Red

134K 5.8K 3.1K
                                    

Cesia's POV

"Cesia... gumising ka na."

iminulat ko ang mata ko pagkatapos marinig ang boses ni Ria.

Bumangon kaagad ako at nakita siyang dala-dala na ang bag niya kaya kinuha ko rin yung akin.

Huminto ako paglabas ko sa tent.
"Anong oras na ba?" tanong ko kay Ria.

"It's 9 in the morning." sagot niya.

Umagang umaga pero wala akong nakikitang liwanag mula sa taas kundi mga pulang ulap. Kasingkulay ng dugo ang buong kalangitan.

Totoo nga ang sinabi ni Trev.

"Ariethrusa should arrive by now. She's going to help us with medusa's sisters." nagsimula na kaming maglakad pababa ng bundok. Gaya ng pinagplanuhan, sinalubong namin si Ariethrusa saka dumiretso sa gitna ng isla kasama siya.

Tumigil kami sa harap ng puno dahil sa narinig naming mga boses mula sa kweba.

"A sister?" lumabas ang dalawang babae na may mga ahas bilang buhok. Pareho rin silang nakasuot ng shades.

Hmm. Eto nga yung sinasabi ni Kara na mga kapatid ni Medusa... Stheno and Euryale.

"We have a sister!" pumalakpak yung isa habang iniikutan nilang dalawa si Ariethrusa.

Agad kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos nilang tanggalin ang shades nila.

"And she brought us some additions to our collections!" masayang puna ng isa.

"Can I talk to you ladies?" aya ni Ariethrusa.

Matagal rin silang tumahimik bago sumagot. "Hmm.. okay.."

Naramdaman ko ang paggapang ng iilang mga ahas sa pisngi ko. "Hss...  I like your hair..."

"Stheno." tinawag siya ng kapatid niya.

Dumaan ang ilang segundo at sinabihan na kami ni Kara na buksan yung mga mata namin.

Nakashades na sila ngayon at malalapad ang mga ngiti.

Ano kayang sinabi ni Ariethrusa?

"I told them they can have my sister if they help us catch her." pagbibigay-alam niya.

Pumalakpak yung isa saka lumapit sa'kin kaya napaatras ako ng ilang hakbang.

"Pretty girl." aniya at nilapit ang mukha niya sa'kin.

Nakaramdam ako ng kamay na humila sa'kin papalayo sa ahas.

"Zeusss..." napaatras ang babae at pumunta sa likod ng isa pa niyang kapatid.

"Stheno... calm down. We're here to help them...hss." tinapik niya ang kapatid niya.

"tsk tsk tsk." napailing si Stheno pagkatapos marinig ang sinabi ng kapatid niya. "Are we really?" halatang nairita siya.

Tumango si Euryale at lumapit sa'min. "your eyes... they say they are beautiful..." hinawakan naman niya ang pisngi ni Chase. Eh si Chase naman, bigla lang nawala sa harap niya at nag superspeed sa tabi nila Cal.

"Ha. Bakla." narinig kong bulong ni Ria dahilan na mapangiti ako.

Inalok kami ng magkakapatid na pumasok muna sa kweba nila bago hintayin ang nakatakdang oras. Pagpasok ko, napansin ko na halos lahat ng kagamitan dito gawa sa bato.

May mga statwa ng mga tao... aurai...

Eto ata yung sinasabi nilang collection. Napailing ako. Ish. Kawawa naman ang nabiktima nila.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon