Chapter 1 (Start)

263K 5.6K 707
                                    

Chapter 1 (Start)

 

_Flashback_

"Princess Light, be careful!" 

"Everything will be okay hihi" Para bang musika sa pandinig ng Prinsipe ang tawa ng magandang Prinsesa na nasa kanyang harapan. Matagal na siyang may lihim na pagtingin dito. Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa isang prinsesa na sobrang ganda ng lahat lahat sa kanya? Magandang pisikal na anyo, magandang ugali at ang maganda niyang malaanghel na boses. 

"Wait, where are you going?" Tumitig ang Prinsesa Light sa Prinsipe. Ang nag-iisang prinsipe na hindi siya iniiwan. Bigla nalang siyang nalungkot.

"Be happy my Prince King." Nagtaka naman ang Prinsipe sa sinabi niya. Alam naman nito na lagi siyang masaya basta magkasama sila. Napansin niya rin na nagsisimulang dumilim ang paligid. Napatingin siya sa Prinsesa. Laking gulat niya na nagiging bula ito.

"Princess Light! What's happening to you?" Hindi alam ng batang Prinsipe na napaluha nalang siya dahil nang hawakan niya ito ay tuluyan ng naglahong parang bula. Nasilayan pa niya ang magandang ngiti nito. Saan siya pupunta? Iniisip ng Prinsipe na babalik naman ito agad-agad.

Ilang taon na rin nawala ang Prinsesa. Ang Magical Vampire Academy ay pinangunahan ng lungkot. Hindi lang dahil sa pagkawala ng nag-iisang Prinsesa, isama mo pa na ang buong paligid ay nagdilim. Hindi man gaanong kadilim pero wala na talagang sumilay na liwanag.

Si Prinsesa Light ang dahilan kung bakit may liwanag, pero simula nang nawala ito, wala na. Hindi lang iyon, tuluyan narin nagbago ang ugali ng Prinsipe King dahil sobrang masakit ang mawalan ng Prinsesa sa mundo ng majica at Prinsesa sa buhay niya. 

Non-existing Princess, pero naniniwala parin ang mga magical vampires na mag eexist pa rin ang naturing  na Prinsesa ng Kaliwanagan.

___End-of-Flashback___

Laytina's POV

Nakakainis! Bakit ba kahit Bampira ay nagiging palpak? Putek naloloka na ako sa nangyayari sakin. Bakit ba lagi akong palpak? Lagi nalang akong minamalas. Oh why! Binansagan ako na Reyna ng kamalasan ng kapwa ko Bampira. Sa kanila pa mismo nanggaling yun ha. 

Yep Bampira ako pero mukhang hindi. Shunga kasi akong Bampira. Lagi ba naman akong napapahiya dito sa Vnight Academy. Lagi nalang akong pinagtatawanan. Nakakairita na ha. 

"Aray." Napahawak ako sa pwetan ko. Putek nadulas na naman ako. Ang masaklap, sa putek pa. PUTEK talaga! I hate my life.

 "Ha-ha ang tanga talaga ng babaeng to." 

"Oo nga bampira pa man din. Hay naku."

"Hahahaha"

"Hahahaha"

Naiiyak na naman ako. Pinagbubulungan na naman ako ng mga estudyante. Ako nalang lagi ang pinagtitripan nila. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila ah? Sadyang malas lang ako. Kahit ang mga normal na tao dito ay pinagtatawanan ako. Kagatin ko kaya sila? Tss pasalamat sila may rules dito kundi naubusan na sila ng dugo sa katawan. Tignan ko lang kung makatawa pa sila.

Tumayo naman ako. Bakit ba kasi umulan. At teka bakit may putik sa loob ng Academy e hamak na semento ang binagsakan ko? Don't tell me pinagtripan talaga ako? Urgh nakakainis na talaga mga Bampira dito. Hindi sila bampira, HAYOP sila.

Mag-isa nga lang pala ako sa buhay ko. Lumaki akong walang mga magulang. Ewan ko ba sa buhay ko at wala akong matandaan. Nabagok kasi ako dati, syempre dahil sa kamalasan ko yun. Parang ako lang ata nawalan ng alaala dahil lang sa nabagok? Bampira mawawalan ng alaala dahil lang doon? Nakapagtataka nga pero pinabayaan ko nalang. May magagawa pa ako? Ayan na e. So dito ako lagi sa Vnight Academy. Parang dito na nga ako nakatira eh. 

Magical Vampire Academy ✔Where stories live. Discover now