Chapter Five

24.5K 555 23
                                    

CHAPTER 5

MALAKAS na napasinghap si Praia ng may tumamang malaking bagay sa likod ng sinasakyan niya. Abala siya sa pagbabasa ng kanyang bagong kaso. "Ano ba iyon?" Kunot-noong tanong niya ng tingnan niya bagay na bumangga sa likod ng kanyang sasakyan.

"Ma'am, may bumangga po sa atin." Wika ng driver niya.

"Alam ko, hindi ako bulag." Aniya na nakatingin sa isang asul na honda civic na bumangga sa likod ng kanyang kotse. "Ano ba ang problema ng mga tao ngayon?" Bumaba siya sa sasakyan at pumunta sa nakabangga sa kanila. Pero nagulantang nalang siya ng bumaba doon ang isang malaking tao na may takip ang mukha. May hawak din itong baril habang nakatutok sa kanya.

"Sumigaw ka at basag ang noo mo." Banta nito. Bigla siyang kinabahan. At talaga namang dapat lang siyang kabahan sa mga nangyayari. For God's sake, may papatay sa kanya. Sanay na siyang nakakatanggap ng death threats pero iba pa rin pala kapag nasa ganitong eksena na. Nakakakaba at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin, sabihin at isipin.

I need to be calm! Para ano pa at nag-aral ako ng karate upangdepensahan ang sarili ko. Nanginginig na binuksan niya ang kanyang bibig upang magsalita.

"Sino ang nag-utos sa iyo na takutin ako?" Kahit hindi niya nakikita ang mukha ng bwisit ay batid niyang gumagalaw ang mga muscles nito sa mukha.

"Hindi mo na kailangan pang malaman dahil mamamatay ka na rin."

"Ma'am-." Ipinutok nito ang baril ng biglang sumingit ang driver niya. Napatili siya saka mabilis na sinipa sa pagitan ng mga hita ang salarin. Mukhang nataranta din ito at nasaktan sa kanyang ginawa. She needs to get the gun from him.

Mabuti nalang at dumami ang mga tao doon marahil sa narinig na putok ng baril. Itinutok nito sa kanya ang baril at ipinutok iyon. Mabuti nalang at naka-iwas siya but not quick enough upang hindi siya madaplisan. She could feel the pain on her arms as she winched because of it. Mabilis niyang tiningnan ang driver niya, may tama ito sa binti nito pero mukhang hindi naman malala. She needs to bring them to the hospital.

"BAKIT pumasok ka pa?" Takang tanong ng boss niya na si Jayerre Mongarces.

"Bakit boss, papatalsikin niyo na ba ako?" Tiningnan nito ang bandage na nakabalot sa braso niya. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Para siya napaparanoid kaya nga hindi siya makalabas-labas sa bahay niya. Sa tuwing titingin kasi siya sa labas ay natatakot siyang baka muling bumalik ang taong gustong pumatay sa kanya. At hindi rin siya makapunta sa bahay ampunan dahil baka mapahamak ang mga bata kapag nasundan siya doon ng kriminal. Hindi siya matatahimik hanggang hindi nakikita ang gustong pumatay sa kanya.

"Ano ang nangyari sa iyo?" Hindi pa nga pala niya nasasabi dito ang nangyari sa kanya.

"Nadaplisan lang ako ng baril two days ago. May nagtangka na naman sa buhay ko. And this time it's for real."

"At hindi mo ipinaalam sa akin?" Biglang tumaas ang boses nito. Nasa mukha din nito ang pag-aalala sa nangyari sa kanya. Maging si Cyen ay hindi alam ang nangyari sa kanya. Ayaw niya itong mag-aalala pa. Hindi din niya pwedeng ipahamak ang kaibigan. "Nakilala mo ba ang taong bumaril sa iyo?"

"No. Pero mukhang alam ko na kung sino ang tao behind it." Mataman niya itong tiningnan. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag-uusap ng may pumasok na bisita. Lumukso sa saya ang puso niya ng makilala niya ang lalaking bagong dating.

Clev, my love! Naglahong parang bula ang kanyang ngitngit sa killer niya ng masilayan ang gwapong mukha nito. Ito lang talaga ang nag-iisang dahilan kung bakit siya nakakangiti sa isang napakadelikadong panahon.

R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon