- Chapter 2 -

20 1 2
                                    

Zelly's POV

"Hoy, Zelly! Ayusin niyo na ng magaling mong kapatid yang mga gamit dyan, pagkatapos magluto kayo ta kapag nakapagluto kayo labhan niyo na yung mga damit namin doon. Maliwanag ba yun?" tanong sakin ng magaling kong Auntie na si Auntie Letty.

"Opo, Autnie." sagot kong mahina sa kanya.

Ako nga pala si Zelly Ariel Ledesma. 18 years old na ako. Di na ako nakapag-aral muli simula ng magtapos ako ng 4th year high school dahil ang sabi ni Auntie Letty, dadagdag lang daw ako sa gastusin nila. May kapatid ako, siya naman si Clarish Ledesma. 13 years old na naman siya. Tulad ko, hindi na din siya nag-aaral. Ang masaklap nga lang, hanggang grade 6 lang ang natapos niya. Pero kahit ganun, nagpapasalamat nalang din kami kay Auntie Letty dahil kinukpkop niya kami simula noong mamatay ang mga magulang namin.

Natapos ako sa pagpapakilala ng may narinig akong sumigaw, "Oy, Zelly!! Tinutunga-tunganga mo diyan?! Inutusan ka na nga ni Mama, nakatunganga ka  pa din diyan!" reklamo ng magaling kong pinsan.

"Ay, eto na." nasabi ko nalang at nagsimula nang kumilos.

Yung pinsan kong yun naman ay si Jasmine. Sobrang maldita ng babaeng yun. Hindi naman sa sinisiraan ko siya sa inyo, pero ganun kasi talaga siya eh. Lahat ng mga gawain halos sa amin ni Clarish nalang niya inaasa. Kasing edad ko lang siya at siya naman ang pinalad na makapag-aral sa kolehiyo.

**********

"Ate Zelly, hindi ka ba nagsasawa sa mga pang-aalilang ginagawa sa atin nila Auntie Letty at Ate Jasmine?" tanong sa akin ni Clarish.

Katatapos lang kasi naming maglinis ng bahay at magluto ng kakainin mamaya ta eto nga, kagaya ng sabi ni Auntie Letty, pagkatapos naming gawin yun ay maglaba naman kami ng mga damit nila.

Sinagot ko naman ang tanong ng kapatid ko, "Clarish, sa totoo lang nagsasawa na din naman ako e,  pero nagpapasalamat na din ako kasi pinayagan nila tayong tumira sa bahay nila." mahinahong sabi ko sa kanya habang kinukusot yung damit na nilalabhan namin.

"Hay, Ate. Ewan ko. Nakakainis kasi ang ugali nila lalo na si Ate Jasmine. Gusto ko na talagang makaalis tayo dito." reklamo naman ng kapatid ko.

"Eto talaga. Konting tiis nalang. Makakaalis din tayon dito." at nginitian ko siya.

"Kailan naman yun, Ate? Kapag nakita mo na ang Knight in Shining Armor mo na magliligtas sa atin dito?" nangingiting tanong ng kapatid ko.

Natawa naman ako sa tanong niya. Kahit kelan talaga 'tong kapatid ko, intriga e! Hahahaha!

Kesa naman humaba pa ang usapan, sinagot ko naman ang tanong niya,

"Oo, sa oras na dumating ang Knight in Shining Armor ko na sinasabi mo, Clarish, siguro yun na yung panahong maaaring makaalis na tayo dito." at pinagpatuloy nalang namin ang paglalaba.

**********

Prince Liam's POV

@Joson Palace

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!" sigaw ko pagkagising ko at pagkaharap ko sa salamin.

Nagulantang naman siguro ang mga servants namin kung kaya't kinatok nila ang kwarto ko.

*toktoktoktok* "Mahal na Prinsipe!! Ano pong nangyari sa inyo? May masama po bang nangyayari dyan?" tanong isa sa mga servants namin.

Ayokong makit nilang ganito ako. Nakakahiya. Baka pagtawanan nila ako.

"Si Lexus. Si Lexus ang kailangan ko. Papuntahin niyo siya rito." utos ko sa kanya.

"Masusunod po." at narinig ko na ang mga yabag niya napapalayo.

*toktoktoktok* "Mahal na Prinsipe! Si Lexus na po ito. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya habang kumakatok.

Tutal siya lang naman ang mapagkakatiwalaan ko sa bagay na 'to, pinapasok ko na siya.

Pagkakita niya sa akin. Tila gulat na gulat siya sa nakita niya. Nilabas niya ang espada niya at biglang tinutok sa akin.

"Sino ka?! Anong ginawa mo sa Mahal na Prinsipe?! Lapastangan ka." at susugurin na sana niya ako ng biglang akong nagsalita.

"LEXUS! Itigil mo nga yan! Ako to, ang Prisipe Liam ninyo." napahinto naman siya at agad na nabitawan ang hawak niyang espada.

"K-kayo p-po ang Mahal na Prinsipe?" di makapaniwalang tanong niya sa akin habang tinitingnan ang buong pagmumukha ko.

"Ako nga 'to. At hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari sa hitsura ko. Lexus, ano nang gagawin ko? Ang panget ko na. Parang kinagat ng daan-daang bubuyog ang pagmumukha ko, hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga Prinsesang kilala ko." nag-aalalang sabi ko kay Lexus.

"May isa lang po tayong taong kailangang puntahan upang makatulong sa kalagyang nangyayari sa inyo ngayon." sagot niya sa akin.

"Sino?"

"Si Pela Ichael lang po." sagot niya.

Pela Ichael, siya lang ang taong makakatulong sa akin, sana kayang niyang malutas ang problema ko ngayon.

**********

Short update. Namiss ko lang bumalik sa wattpad. Uwaaa. Bakasyon ko na next week. I'll be graduating in a few days. Namiss ko kayong mga readers ko! :) Next week nalang siguro ako mag-uupdate sa Fake To Real Lovers. Ciao!

- Yulz <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Unexpected Royal Love Story [ON-HOLD]Where stories live. Discover now