Chapter 3

47 6 0
                                    

Revelation

Suddenly, Wil hug me from the back. Ang warm ng yakap niya. It's penetrating into my body.

Ano kaya ang kasunod na mangyayari?

***

Third Person's Point of Views

Nasa iisang lugar na ang buong tropa at ito ay ang lugar na tinatawag na 'Jail Of Death'.

"Hox?" tanging sambit ni Jom. Nang makita ang isang babaeng nakapako sa malaking krus at may big chain on her left side ankle.

"No! No way!" Napakuyom ng kamao si Jom.

"Hox!" sigaw naman ni Faye.

***

Maya-maya pa ay dumating sina Kesh, Wil, Kim, Xy at Min.

"Faye!" sabik na sambit ni Kim sa pangalan ni Faye.

Agad nagyakapan ang mag-syota.

"Guys! Nakita ko ang katawan ni Flordeliza. Nasagi ng paa ko kanina," ani Min.

"Naaalala ko na din, bago ako napunta sa lugar na'to, nakita ko din ang katawan ni Flordeliza," ani Jom.

"Si Flordeliza naman talaga ang may pakana ng lahat ng ito e," ani Kesh.

Natahimik ang lahat nang biglang dumilat ang mga mata ni Hox. Pilit nitong tinatanggal ang sarili sa pagkakapako.

"Hox!" sigaw ni Jom.

Lalapitan na sana ni Jom si Hox, pero pinigilan siya ni Kesh.

"Jom, hindi na siya si Hox. 'Wag mo siyang lalapitan," sigaw ni Kesh.

"Hahaha! Hahaha!" mala-demonyong tawa ni Hox.

"Flordeliza alam kong ikaw ngayon ang naghahari sa katawan ni Hox, otang na loob lumisan ka sa katawan niya," ani Jom.

"At bakit ko naman gagawin 'yun Jom? Sa inyong lahat si Hox lang ang may mabuting puso. Kaya katawan niya lang ang gusto ko," ani Hox.

"Wala siyang kasalanan. Kami lang ang may sala sayo. Otang na loob, 'wag mo siyang idamay!" sigaw ni Jom.

"Sssh! Jom, mahal mo ba talaga si Hox?" ani Hox.

"Mahal ko siya ng sobrang-sobra," Napakuyom ng kamao si Jom.

"Tsh! Kaya pala, nakipag-sex ka sa babaeng tinuring niyang best friend?" pahalakhak na pagkakasabi ni Hox.

Palipat-lipat naman ang tingin ng buong tropa kina Faye at Jom.

***

Jom's Point of Views

Walang humpay sa pagkabog ang aking dib-dib. Possible kaya na alam ni Flordeliza ang lahat? Para kaming nasa hot seat ni Faye. Alam na alam kasi namin ang pagkakamaling nagawa namin. Pero, isang beses lang 'yun. Hindi na naulit pa.

Jail Of DeathWhere stories live. Discover now