Chapter 1: My First Love and My First Heart Break (revised)

88.3K 1.3K 94
                                    


Natalie's POV

Ako si Natalie Marize Concepcion, 13 years old, first year high school pa lang. Today is my first day being enrolled in our own school. Pagmamay-ari nga namn pero hindi ko pinagsasabi ng kung sino-sino dahil for sure, magkakaroon ako ng atensyon sa publiko o kaya special treatment. Ayoko nun. Gusto ko simple lang.

Isinuot ko na ang palda ko na mas malaki pa ang waist line kay mama at kuya dahil sa taba kong 'to, tapos yung blouse naman. Nagsuklay na rin ako and to match up my look, sinuot ko yung eyeglasses ko.

And, viola! Ngumiti ako sa salamin kaya nakita ang pink kong braces. Todo pa cute pa ako pero tinigil ko na dahil baka biglang mabasag lang. Sayang naman.

In short, pangit ako, lampa pa hindi tulad ng kapatid kong si kuya Lance Concepcion. Gwapo, matalino, mabait at athletic. Saan ka pa. He's 4 years older than me, first year college na siya ngayon. Haaiist move on na nga lang at baka ma-late na ako sa school. Excited much pa naman. Hihihihi.

"Bye baby. Pahatid ka na sa kanila at magpasundo na rin okay?"

"Mom, di ko naman kailangan ng bodyguards eh. Malaki na kaya ako."

"Nope. You're still our baby. Now, now wag ka na makulit. Di ka kasi mahahatid ni kuya mo kasi may basketball training siya agad kaya mauna ka na lang. Okay baby?"

"Alright mom." at siyempre dahil masunurin akong bata, umalis na rin ako matapos humalik sa pisngi ni Mommy.


***

Andito na nga ako sa labas ng gate.

"NATS!!" lumingon ako sa tumawag sakin. Si Larisa pala. Ang kaisa-isa kong bestfriend at kaibigan dito sa school mula nung elementary.

"Oh?"

"Oh lang talaga?? I misshhuuuuuu!!" tapos bigla niya akong niyakap. Aga-aga, ang hyper neto. Hahaha.

"Nako, nagkita pa tayo kahapon. Ang adik mo Lars. O siya, miss na rin kita. Tara na nga sa loob."

Tapos ayun, naglakad na kami papasok ng school, etong school po namin ay ang mga mayayaman lang ang pwede makapasok kumbaga, school for elites. Nasa second floor ang room namin kaya umakyat na kami tas pumasok sa classroom at kung swerte nga naman talaga oh. Si James mylabs!! Waaaahh ang gwapo niya forevs!!!

"Hoy te, wag mo tunawin. Magtira ka naman para mamaya."

"Tse. Wag ka na maki-epal diyan eh hanggang tingin lang naman ako noh."

"Pssh. Ang hopeless romantic mo. Ayaw pang umamin eh. "

Umupo kami sa may likuran at dahil pasimple ako, tumabi ako kay kras. Oo na ako na talagang humaharot. Onti lang naman at hanggang tabi lang eh. Wahahaha. Sa kaliwa ko naman ay syempre, si Larisa. Dumating na si ma'am maya-maya at nag-welcome samin etc.. the usual introduction. Alam niyo na 'yun.

Nag ring na rin ang bell.

Ayun. lunch na. Inayos ko na ang mga gamit ko at ready ng umalis ng may naramdaman ako kumulbit sakin ng tatlong beses. Kulit naman nito ni Larisa, masyadong atat.

"Teka lang Lars eto na-------James???? Uh-uh... m-may kailangan ka?"

si.. KRAS KO!! Nasa likuran pala ni James si Larisa at nakangiting aso.

"Ah oo. Gusto mo sabay na tayong mag lunch?" Tanong ni James sakin. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Larisa. Nag-thumbs up naman siya tapos biglang tumakbo na palabas kaya naiwan kami. Yes!! Wala ng ibang choice!

"Ah.. sige ba.. saan?" tanong ko kay James

"Sa McDo sana. Treat ko. Okay lang ba?" nakangiting tanong niya kaya lumitaw yung isa niyang dimple sa left. Ohmygulaayyy ang gwapoooooooo!

Black Tiger Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon