Chapter 2: Korea and the Gangster World

64.4K 1.1K 81
                                    

Natalie's POV


Nandito na ako ngayon sa Korea, di man lang ako nakapagpaalam sa bestfriend ko. Ambilis kasi ng pangyayari. Hindi ko din maiwasang ma homesick kaya naisipan kong tawagan ang kaisa-isa kong bestfriend.


(Hello?) sagot nung sa kabilang linya. Sure naman akong siya 'to.

"Larisa?"

(NATS?!) sigaw nito kaya medyo nalayo ko yung phone.

"Aray ha! Kung makasigaw ka, oo ako to Lars."

(Nag drop-out kana raw, san kaba?)

"Nandito ako sa Korea."

(Korea lang pala--- teka—ANO?! Kelan balik mo??)

"Hindi ko alam. A year or two? Bahala na muna."

(Gaga ka ah! Wala man lang goodbye!)

"Ano ka ba. Wag ka ng malungkot. Babalik ako. Sana mahanap ko sarili ko dito at sana, mas magiging matatag para matanggap ni Daddy."

(Naiintindihan ko. Ingat ka lagi ah? Basta video call tayo lagi.)

At ayun nga nagpaalam na kami sa isa't-isa matapos ang kaonting dramahan. Kung anong mangyayari sakin dito bahala na. Kung saan dadalhin ng mga paa.



1 YEAR LATER...

BANG

BANG

BANG

Sunod-sunod na tunog ng bawat balang tumatama sa dummy sa unahan ko. 2 months ko ng ginagawa to. A few months ago din, nagsimula ako mag gym. Nagpatanggal ng braces saka nagpa laser ng mata para hindi na malabo ang paningin ko.

Nag-aral din ako ng iba't-ibang klaseng martial arts at kung paano humawak ng espada kasi masaya siyang hobby. Nagpaturo na rin akong mag-drive ng sasakyan kasali na diyan ang big bike. Ewan ko ba. Parang nabubuhayan ako dito and I'm happy. Yun ang importante.

Wala akong panahon makipaghalubilo sa mga tao dito. Gusto kong buuhin ulit ang sarili ko muna bago ang iba.



***

Nakauwi na rin. Kapagod pero masaya.

"Good evening young lady." bati ng mga maids and butlers sabay bow.

"Good evening." Bati ko pabalik pagkapasok ko nakita ko si daddy.

"What brings you here?" malamig kong tanong.

"Checking you." Prenteng sagot niya.

"What for?" supladang tanong ko.

"Don't use that tone on me. You respect. I'm your father."-sabi niya.

Napaismid ako. "And how 'bout me? Did you respected me? Ever, Father?"

Nagkibit balikat ito na parang walang paki.

"I'm at least glad you're improving your unworthy old self. I'll be leaving." tapos lumabas na siya. Hanggang kelan talaga. Tsk.

Tiningnan ko ang orasan. 8:10pm pa lang. Maaga pa naman. Hindi pala nandito sina mommy at kuya, ako lang at yung mga tauhan dito. Dumadalaw lang si mommy dito minsan at first time ni daddy na dalawin ako, napakabait niyang ama diba? Napaka caring pa.

Nagbihis na ako at naglagay ng dark eyeshadow at black winged eye liner tsaka red na lipstick. Pupunta sa nightclub. Naka silver na sleeveless top na pinatungan leather jacket tapos skinny jeans at itim na ankle boots. Ang buhok ko ay natural lang na wavy, maganda na kaya di na kailangan pa ayusin. Sinuklayan ko lang.

Bumaba na ko. Lumabas at kinuha si Azul. Ang itim kong maserati.

"Where are you going young lady?" tanong ng guard.

"Just open the gate."

"But--"

"I said open the gate." sabay tingin ko ng masama sa kanya at wala ng nagawa kundi simpleng tumango.

Pinaharurot ko na yung kotse ko. Napadpad ako dito sa isang sikat na nightclub. Pinarada ko na yung kotse tapos naglakad patungong entrance. Hindi naman halatang minor dahil sa suot ko at medjo dark na make-up.

I ordered a glass of drink na light lang ang alcohol.

Around 10 minutes later, may lalaki na napansin ko na kanina pa tingin ng tingin sakin, madami namang tumitingin pero iba siya. Kung makatitig wagas eh. Papalapit na siya sa direksyon ko.

"Hey pretty."

"May I know your name?" Name mo mukha mo. Porma palang, para ng fucboi.

"No."

"Why? I just wanna be friends." Lusot niya pa.

"I friend mo mukha mo."

"Woah. Naiintindihan kita ah, half filipino kaya ako and half korean." loko. pinoy naman pala eh.

"Ah."

"I'm Dominic Rivera and you are?"- sabi niya sabay abot ng kamay. Tinitigan ko saglit saka tumingin sa kanya.

"Fine. I'm Natalie. Natalie Concepcion." pero di ko shinake yung kamay niya. Bitter ako sa mga lalaki.

"Oh well. Nice meeting you."


***

"ANG YELLOW COBRA GANG AT ANG BLACK TIGER GANG MAG-AAWAY! (in korean)" -sigaw nung isang lalaki. Paki ko?

"Please excuse me. My friends are in trouble." siya. Di ako kumibo. Nagmadali itong lumakad palabas. Friends huh? Baka isa siya sa mga members nung isa dun sa dalawang gang.

5 minutes later... (Note:dialogues will be in tagalog transalated from Korean.)

"Natatalo na yung Black Tiger Gang." Komento ng isa.

"Oo nga, unfair kasi yung Yellow Cobra Gang eh. Gumagamit pa ng espada."

Hmm.. makalabas nga. Nakita ko na aatakihin na sana ng isang unggoy este isang pangit na lalaki si Dominic. Sinipa ko yung espada na hawak nung lalaki tapos sinalo ko. Nanghihina na rin si Dominic at yung iba niyang kasama. Marami kasing tama ng espada. Kayo ba naman diba?

"What are you doing?" sabi nung mukhang leader ng kalaban. Aba, marunong din pala mag english eh.

"Obviously helping them since you're fighting unfairly."

"Natalie, huwag kanang sumali dito, bayaan mo na kami." mahinang pakiusap ni Dominic.Psh. Bayaan daw, tiningnan ko lang siya tapos binalik ko yung atensyon ko sa yellow cobra gang.

Isa dalawa..labing anim laban ang lima? Tapos may espada pa yung kabilang gang? Aba di ata pwede yun.


"Well you made your choice. Now you'll die too." YCG leader.

"if you could." Tapos ginamit ko yung hintuturo ko na para bang nag sesenyas na lumapit sila sakin.

"Attack her!" sigaw nung leader kaya nagsabayan sila. Napangisi ako. This will be a fun night afterall.

Mabilis ang galawan nila pero hindi pinag-iisipang mga atake. Sugod lang ng sugod. Tumutunog ang bawat espada namin at sa bawat isang nakakalapit ay nasusugatan ko sa paa o kaya sa braso. Santa pa naman ako eh.


"Babalikan kita! Di pa tayo tapos!" sigaw ni Mr. YCB leader. Pumasok yung tatlo sa kotse at sumunod yung iba na nanghihina hanggang sa nakaalis na.

Ang babakla naman.

Paglingon ko sa likod ko, lahat pala sila nakatulala kasama yung Black Tiger gang.


Hello shocked faces.

Black Tiger Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon