- Chapter 1 -

66 2 0
                                    

Chapter 1

@ Joson Palace

Prince Liam’s POV

"Hahahaha! Ang saya niyo talagang paglaruan. Sige, takbo pa. Hahahahahaha!"

Anong ginagawa ko? Eto, pinapatakas yung mga kabayo ng Mahal na Hari o nang ama ko. Wala akong magawa e.

"Prince Liam, itigil niyo po yan!" Oops, isa sa mga servant namin. Naku! Mukhang nahuli pa ako.

At syempre bago pa ako mahuli at idala sa ama ko e, tumakbo na ako papalayo.

"Hahahahahaha! Bahala na kayo dyan, ibalik niyo nalang sila sa mga kulungan nila!" sigaw sigaw ko habang tinatakbuhan sila.

Ang daldal ko na, nababawasan tuloy ang pagka-cool ko kaya magpapakilala na ako. I’m Alexander Liam Windsor, the prince Joson Palace pala. 23 years old. Anak nina Haring Xander Windsor at Reyna Aleya Lux.

Habang tumatakbo ako e, di ko namalayan na nakarating na pala ako dito sa isang gubat. Ang gubat na kinatatakutan ng marami; ang Jealez Forest.

Andito daw kasi ang kaharian ng witch na si Minerva Evilone. Maraming natatakot sa kanya. Sa totoo lang, e hindi ko pa siya nakikita.

Tutal, andito na din naman ako— pupunta nalang ako sa palasyo nila. Aalamin ko ang katauhan niya. Kung bakit ba sila natatakot sa kanya.

Malamang ay panget ito. Hahahahahahahaha! Natawa naman ako sa naisip ko. Masama na kung masama pero ito ako e.

Nakarating na ako sa palasyo ng mga Evilone. Nakakakilabot nga ang hitsura nito. Nababalot ito ng itim na kulay at mukhang abandunado.

Nacurious ako sa hitsura na palasyong ito. Sa lahat kasi nang mga palasyong napuntahan ko na e, ito lamang ang namumukod tanging naiiba.

Patago akong pumasok sa nakakatakot na palasyo na to. Medyo kinakabahan na din ako -_- Hay, nababawasan pagka-cool ko neto e. Tss.

Lakad-lakad-lakad-lakad-lakad-lak—-…

"Sino ka?" may taong nagsalita, boses ito ng isang babae.

"A-ano.." para akong naputulan ng dila.

Ito na ba ang sinasabi nilang si Minerva Evilone? Punyemas, ba’t ba ako kinakabahan??!!

"Magsalita ka." nakatalikod pa din ako sa kanya. At sa pagkakataong ito ay may naramdaman akong parang nakatutok sa may bandang likuran ko.

Sht. Katapusan ko na ba? Bwisit. Dapat di ko nalang tinuloy ang pagpunta rito.

"A-ano.. A-ako si L-l-l-iam Winds-sor." nauutal na sagot ko dito. "Galing ako sa palasyong Joson." patuloy ko.

Naramdaman ko namang tinanggal na niya ang nakatutok sa likod ko. Hayy. Buti naman. Akala ko mawawalan na nang isang gwapong prinsipe ang kaharian namin.

Humarap siya sa akin. Nagulat talaga ako.

At isa lang ang masasabi ko.

Sobrang pangit niya. Para siyang sinumpa na ewan. Kaya naman natawa ako ng walang dahilan.

"Pwahahahahahahahahahahahahaha! Kaya ka pala nila kinatatakutan e kasi, napakapanget mo pala. Di na ako magtataka. Pwahahahahahahahahaha!" tawa lang ako ng tawa.

Nagulat ako ng makita kong nangitim ito. Ang mata niya, ang labi niya ay nangingitim at ang sama ng tingin niya sa akin.

Mas ikinagulat ko pa ng makalapit siya sa akin at hawak ako sa leeg.

"Wala kang karapatang husgahan ako. Isa kang lapastangan." sabi niya habang hawak pa din ang leeg ko. Di na ako makahinga. Peste.

"D-di a-a-ak-k-oo m-makah-hingaaa…" ang higpit ng hawak niya. Pakiramdam ko mawawalan na talaga ako ng hininga.

"Nararapat lamang yan sa isang lapastangang kagaya mo." pinakawalan niya ako at hinagis papalayo at tumalsik ako. Ang sakit ng katawan ko. Bakit ang lakas niya?

