Chapter 2: Insecurities attacking!

2.3K 42 8
                                    

"Hey, you know i have this latest version of the super sikat paris-made perfume.."

Paris? Parang sa kanto lang kung banggitin nila ah? Nako. Napakaganda pala talaga ng school na 'to. Tama nga yung mga kaibigan ko. Sa bagay, nakakapanghinayang din kung pakakawalan ko pa pagkakataon kong makapag-aral dito! Kaya lang... Kaya ko bang mabuhay dito?

"Excuse me, are you new here?"

Tinatanong niya ako kung bago raw ako dito. Ingles ba ang isasagot ko?

"Ahhhm, Y-y-y... Ahh oo. Ikaw?"

Ayokong mag-english.

ABA! Filipino naman siguro sya kaya maiintindihan niya rin kung anong isasagot ko.

"Actually, me too eh. By the way, Mika Reyes. And you?"

Wow. Ang tangkad tangkad naman niya. Sanay kasi akong ako na ang pinakamatangkad sa amin eh.

"Victonara Galang"

Inabot niya yung kamay niya. Nakakahiya naman, punong puno ng pawis yung sa akin pero baka akalainin naman niya suplada ako kapag hindi ako nakipag-shake hands.

"So... Victor----ania..."

"Ah. Hindi. Victo-----nara. Vic na lang para madali."

"Ow, sorry my mistake. Vic, nice meeting you. I'll go ahead. See you around then."

"Ah sige, bye. Ingat."

Grabe. Nakaka-starstruck pala ang mga tao dito. Ang gaganda! Ang kikinis pa kamo. Halatang halata na laking maynila.  Kumbaga, tubong Maynila na talaga! Kilos at Itsurang Manilenya! Teka. Teka. Parang ang tagal ko na ata dito, anong oras na ba?

"Nako. Victonara, sa lahat ng makakalimutan... Relo pa!"

Naiinis ako sa sarili ko. Napakamakakalimutin ko! Saan kaya ang orasan dito?

"Bro, it's 9am na. I can't be late. Hey, why call up this early? Yes, we do have a serious training later. Alright. Concentrate sa mindset. we need to win this season's title, remember that!

Blessing-in-disguise ang pagiging loud speaker mode ni kuya habang may kausap sa phone niya. In fairness, ang hula rito atleta rin 'to eh. Ano kayang sports ang sinasalihan niya?

Saglit ngaaa...

9? 9AM? Lintik.

Ayokong malate sa first class ko!!!! Elevator, bilisan mo naman. Nagmamakaawa ako! Hindi ko na kaya, MAGHAHANDAN NA LANG AKO! Exercise din to...

"2nd... 3rd... 4th... 5th... Isa na lang! Yes! 6th."

Eto na nga ata ang room ko. This is it! Kumukulo ang tiyan ko!!! Nakakakaba. Nangangatog ako sa nerbyos.

1...2...3...ayan nakapaasok ka na, ara. Kaya mo yan! Ngumiti ka lang. Matatapos din yan.

"Vic? Vic! I see we are on the same class. We met earlier... At the lobby, remember?

OO. Naalala kita, pero naiwan ko ata ang memorya ko sa hagdan eh. Hindi ko maalala ang pangalan mo, ineng!!!

"I'm mika, if you don't remember... Sit here, beside me oh."

"Oo nga pala. Sorry ah. Napagod kasi ako sa pag-akyat ng hagdan eh."

Hindi ko mapigilan ang hingal ko. Sus! Nakakahiya, para akong binuhusan ng isang balde ng pawis kahit na de-air con naman dito!

"OM... Seriuosly, naglakad ka? Bat hindi ka nag-elev?"

Nag-abot siya ng tissue galing sa pink pouch niya. Sa totoo lang, may panyo naman ako pero nakakahiya naman kung tanggihan ko, diba? 

*Insert a perfect title*Where stories live. Discover now