang ako nila tito hon. Eh kayong dalawa ni Adrian anong ginagawa niyo dito?"

 " Resort namin to." Sagot ni Adrian. Kaya pala pamilyar si Mr. Natividad.

 " Ohh kaya pala."

Tahimik lang kami dito ni Adrian, iniwan kasi kami nung dalawa. Date nanaman. Tumingala na lang ulit ako sa langit, ang sarap pagmasdan ng mga bituin. Napansin kong nakatingin sakin si Adrian. Siya naman ngayon nakatitig sakin, nakatingin pa rin ako sa langit tapos nagsalita ako.

 " Baka matunaw ako, sayang naman yung kagandahan ko kapag natunaw ako di mo na ko matitigan."

 " Linya ko yan ah."

" Hahaha. Bakit mo ba kasi ako tinitignan? Ayy, let me rephrase that, Bakit mo ko tinititigan?" sinabi ko yan habang nakangisi sa kanya.

 " Because you’re the apple of my eyes."

 Ano daw? Ako? Apple of his eyes? Speechless ako. Napatingin nalang ako sa mga mata niya. Ang gwapo niya talaga. Ang tangos ng ilong at ang kinis ng mukha. Pagtingin ko sa labi niya, ang pula-pula at nakangisi. Shemayy! Umiinit nanaman mukha ko.

 " Baka matunaw ako, sayang naman kagwapuhan ko blushy pag natunaw ako." unti-unti siyang lumapit sakin, ako naman layo ng layo.

 " A-ano bang problema mo?" Sht. Wala nakong maatrasan. Nakasandal na ko ngayon sa isang malaking bato.

*Dug dug dug dug*

Ang lapit na ng mukha namin sa isa’t-isa. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, rinig na rinig ko, siguro rinig din niya. Pulang-pula na ata mukha ko dito eh! Ramdam ko na yung hininga niya kaya napapikit na lang ako. Ano bang gagawin niya? Hahalikan ba niya ko? Ang tagal kong nakapikit pero wala namang nangyayare kaya dumilat na ko. Pagdilat ko, wala na siya. Lumingon lingon ako pero di ko sya nakita. Asan na yun? Matapos niya kong pagtripan, iiwan niya ko? Bakit kaya niya yun ginawa? Haaay. Makapasok na nga lang, masyado nang malamig, late na rin kasi. Pagpasok ko sa kwarto namin, andito na rin pala si bebs. Tulog na siya kaya natulog na rin ako.

--

AN: Feel free to comment anything ^_________^

      Dedicate? Message me :) Keep on supporting guys. Share nyo na rin sa ibaa :D Thankyouu.

      Selfie ni Colline Angellic yung nasa side :D

My Lady SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon