Chapter Eight

24.3K 496 12
                                    

CHAPTER 8

NARINIG niya ang pagbuntong hininga nito habang inabot nito sa kanya ang popsicle na binalatan nito. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Alam mo namang hindi appropriate ang pagkain ng mga ganito kapag hindi ka kumakain." Reklamo nito.

Ang tinutukoy kasi niyang mama na nasa likod nito ay ang naglalako ng ice creams and popsicles. Wala itong nagawa ng sabihin niyang gusto din niya ng isa. Aalis na nga sana ito upang iwan siya pero hindi siya sumunod. Kaya ang nangyari napilitan itong bilhan siya. Maging ito rin ay nakikain.

"Masarap naman. At saka kakain din ako mamaya." Nakangiting wika niya. "Masarap ang mango flavor." Hindi ito umimik. Mukhang nag-eenjoy din naman ito sa pagkain ng popsicle nito. Dahil sa katititig niya dito ay hindi niya namalayan ang naka-usling bato sa daan kaya muntik na siyang mapatid. Mabuti nalang at maagap siya.

"Ano ang nangyari sa'yo?" Takang tanong nito.

"Nagjajack 'n poy lang sa bato." Turo niya sa bad trip na bato sa kalsada.

"Here." Inabot nito sa kanya ang kamay nito. "Grab my hand at ng hindi ka naaaksidente." She gladly accepted his hand. His warmth she felt very secured. Magkasugpong ang dalawang palad nila na para ba silang magkasintahan. Noon pangarap lang niyang sana ay mapansin siya nito. Sino ba ang mag-aakalang darating ang araw na ito na mismo ang mag-ooffer sa kanya ng kamay nito?

Like lovers would do, they are holding their hands while walking and while eating popsicle. Sana ay hindi na matapos ang sandaling iyon. Sana ay matagal pa silang magkakasama ng ganoon na para bang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Sa mundo na siya ang bidang babae at ito naman ang kanyang prince charming. Just like in fairytales.

Pero mukhang hindi na mangyayari pa ang iniisip niya. Hindi pa nga niya lubos na na-e-enjoy ang ibinigay sa kanyang pagkakataon ay mukhang may hahadlang na naman.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Clev kay Jayerre na nakatayo sa labas ng bahay nito. May kasama itong dalawang pulis. Mabilis naman nitong binitiwan ang kanyang palad. Nakaramdam tuloy siya ng panghihinayang sa ginawa nito.

"Kukunin ko na mula sa iyo ang iniwan ko." Nakangiting wika ng kanyang boss. "Nahuli na ang taong gustong pumatay kay Praia." Ang bilis naman! Mas lalo tuloy niyang gustong magprotesta. "Kaya she is safe now. Pwede na rin siyang bumalik sa kanyang trabaho ng hindi nag-aalala." Hinila siya nito palayo kay Clev.

"Ano ang tingin mo sa akin tuta?" Asar na salubong niya sa kanyang mapang-asar na boss.

"Hindi. Isa kang cute na kuting." At talagang tinapik-tapik pa nito ang ulo niya na parang bata. Bumaling ito kay Clev. "Salamat nga pala sa pag-aalaga mo dito. Hindi ka ba nahirapan?"

"Kaunti."

"Hindi kaya ako pabigat."

Nagkibit-balikat lang ito. "Dadalhin ko muna si Praia sa presento, Renz. Kung gusto mong sumama okay lang."

"Dito nalang ako." Biglang nabalot ng hinanakit ang puso niya sa sinabi nito. Hindi ba talaga siya nito pipigilan? Hahayaan ba talaga siya nitong sumama kay Jayerre?

"Let's go, Praia." Jayerre gentle pushed her inside the car. Samantalang pumasok naman si Clev sa loob ng bahay nito. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin? "So, how's your day off with him?"

"Fine." Mas fine sana kung hindi ka dumating.

"Itigil mo na kasi iyang pagsinta mo sa kaibigan ko. Masasaktan ka lang. Hindi ka niya type." For God's sake hindi ba talaga siya titigilan ng mga taong ito na i-discourage ang pagsinta niya kay Clev? "A person whom won't even call you by your name isn't the right one for you."

R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon