Jollibee part 2

29 0 0
                                    

Pumunta na kaming Jollibee, pag pasok namin nakita ko sina John at Christian.

"Uy! Angelo!" sabi ni John.

"Angelo sino yan? Anak mo? Hahaha." pabirong sabi ni Christian eto talagang mga 'to ang aadik.

"Hindi, kapatid ni Xai." sabi ko.

"Naks naman! Si Angelo dumidiskarte na.. Hahaha." asar sakin ni John.

"Kuya kain na tayo gutom na po ako." sabi ni Angelo sabay ngiti.

"Angelo sama nalang kayo samin dun sa table." wika ni Christian.

"Ah sige, Angelo anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Nakanaks! Meant to be talaga sila, hahaha." pang-aasar ni John.

"Uy di ah! Adik 'to. Andyan yung bata oh!" sagot ko kay John.

"Sabi ko na nga ba Kuya may gusto ka kay Ate ko eh." sabi sakin ni Angelo.

"Wala ah!" sagot ko

"Eh bakit po ang lagkit ng tingin mo kay Ate ko!" pang-aasar niya sakin.

"Ayun lang!! Hahaha!" sabi ni Christian.

"Imba 'tong kapatid ni Xai! May nalalaman pang 'malagkit na tingin' itong batang 'to! Hahaha!" sagot ni John.

"Tumigil na nga kayo! Pwede bang kumain na lang tayo?" sagot ko.

Xai's POV

"Hay. Nakakapagod!" sabi ko habang papaupo sa hagdanan.

"Oy Xai! Musta na?" tanong sakin ni Kuya Paul, di ko siya close pero nakakausap ko siya minsan.

"Okay lang naman." sagot ko.

"Nagkakatxt kayo ni Angelo?" tanong niya.

"Hindi po eh." sagot ko.

"Naku si Angelo talaga ang bagal kumilos." wika niya.

"Yun pa! Eh si Thor yun!" sagot naman ni Taffi, classmate ko na ka-close ni Angelo at ng iba pang second year.

"Oo nga, masyadong THOR-PE. Hahaha." sagot ni Kuya Paul. Talaga 'tong mga 'to pinagpilitan talagang torpe si Maylabs. Torpe agad 'di ba pwedeng nahihiya lang? Hahaha, talagang pinaglaban ko eh nuh.

"Ewan ko sa inyo, gutom lang yan!" sabi ko sa kanila.

Nag-antay lang kami nung, signal nung coach para bumalik na sa try-out.

Fastforward

Uwian na ngayon, si Past kasama si Bunso. Ano kayang nangyari sa dalawang yun?

Pagpunta ko sa waiting area andun yung dalawa, at aba! Nagkukulitan. Haha, mas close pa ata silang dalawa kesa sakin ahh. :P

"Oh Xai! Andyan ka na pala." si Past.

"Ay hindi! Picture ko lang 'to, 'de joke lang. Hahaha, Bunso, lika na uwi na tayo."

"Chige po Ate!"

"Salamat sa pagbabantay mo sa kapatid ko Angelo ah! :D"

"Ah wala yun, masaya naman kami kanina eh. :)" Shet, gwapo niya pag nakangiti! Ajujuju! Sulit dre!

"Sige haa, una na kami. Bye!! Ingat ka pauwi! :D" sabi ko.

"Sige, babye din! Ingat din kayo.=))" siya.

Alam niyo yung feeling na, kahit isang ngiti lang ang natanggap mo galing sa taong mahal mo eh, kaya ka ng pasayahin nun. :D

~~~

Tagal ng update ko. Hahaha, sorry kung panget update ko. Gusto ko po kasi sanang mag-update ngayon pangbawi kaso, ayun, fail. Hahahaha. Sorry ulet.

Nga pala, picture ni Past kaso naka-blur. kung kilala niyo man po siya wag niyo akong isumbong. Pinakita lang ng friend ko yung pic nya. Hehehe. Wafu! :">

Crush ko si Past! *HIATUS*Where stories live. Discover now