"Kulang pa yan sayo. Bilang kaparusahan sa iyong paglalapastangan sa aki’y isusumpa kita." nakita ko na umitim ang kanyang hintuturung daliri at tinapat ito sa akin.

"Clameraqze kedeje emresmon zemyshimic!! Ferzelyhancemiana!!" sigaw niya na di ko maintindihan ang ibig sabihin habang nakatutok ang mga daliri niya sa akin.

"Hanggang walang babaeng tunay na umiibig sayo’y di mawawala ang sumpang ipinataw ko sa iyo!" sigaw niya at matamang nakatinging mabuti sa akin.

"Bababa ka sa mundo ng mga mortal ngunit hindi ganoon kadali ang magiging buhay mo doon." sigaw niya ulit at tinuro ulit ako ng kanyang hintuturo at nagsalitang muli.

"Rojebojan cabdaolala!!" nagulat nalang ako ng biglang umusok at pagkamulat ko ng mga mata ko ay nagulat ako.

"Bakit nasa kwarto ko na ako?" tanong ko sa sarili ko.

Totoo ba ang mga nangyari kanina o marahil nakatulog lamang ako?

Ngunit hindi, ramdam ko ang pagsakal sa akin ng mangkukulam kanina. Siya na nga siguro marahil si Minerva Evilone.

Pero totoo bang sinumpa niya ako? Hay. Ano ba tong nangyayari sakin? Nababaliw na ata ako. Tss.

Tok-tok-tok-tok..

Napatigil ako sa pag-iisip ko ng may narinig akong kumatok.

"Pasok." sabi ko.

"Mahal na prinsipe, pinahahanap po kayo ng inyong ama. Nalaman po niya kalokohang ginawa niyo kanina sa mga kabayo. Gusto niya po kayong makausap." sabi ng tagapaglingkod ko.

Siya si Lexus. Kasama ko na siya simula pagkabata. Siya na rin ang tagapagsilbi ko pero kahit ganoon e, parang siya ang tinuturing kong best friend ko.

"Pakisabi sa kanya’y papunta na ako." sabi ko kay Lexus.

"Makakarating po." at pagkabanggit niya nun ay lumabas na agad siya.

Hay. Paniguradong pagagalitan nanaman ako ni ama. Patakasin ko ba naman yung mga kabayo niya e.

Lumabas na ako ng kwarto ko matapos kong mag-ayos.

Tumungo na ako sa silid ng aking ama.

Pagkapasok na pagkapasok ko…

"Liam!!!! Inuubos mo ba talaga yung pasensya ko???!!! Bakit mo pinatakas yung mga kabayo sa kulungan nila?" galit na galit na sigaw niya.

Sht lang. Eh sa mga trip ko yung kabayo e.

"Eh wala po akong magawa eh." sagot ko.

"Walang magawa??! Hay naku, Liam! Yan ba ang ugali ng isang prinsipe? Magiging isang hari ka na at papalit ka sa aking trono sa oras na maipakasal ka na sa isang prinsesa." hay. Eto na po tayo, hari.. hari.. hari.. Wala pa nga akong balak mag-asawa. Tsk.

"Pero ama, wala pa akong balak mag-asawa." sabi ko.

"Sa dinadami ng mga prinsesang naghahabol sa iyo, wala ka man lang bang kursunada sa kanila?" sabi nito.

Totoo iyon, di naman sa pagmamayabang pero talagang maraming prinsesa galing sa iba’t ibang palasyo ang nagkakagusto sa akin.

"Hindi ko pa talaga nahahanap kung sino ang magpapatibok nito, ama." tugon ko sa kanya habang tinuturo yung puso ko.

"Pero pakiramdam ko,

malapit ko ng makilala ang babaeng magpapatibok nito.” habol ko at lumabas na ng kwarto ng Mahal na Hari.

Napaisip ako sa sinabi ko.

Malapit na nga ba?

******************

Posted!!~ Sorry for the long wait. I’ve been busy these past few months and nag-uupdate din po kasi ako sa isang story ko. Kaya po ganito. Well, napost ko na po yung chapter 1, sana maituloy ko pa po. Enjoy the sembreak guys!

-Yul

My Unexpected Royal Love Story [ON-HOLD]Where stories live. Discover now