Chapter 2

40 7 0
                                    

Searching

Bangag na bangag talaga ang isang 'to. Umungol lang naman. Everytime na lasing pa naman ang babaeng 'to, talagang ang hirap kausapin. Wala akong mapapala dito.

Ano ang kasunod na mangyayari sa scenario na ito? Find out...

***

Hox's Point of Views

Sa wakas nakarating din kami dito sa condo ni Xy. Kaya lang, nakakabahala ang katahimikan na bumabalot dito. Parang walang bakas ng tao na nandidito. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko sa tuwing pumupunta kami dito, pero ngayon iba talaga.

Napasigaw naman si Kesh nang biglaang tumalon ang isang itim na pusa mismo sa harapan niya. Napayakap tuloy siya kay Wil.

Bakit naman magkakaroon ng pusa dito? Sa'n nanggaling 'yun? Hays!

"Aaah!" pagsigaw ni Kesh.

"Babe, it's okay," comfort naman sa kanya ni Wil.

Pero ako, nauna na sa loob at una ko talagang hinanap si Faye. Kailangan ko siyang makitang buhay.

May access kaming buong trops sa condo ni Xy, kaya hindi na mahirap pa ang lumabas-pasok kami dito.

Bumungad sa'kin ang nakabulagta na katawan ni Kim sa sahig. Habang si Xy ay hilik na hilik na natutulog sa kama. Kaya lang, hindi mahagilap ng paningin ko si Faye. Lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ko. Parang sasabog sa kaba. Faye nasa'n ka na ba? Please God, keep my best friend safe.

"Kim, Kim gising. Kim ano ba? Nasa'n si Faye?" pilit kong ginigising si Kim.

Bangag na bangag talaga ang isang 'to. Umungol lang naman. Everytime na lasing pa naman ang babaeng 'to, talagang ang hirap kausapin. Wala akong mapapala dito.

"Xy, Xy wake up," pilit ko namang ginigising si Xy.

"Oy! 'Andito na pala kayo. Nasa'n si Faye?" ani Xy.

"What do you mean na nasa'n siya? E, kayo ang magkasama 'di ba?" pagtatanong ko pa kay Xy.

Sobra na akong nag-aalala, tapos tatanungin pa ako, samantalang siya naman ang dapat na tinatanong ko.

"Yeah! Ang sabi mo kami nalang ang pumunta dito, kasi nga lasing na lasing na si Kim. Pero 'andito kayong tatlo ni Faye, right?" ani Kesh.

"Oo, 'andito siya kanina. Kaya lang, umalis siya kasi pupunta daw siya sa inyo, kahit na sinabi ko naman na papunta na kayo dito," paliwanag pa ni Xy.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Wil. Alam kong pareho kami ng iniisip ngayon. Oh God! Faye where on this Earth are you?

"Guys! Hanapin natin si Faye. Maghiwa-hiwalay tayo," mungkahi ni Wil.

Agad ko namang sinang-ayunan ang suggestion ni Wil.

"Yeah! We have to find Faye," sabi ko.

"But wait, I know that there's something's going on na hindi namin alam. Guys, pwede ba sabihin niyo naman sa'min kung ano ba talaga ang nangyayari?" halatang inis na inis na tanong ni Min.

Jail Of DeathOnde histórias criam vida. Descubra agora